Kris Bernal and Mark Herras reunite in afternoon soap

Kris Bernal (above) on working again with Mark Herras on Hiram Na Puso: "Siyempre, natutuwa ako na si Mark ulit ang ka-partner ko dito sa bagong drama series ng GMA-7. Na-miss ko rin siyang makatrabaho."



Muling magtatambal sila Mark Herras at Kris Bernal sa nalalapit na bagong teleserye ng GMA Afternoon Prime na Hiram Na Puso.

Marami kasi ang nabitin sa pagtatambal ng dalawa sa primetime series na Time Of My Life. Natapos kasi ito agad after one season pero may mga fans na gusto silang makitang magkasama ulit.

Kaya tamang-tama lang na sila ulit ang pinagtambal sa Hiram Na Puso.


Nag-attend pareho sila Mark at Kris sa story conference ng bagong serye na ginanap sa GMA Network Center. Excited ang dalawa na magtrabaho ulit dahil maganda ang naging tambalan nila noon sa Time Of My Life.

"Siyempre, natutuwa ako na si Mark ulit ang ka-partner ko dito sa bagong drama series ng GMA-7. Na-miss ko rin siyang makatrabaho," ang sabi ni Kris.

"Kasi nga sa Time Of My Life, hindi lang kami nagda-drama, sumasayaw pa kami.

"Ewan ko lang dito sa Hiram Na Puso, kung may mga dance sequences kami!" sabay tawa pa ni Kris na kakarating lang mula sa kanyang pagbabakasyon sa Amerika.

Pareho ang pakiramdam ni Mark na excited sa muling pagtatambal with Kris. May mga fans raw siya na gustung-gusto ang aktres dahil bagay daw silang mapanood na magkasama.

"Kami kasi ni Kris, magkasundo kami niyan noong gawin namin ang Time Of My Life. Nabitin din ako kasi hindi na na-extend yung series namin.

"Kaya heto pinagsama ulit kami," sabi ni Mark.

"Na-miss daw ako ni Kris? Na-miss ko rin naman siyang katrabaho. Si Kris kasi, kahit na sobrang pagod na ’yan, e naka-smile pa rin.

"Parang hindi napapagod," aniya.

Kapwa may matatawag na love life nga sila Mark at Kris.

Si Mark ay karelasyon si Ynna Asistio at si Kris naman ay balitang nililigawan ni Jolo Revilla.

Ayon kay Mark, hindi raw pagseselosan ni Ynna si Kris dahil magkaibigan ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na silang magkaibigang dalawa kaya walang magseselos.

"Si Ynna pa nga ang unang natuwa noong sabihin kong ipe-pair ako ulit with Kris Bernal," diin ni Mark.

"Very supportive si Ynna sa akin kaya alam ko na isa siya sa mga susuporta sa bagong show namin ni Kris."

Ayaw naman magkwento si Kris tungkol sa panliligaw ni Jolo sa kanya. Tama na raw yung mga nasabi niya last year.

At naka-move on na raw siya sa nangyari sa relasyon nila ni Jay Perillo.

"Nandiyan pa rin naman si Jolo. Gusto ko lang na quiet lang. Whatever happens, mababalitaan n’yo rin naman iyon.

"Basta ako naka-move on na ako nang bonggang-bonggang.

"Nakapag-isip-isip na ako sa naging bakasyon ko. Kung ano ang mga hindi magandang nangyari noong 2011, wala na iyon.

"Harapin na natin ang mga bago ng 2012. Sabi nga nila, out with the old, in with the new, ’di ba?" pagtatapos pa ni Kris Bernal.

Bukod sa Hiram Na Puso, busy rin sa pagpo-promote si Mark Herras ng pelikulang Hitman kunsaan ang bida at director nito ay si Cesar Montano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN