Dion Ignacio admits to slow pace of showbiz career; denies being an unwed father

Dion Ignacio on his showbiz career: "Mabagal. Mabagal talaga. Kapag may trabaho, go lang... At least, ayoko rin naman na magmadali, magbida, sabay hindi pala nag-rate, damay ako do’n. Okay na ako na basta sunud-sunod may trabaho. Kahit na cast lang sa ngayon. Kasi, wala pa naman, di ba?"


Hindi halos nabakante si Dion Ignacio sa paggawa ng teleserye dahil pagkatapos ng Amaya, may kasunod na agad siyang proyekto sa GMA-7.

Kasama siya sa cast ng bagong afternoon soap na The Good Daughter, na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Rocco Nacino.

Ginagampanan dito ni Dion ang mabait at mayamang boyfriend ni LJ Reyes.

Bakas sa mga ngiti ni Dion ang kasiyahan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa StarStruck alumnus, "Good ako dito. Nakaka-isang taping pa lang ako kaya hindi ko pa alam ang mga mangyayari.

"Pero excited ako sa magiging character ko, at sa ngayon, yun pa lang ang masasabi ko—boyfriend pa lang niya ako [LJ].

"Rich ako dito. E, hindi naman ako rich. Kaya aaralin ko pa ang character."

CHALLENGE TO PLAY RICH. Itinuturing ba niyang hamon kapag ang ginagampanan niyang karakter ay isang mayamang lalaki?

"Oo... kasi alam mo naman, hindi naman ako yun.

"Papasukin ko ang character ng mayaman kung papaano kumilos, manamit, magsalita, humarap sa tao, di ba?

"Kailangan kong aralin yun.

"Minsan nga, nanonood ako ng DVD para malaman ko ang character ko.

"Minsan, parang gusto kong gumimik sa Republiq nang makakita ako ng mga taong mayayaman."

Ang Republiq ay siyang "in place" ngayon para sa mga bata at mayaman na gustong gumimik.

E hindi raw kasi siya ang tipo ng kabataang lalaki na mahilig lumabas at gumimik. At hindi raw siya mayaman.

"Bahay lang ako, e. Madalas gigs ng banda, yun lang.

"Kailangan ma-expose din ako sa mga ganoon. Maka-mingle sa mayayaman."

NETWORK CONTRACT. Wala raw guaranteed contract si Dion sa GMA-7, pero nakakontrata raw siya sa network.

Pero baka mag-renew raw siyang muli ng kontrata sa Kapuso network.

"Parang okay naman, e. Pagkatapos ng Amaya, parang naramdaman ko na minahal ako ngayong 2011.

"After ng isa, meron agad. Although yung role... okay naman, at least, may trabaho ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Dion kung masaya siya bilang Kapuso dahil, sa Batch 1 ng StarStruck, marami-rami na rin ang lumipat sa ibang network.

Gaya ni Cristine Reyes (ABS-CBN) at sina Nadine Samonte at Rainier Castillo (TV5).

Ayon kay Dion, "Oo nga, e. Pero ako, happy naman.

"Ako, enjoy ko lang ngayon. Enjoy pa rin naman."

Pero aminado ang young actor na minsan ay napapaisip din siyang lumipat.

"Minsan, sumasagi sa isip ko.

"Pero okay lang. Okay pa naman, e.

"Siguro gagalingan ko na lang sa trabaho ko para, at least, kahit paano, mapansin ako.

"Baka ngayon pa lang ako mag-umpisa na magsunud-sunod."

Hindi ba siya nababagalan sa itinatakbo ng career niya, lalo pa’t nanggaling siya sa Batch 1 ng StarStruck?

Pag-amin ni Dion, "Mabagal. Mabagal talaga.

"Kapag may trabaho, go lang... At least, ayoko rin naman na magmadali, magbida, sabay hindi pala nag-rate, damay ako do’n.

"Okay na ako na basta sunud-sunod may trabaho. Kahit na cast lang sa ngayon.

"Kasi, wala pa naman, di ba?"

INSPIRED BY MIKE TAN. Kahit hindi niya ka-batch si Mike Tan, na siyang nanalo sa Batch 2 ng StarStruck, natuwa raw si Dion na nakikita niyang pinu-push na rin ito ng GMA-7.

Leading man na kasi si Mike ngayon sa ilang programa ng network, gaya ng natapos na Kung Ang Aagawin Mo Ang Langit at ang ipinapalabas ngayong primetime series na Legacy.

Sabi ni Dion, "Natuwa ako kay Mike din.

"Sabi ko nga, ’Uy, buti na lang, ang tagal din ni Mike Tan na nabakante. Biglang ngayon, dire-diretso, nakakatuwa.’"

Nai-inspire ba siya sa ibinibigay na oportunidad ngayon kay Mike?

"Oo... sana ako rin, next. Parang ganoon. Nakaka-inspire din."

UNWED FATHER. Minsan pa, tinanong ng PEP si Dion sa isyu noon pa na diumano’y may anak na siya. Pero kaswal lang at nakangiti niya itong itinanggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam... pero wala talaga.

"Pero kung mayaman ako, 25 na ako, bakit hindi?

"Pero mahirap magkaroon ng anak, ’tapos wala ka pang ipon.

"Pero kunwari anak-mayaman talaga ako, gusto ko rin. Para habang bata pa.

"Pero siyempre, mahirap yun.

"Pero yung isyu na may anak ako—sigurado ako, confident ako na wala talaga."

Kumusta naman ang lovelife niya?

"Okay lang, may nadi-date. Pero work muna.

"Minsan masakit din sa ulo pagsabayin ang lovelife at career!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN