Sarah Geronimo on her Valentine’s Day plans: "Hindi naman siya ’yong something na parang nilu-look forward ko talaga."

"Every Valentine’s Day naman po may trabaho naman ako, e. At saka hindi naman siya ’yong something na parang nilu-look forward ko talaga," says Sarah Geronimo about Valentine’s Day. True enough, Sarah will be working today because she’s attending the press conference for her upcoming weekly show Sarah G. Live!.


Habang abala ang karamihan ngayong Valentine’s day kung ano ang ireregalo o saan dadalhin para i-date ang kanilang kasintahan, magiging abala naman ang singer-actress na si Sarah Geronimo sa trabaho.

Ayon kay Sarah, sanay na siya na magtrabaho sa tuwing Araw ng mga Puso. Madalas kasi ang mga concert siya or singing gig kapag Valentine’s week.

Sa katunayan, nang makapanayan ng media si Sarah kamakailan at tinanong siya kung ano ang magiging plano niya ngayong araw, napangiti lamang siya.

Tapos, sinabi niya: "Wala naman po. Nothing in particular naman po."

Dagdag pa ng Pop Princess: "Magtratrabaho po kami sa Valentine’s Day dahil may gagawin po kaming show sa ABS-CBN, ang Sarah G Live!.

"Every Valentine’s Day naman po may trabaho naman ako, e."

At dahil nasanay na si Sarah, ito pa ang nasabi niya tungkol sa Valentine’s Day: "Hindi naman siya ’yong something na parang nilu-look forward ko talaga."

Ngayong tanghali, February 14, haharap si Sarah sa media sa inihandang press conference ng ABS-CBN para sa bago niyang lingguhang programa, ang Sarah G. Live!.

Nakatakda itong magsimula sa February 26.

ADVICE TO SINGLE WOMEN. Samantala, tinanong din si Sarah kung ano ang maipapayo niya sa mga single na babaeng tulad niya.

Sagot niya, "Well, siyempre, it’s up to them naman kung gusto nilang makipag-date, di ba? Or kung anuman ang plans nila for that day.

"Basta ’yon, sana mag-ingat lang din sila.

"Hindi porke’t Araw ng mga Puso, ibibigay na ang buong puso.

"Enjoy nila. Enjoy nila ang Valentine season with their loved ones."

Kung si Sarah ang tatanungin, hindi pa rin daw siya handang pumasok sa isang relasyon o kahit magpaligaw man lang.

"Sabi ko naman po sa mga past interviews ko na hindi masamang i-allow mo ’yong friendship with some guys.

"Pero ’yong relationships, parang hindi po muna," sabi ng Pop Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN