Bianca King says she has introduced rumored boyfriend Dennis Trillo to her mom and lola: " Wala namang problema."

Bianca King talks about her role in Broken Vow, GMA-7’s new teleserye.

"’Yong character ko ay nagdaan sa isang napakatinding trauma bilang isang babaeng inabuso, physically and sexually," she says.


Excited si Bianca King sa simula ng pag-ere ng Broken Vow, ang pinakabagong seryeng pinagbibidahan niya sa GMA-7.

Bago ito, nakapag-portray na siya ng lead role sa Sinner Or Saint.

"Sa Sinner Or Saint kasi, medyo the usual melo-drama siya tungkol sa mahirap na inaapi," ang sabi ni Bianca nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Dito naman sa Broken Vow, ’yong character ko ay nagdaan sa isang napakatinding trauma bilang isang babaeng inabuso, physically and sexually.

"So...mabigat siya para sa akin. Pinilit ko ang sarili ko mag-relate do’n.

"Nararamdaman ko minsan ’yong pagka-aloof na...parang ayokong nahahawakan, ayokong nakakausap masyado.

"Pero in between takes lang naman iyon. Hindi sa totoong buhay.

"Wala naman akong apprehension about it. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ’yong project.

"Natuwa nga ako no’ng ibinigay sa akin ito. Hindi nga ako makapaniwala na [binigay sa akin] ’yong ganito kahirap na role na usually aayawan ng ibang artista dahil nga may rape scene.

"At ’yong pagkaka-shoot namin ng eksenang iyon ay mukhang totoo talaga. Hindi siya mukhang daya lang.

"Tapos, aside from that, i-age pa ako ng six years.

"Magiging nanay ako ng isang batang five years old. Ayaw ng ibang [artista] my age na mag-mother role, di ba?

"Pero para sa akin, malaking challenge yun—ang maging 25 years old na single na babae na walang anak at i-convince ’yong viewers sa gano’ng character na ipinu-portray ko," sabi ni Bianca.

Marami rin daw eksenang pisikal at nagkakapasa-pasa siya habang kinukunan ang mga ito.

"Nagkasugat-sugat din ako. Tapos may mga insect bites pa ako sa buong katawan na nangitim talaga.

"Kasi itinapon ako sa talahiban, e.

"After no’ng rape [scene], nagkaroon ako ng mga pasa, kasi sinasaktan ako at sinisipa-sipa," kwento ni Bianca.

FILM SCHOOL GRAD. Bukod sa pagbibida niya sa bagong serye, isa pang fulfillment na itinuturing ni Bianca ay ’yong pag-graduate niya sa kursong Film Making nitong February 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa wakas, after six years, natapos na rin. Tapos na tapos na talaga."

Magdidirek na rin ba siya?

"Hindi pa muna sa ngayon. Magpu-focus muna ako sa pag-aartista kasi kaka-sign ko lang ng bagong two-year contract sa GMA.

"So gusto ko muna talagang umarte sa harap ng camera.

"Nagagamit ko rin naman ’yong pinag-aralan ko sa Film Making, e.

"Meron akong karagdagang skills at impormasyon na natutunan ko by the book because of school.

"Maliban sa practical experience ko sa set kapag nagti-taping, malaking tulong ’yon sa pag-appreciate ko sa work ko."

Nitong February 10, a day before her graduation, dumating sa Pilipinas ang mommy at lola niya. Masaya raw si Bianca na muli silang nagkasama.

"Nag-Christmas ako sa Canada tapos nagpunta rin ako sa San Francisco [kung saan nakabase nga ang mga kaanak niya].

"Nagkita-kita naman kami.

"Pero ’yong mommy ko, hindi pa nakita ’yong bahay ko [na naipatayo niya from her earnings sa showbiz].

"Kasi 2008 pa no’ng huling umuwi siya rito.

"So...habang nandito ang mommy ko sa Pilipinas, makikita n’yo siya na kasa-kasama ko lagi. Meron kaming two weeks to be together.

"Sobrang proud ang mommy ko na maganda ang takbo ng career ko ngayon. Kasi only child ako, e.

"Kahit no’ng wala siya rito sa Pilipinas, araw-araw kaming nag-uusap."

NO QUESTIONS, PLEASE. Naipakilala na ba niya ang rumored boyfriend niyang si Dennis Trillo sa mommy at lola niya pagdating ng mga ito sa Pilipinas?

"Kilala na naman nila. At...wala namang problema."

Boto naman pala kay Dennis ang family niya.

How will she spend Valentine’s Day?

"Magpapahinga ako. I’ll spend time with my family...my loved ones.

"Hindi ko na sasabihin kung saan kami. Secret na lang."

Gusto pa sana naming magtanong about Dennis. Pero panay ang senyas ng kanyang road manager no questions about Dennis daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganyan?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN