Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype

Inamin ni Louise delos Reyes na sa buwan ng May ang first anniversary nila ni Enzo Pineda bilang mag-boyfriend at girlfriend. Tinago ni Louise ang tungkol sa pagsagot niya kay Enzo dahil na rin sa naging problema ng mommy niya sa kanyang boyfriend. Pero ngayon daw ay okey na ang lahat at tanggap na ng mommy niya ang pakikipagrelasyon nito kay Enzo.


Inamin ni Louise delos Reyes na sa buwan ng May ang first anniversary nila ni Enzo Pineda bilang mag-boyfriend at girlfriend.

Tinago nga raw ni Louise ang tungkol sa pagsagot niya kay Enzo dahil na rin sa naging problema ng mommy niya sa kanyang boyfriend.

Pero ngayon daw ay okey na ang lahat at tanggap na nga ng mommy niya ang pakikipagrelasyon nito kay Enzo.

"Naiintindihan ko naman po si mommy kasi ayaw nga niyang magkaroon muna ako ng boyfriend. Masyado pa raw akong bata," sabi ni Louise sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng My Beloved.

"Pero pinatunayan naman ni Enzo na puwede siyang mapagkatiwalaan. Ginawa naman po ni Enzo ang lahat para magustuhan siya ng family ko.

"Minsan nga naaawa ako sa kanya kasi pupuntahan pa niya ako sa bahay namin sa Tanza, Cavite para lang magdala ng mga pasalubong at kumustahin ang daddy ko.

"Paunti-unti naman ay natanggap siya ni mommy. Kelan lang nga silang dalawa lang ni Enzo ang lumabas.

"Nag-date sila sa Enchanted Kingdom!" sabay tawa ni Louise.

Inamin nga ni Louise na may naganap noon na hindi maganda between her mom at si Enzo.

Gusto na raw niya kalimutan iyon dahil nakita na nga ng mommy ni Louise ang magandang intensyon ni Enzo sa kanyang anak.

"Opo may hindi magandang tagpo nga last year sila mommy at Enzo. Iniyakan ko po iyon.

"Pero si Enzo na yung nagpakumbaba sa mommy ko. Masyado niyang nirerespeto ang pamilya ko, lalo na sila mommy at daddy.

"Kaya si mommy, parang naawa na rin. Alam niyang hindi sasagot si Enzo sa kanya.

"Kaya ngayon, parang mas close pa nga sila ni mommy ngayon. Natutuwa ako kasi wala nang problema at very supportive na si mommy sa relasyon namin ni Enzo," ngiti pa ni Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa darating na Valentine’s Day ay baka via Skype na lang daw ang date nila ni Enzo dahil wala ito sa Pilipinas sa February 14.

Nasa Switzerland kasi si Enzo para sa homecoming show ni Sarah Lahbati kunsaan kasama rin nila si Derrick Monasterio.

Hindi nga raw makakauwi si Enzo in time for Valentine’s Day dahil itutuloy na nito ang kanyang pagpasyal sa ilang bansa sa Europe.

"Okey lang naman po iyon. Kasi yung show nila roon is February 11. Alangan namang pauwiin ko si Enzo agad para sa sa Valentine’s Day?

"Sayang din kasi nandoon na siya, ituloy na niya ang pamamasyal sa Europe.

"Nag-promise naman si Enzo na sa Skype na lang kami magde-date. Hindi raw niya kakalimutan ang important na araw na iyon.

"Uuwian daw niya ako ng maraming pasalubong.

"Sabi ko naman sa kanya, huwag niya akong intindihin. Mag-enjoy siya sa pamamasyal niya tapos kuwentuhan na lang niya ako pag-uwi niya or i-tweet na lang niya ako.

"Basta yung communication naman namin ni Enzo ay nandiyan, I don’t have to worry about anything. Malaman ko lang na safe siya, okey na ako."

Balik nga ang tambalan nila ni Alden Richards sa bagong primetime series ng GMA-7 na My Beloved.

Una silang naging partners sa Alakdana at huli silang nagkasama ay sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012 at sa The Road.

"Maganda ang chemistry namin ni Alden kaya okey kaming mag-work with one another.

"Tsaka ibang-iba ang roles namin ngayon sa My Beloved. Kung sa Alakdana ay sobrang drama kami, dito medyo may pagka-comedy kami.

"Kinidnap ako rito ni Alden pero imbes na matakot ako, nang-aasar pa ako. Hanggang sa magka-in love-an kaming dalawa."

Hindi ba nagseselos si Enzo kay Alden lalo na’t magkasama na ulit sila sa isang teleserye?

"Hindi naman po," mabilis na sagot ni Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Very understanding si Enzo at magkaibigan naman sila ni Alden. Alam niya na trabaho lang lahat at may tiwala siya kay Alden.

"Kami naman ni Alden, professional lang kami. Kung ano ang ipatrabaho sa amin ng GMA-7, gagawin namin para matuwa sila sa resulta."

Kahit nga busy si Louise sa kanyang showbiz career, hindi niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral.

Malapit na ngang matapos si Louise sa kanyang kursong Foreign Service sa Lyceum University.

"One year na lang po at ga-graduate na po ako," masayang balita niya. "Mag-OJT [On-the-job-training] na nga po ako this summer.

"Hindi ko po talaga pinapabayaan ang studies ko. Kahit na puyat ako or inuumaga sa taping or shooting, I make sure na a-attend pa rin ako ng classes ko.

"Gusto ko pong matapos agad kaya puro mga advance classes ang kinukuha ko. Kaya yung four-year course ay matapos ko lang in three years.

"Wala naman akong special treatment sa school. Mas gusto kong normal na student kapag nandoon ako.

"Sa awa naman ng Diyos, na-maintain ang grades ko kaya wala akong masyadong worries masyado," pagtatapos pa ni Louise delos Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN