Dina Bonnevie admits to being in a relationship; says she’s not out to compete with ex-husband Vic Sotto

"Matangkad, guwapo. Ayoko ng bansot, ’no! Matangkad. Tall, dark, and handsome—yun ang description," says Dina Bonnevie when asked to describe her current boyfriend.


Habang isinusulat ang artikulong ito ay last taping day na ng serye sa TV5, ang remake ng P.S. I Love You, na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Gabby Concepcion, at Dina Bonnevie.

Ang remake ng P.S. I Love You ay hango sa pelikula ng Viva Films noong 1981, na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa direksiyon ni Eddie Garcia.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dina kahapon, February 12, sa set ng Paparazzi, napag-usapan kung paano niya ise-celebrate ang Valentine’s Day bukas.

"Mukhang magtatrabaho sa Valentine’s kasi last day taping namin," simula niyang kuwento.

Ngayong Lunes ang simula ng kanilang taping na aabot hanggang kinabukasan, na Araw ng mga Puso mismo.

"E, pa-morning-an na yun. Siguro lang na baka tulog ako sa Valentine’s," pahayag pa niya.

Pero hindi naman daw siya sigurado kung hanggang gabi ay tulog siya.

Aminado si Dina na nami-miss niya ang pagsi-celebrate ng Valentine’s Day.

Aniya, "Nami-miss ko rin naman, siyempre.

"Pero kung siguro naman, e, the following day, hindi naman kami masyadong puyat, I’m sure I’m going to go out din."

HER DATE? Kung hindi siya puyat at walang masyadong trabaho, meron ba siyang makaka-date?

"Oo naman. Have ako ng someone!" pagbabalita niya, saka tumawa nang malakas.

Matagal na ba niya itong nakilala?

"Bago lang," sagot niya.

SOMEONE GOD-FEARING. Sa mga naunang interview ni Ms. D (bansag kay Dina), sinabi niyang Christian ang gusto niyang maging boyfriend.

"Hindi naman... God-fearing," paglilinaw niya.

Gaano na sila katagal?

"Bago lang... siguro last month lang."

Foreigner ba ang bago niyang boyfriend?

"Tao naman!" biro niyang sagot.

"Hindi, Pinoy," pagtutuwid niya.

Ibig sabihin, hindi naman pala siya nagpapahuli sa kanyang ex-husband na si Vic Sotto?

Nauugnay kasi ngayon si Vic sa co-host niya sa Eat Bulaga! na si Pauleen Luna, bagamat walang kumpirmasyon na nagmumula sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi naman ako nakikipag-contest sa kanya, ’no!" bulalas ni Dina.

Hindi naman daw madalas magkaroon ng lovelife si Ms. D.

"Nagpapahinga rin naman," sabi niya.

MR. BUSINESSMAN. Hindi naman nababalitang lumalabas o nakikipag-date si Dina, kaya paano niya nakilala ang boyfriend niya ngayon?

"In my work," sabi niya.

"Kasi ’pag sa showbiz, siyempre, mahirap naman, di ba? Who can you meet naman, di ba?

"Karamihan ng mga nami-meet mo, may mga may asawa... hindi naman puwede sa iyo.

"Pero siguro, since I do business, kaya yun ang nami-meet ko sa field ng negosyo."

Nasa negosyo rin daw ang linya ng trabaho ng kanyang boyfriend at malakas daw ang appeal nito, ayon pa kay Ms. D.

"Matangkad, guwapo. Ayoko ng bansot, ’no! Matangkad.

"Tall, dark, and handsome. Yun ang description," nangingiting sabi niya.

Paano siya niligawan ng kanyang katipan?

"Tiyaga! As in months. Punta-punta sa set. Bisi-bisita sa bahay. Ang tiyaga niya!

"Siguro mga almost half a year rin siyang nanligaw," kuwento niya.

Mahigit isa’t kalahating taon din raw na nanahimik ang puso ni Dina bago siya nagdesisyong tumanggap uli ng bagong pag-ibig.

"Okey lang naman sa akin kung matagal na wala akong lovelife.

"Hindi ko naman hinahanap, e.

"Ang sa akin, ’pag nandiyan, okay. ’Pag hindi, e, di hindi."

Naiintindihan ba nito ang trabaho niya bilang artista?

"Naiintindihan naman niya kasi busy rin naman siya, e.

"Pero siyempre, minsan parang nagtataka siya na, ’Wow! Four o’clock na, nagtatrabaho ka pa? Di ba dapat nasa bahay ka na?’

"’E, ganyan ang showbiz, e,"’ sagot naman daw ni Dina.

DINA IS HIS BABY? Siyempre, dahil artista si Ms. D, hindi maiwasang maungkat ang tungkol sa kanyang boyfriend kahit pa pribadong tao ito.

Wala bang kaso ito sa kanyang boyfriend?

"Siguro... hindi ko alam," sagot ni Dina.

Handa na ba siyang ipakilala ito sa publiko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako magde-decide kung gaano katagal bago ko siya ipakita sa public.

"Parang kung nakita kami, e, di nakita kami.

"Basta, parang ’pag nakita kami, e, di nakita kami.

"Parang I’m not one to decide na, ’Ay, hindi ko pa siya ipapakita. Saka na.’ Mga gano’n."

Gaano kasaya ang kanyang lovelife pagkatapos ng higit sa isang taong wala siyang boyfriend?

"So far, masaya naman. At least, parang hindi nagkakalayo yung age namin. ’Tapos, medyo baby niya ako."

Wala raw problema sa kanyang dalawang anak na sina Danica Pingris at Oyo Sotto dahil aprubado nila ang ang kanyang bagong boyfriend.

"Oo naman! Saka na-meet na nila yung guy," sambit ni Dina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN