Bianca Manalo on her relationship with boyfriend John Prats: "Sobrang mahalaga siya sa akin. Na basta, basta alam ko, na hangga’t nandiyan siya, masaya ako."

"Sobra akong thankful. Kasi, kung iisipin mo naman, lahat ng gestures na ginagawa niya sa akin, parang, ’Totoo ba ’yan?’ Pero in fairness naman sa kanya, consistent siya. Hindi nag-iiba. Sa lahat naman ng bagay, may mga pinagdadaanan kayong mga misunderstanding. Pero siya, mararamdaman mo na lang na may tampo siya, bigla siyang mananahimik. Parehas kami," says Bianca Manalo about her relationship with John Prats.


Sa gitna ng mga intriga noon sa diumano’y relasyon na namamagitan kina Bianca Manalo at John Prats, sa wakas ay umamin na rin ang dalawa sa totoong namamagitan sa kanila.

Sa "Celebrity True Stories" segment ng The Buzz noong Linggo, February 12, ikinuwento ni Bianca kung paano nabuo ang magandang namamagitan sa kanila ngayon ni John.

Kuwento niya, "Grade three ako, tinanong ako... parang mainit ang Ang TV.

"Tinanong ako na parang... ang mga hit na hit noon na mga bata, Patrick Garcia and John Prats.

"Sinabi ko, ’John Prats."

Hindi raw alintana ni Bianca ang usap-usapang "matinik sa babae" si John.

Ilan sa mga nakarelasyon noon ng young actor ay sina Heart Evangelista, Shaina Magdayao, at Rachelle Ann Go.

Ayon kay Bianca, "Sabi nila, matinik nga raw sa babae. Pero ewan ko, sabi lang naman nila yun.

"Nakikinig ako. Pinakikinggan ko lang."

START OF SOMETHING NEW. Pagkatapos nito ay ikinuwento na ni Bianca kung paano nagsimula ang magandang pagtitinginan nila ni John.

"Naalala ko, parang one week pa lang ang Happy [Yippe Yehey!] noon.

"Nag-bonding kami, party-party. Nagkatabi kami.

"Parang doon ko na feel na, ’A, ang taong ito, mapagkakatiwalaan ’to.’

"Hindi ko alam kung paano nagsimula ang sweetness.

"Pero sa pagkakatanda ko, yung writer namin sa Happy Yipee Yehey!, yung spiels namin, ’Kayong dalawa ni Pratty, gusto ko ang banter n’yo, parang Pinky Webb and Ted Failon, yung nag-aasaran.’

"So, ganoon nag-start. Hindi ko alam, nag-end up, kami na yung iniinis sa isa’t isa."

Ipinakita rin sa The Buzz ang video clip mula sa isang episode ng Happy Yipee Yehey! kunsaan inamin ni John na crush na crush niya si Bianca.

Sa pagpapatuloy ng paglalahad ng dating Bb. Pilipinas-Universe, "Siyempre, nakakatawa... ’Uy, sandali, ’wag n’yo naman akong anuhin...’

"Alam naman natin noong mga panahon na yun na may girlfriend siya, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ayoko namang ma-tag na... hindi, hindi ganoon ang reputasyon ko, ’no."

Ang tinutukoy ni Bianca na girlfriend noon ni John ay si Rachelle Ann Go.

Patuloy niya, "Alam n’yo, in fairness, palagi siyang tumatawag.

"Ipinapakita niya sa akin yung way niya na, ’Sorry, pasensiya ka na, nadadamay ka. Alam naman natin na hindi totoo.’

"Nang mag-guest ako sa Gandang Gabi Vice, parang mainit pa ang isyu noon, yung sa amin.

"Parang nilalabas ang picture namin together na ginawa pa ng mga fans.

"After ng taping no’n, tumawag siya. ’Sorry, na-open up na naman yata. Hayaan mo siya.’

"Hanggang sa lobby na ako ng ABS, pagbukas ko ng sasakyan ko, ’Ano ’to?’

"Doon siya bumawi. Nagkalat siya ng bulaklak sa sasakyan ko at meron pang bouquet.

"Nanliligaw ba siya? Hindi ko alam, e."

Kuwento pa ni Bianca, "Nakakatawa dahil may times na tatawag siya sa akin, ’Uy, sabi ni Melai [Cantiveros], hindi pa raw siya nakakakain sa The Heat, sa Shangri-La, ilabas ko naman daw siya. Samahan mo ’ko?’

"The next day, nagkita kami ni Melai, ’Uy, si Kuya John, sabi niya, samahan ko raw kayong mag-dinner.’


"’Ano? Ha?’

"’Sabi niya raw, gusto mo raw. Nagpapalibre ka.’

"’Bakit?’

"’A, okay Sige na, kunwari wala na lang akong alam.’

"Parang doon nag-start hanggang sa dahan-dahan, alam ko, may gusto na siya.

"Pa-girl lang ako, dinaramdam ko lang... kayo naman!"

THANKFUL. Thankful naman daw si Bianca sa mga ipinapakita ni John sa kanya.

"Sobra akong thankful. Kasi, kung iisipin mo naman, lahat ng gestures na ginagawa niya sa akin, parang, ’Totoo ba ’yan?’

"Pero in fairness naman sa kanya, consistent siya. Hindi nag-iiba.

"Sa lahat naman ng bagay, may mga pinagdadaanan kayong mga misunderstanding.

"Pero siya, mararamdaman mo na lang na may tampo siya, bigla siyang mananahimik. Parehas kami."

Sabi pa ni Bianca tungkol kay John, "Hindi siya seloso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa pagkakaalam ko, ha. Hindi ko lang alam.

"Sa pagkakakilala ko kay John Prats, hindi na ako nagtaka kung bakit marami ang nagmamahal sa kanya, kasi napakabuti niyang tao.

"Totoong kaibigan. Maaasahan. At saka pagdating sa pamilya, bilib ako."

Importante at mahalaga raw sa buhay ni Bianca si John.

Aniya, "Alam mo, kung ano ang meron kami ngayon, yung samahan namin together, masaya ako. Sobra akong thankful.

"Kung anuman ang meron kami ngayon, sana magtuluy-tuloy.

"Sobrang mahalaga siya sa akin, na basta, basta alam ko, na hangga’t nandiyan siya, masaya ako."

JOHN’S BIRTHDAY. Dahil birthday ni John ngayong Araw ng mga Puso, February 14, hiningan si Bianca ng mensahe para sa kasintahan.

Natatawang sabi ni Bianca, "Hi! Ano ba ’yan, natatawa ako! Hi John, happy birthday!

"Another year na mas marami ka pang pagdaraanan and mas marami ka pang matutunan sa buhay.

"Thank you... sa lahat, sa pag-alaga, sa concern.

"Napakasuwerte ko na meron akong isang katulad mo.

"Happy birthday!

"At sana, ngayong 20 years ka na sa showbiz, kung sino si John dati, ganoon ka pa rin sa magiging years pa na pagtatrabahuhan mo.

"I’m happy, it’s your birthday."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN