Niña Jose reveals identity of boyfriend; dismisses rumored fling with Vic Sotto

Niña Jose on businessman-boyfriend Josh Calata: "I’m very happy with my lovelife. Kasi there’s no pressure in our relationship. We’re like best friends. Para nga kaming magkapatid, e. I can be myself with him. I feel very loved."


Hindi pa malinaw kung bakit hindi nakarating si Niña Jose sa major presscon para sa bagong teleserye ng TV5, ang remake ng Valiente, noong February 1.

Kaya nang matiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Niña matapos ang live guest appearance niya sa Paparazzi noong Sabado, February 11, ang hindi niya pagsipot sa press launch ng Valiente ang agad naming itinanong sa kanya.

Paliwanag ng sexy young star, "I had taping for the Jose and Wally Jose on the day of the presscon itself.

"So, I think the schedule did not permit. Hindi rin ako pinayagan ng kabilang show."

Hindi kaya ang isyu sa kanila ni Vic Sotto ang rason sa hindi niya pagsipot sa presscon, para makaiwas sa pagtatanong?

"Of course not! Why would I make iwas? Wala namang dapat iwasan in the first place," sabi niya.

Muling itinanggi ni Niña na naging sila ng premiere comedian-TV host.

Aniya, "No, no! Of course, we were never together.

"He’s just a very kind man. Siguro, natutuwa lang siya sa akin.

"Pero nothing going on between the two of us."

Giit ni Niña, "No talaga. I wouldn’t deny it if ever na I have someone in my life.

"Why would I, di ba? And I have a boyfriend now. He’s a businessman.

"His name is Josh Calata. His line of business is agriculture.

"And we’ve been together a month and a half.

"We just got together December, New Year’s eve actually.

"Pero okey naman everything."

NINA’S BOYFRIEND. Bilang pagpapatunay sa pagkakaroon niya ng boyfriend, ipinakita pa ni Niña sa PEP ang MMS photos nila ng boyfriend niya na kuha raw sa Hong Kong.

Sa isang larawan ay magkahawak-kamay silang dalawa, at sa isa nama’y magkatabi.

Guwapo ang boyfriend ni Niña at puwedeng mapagkamalang foreigner. Pero ayon sa dating Pinoy Big Brother Teen housemate, isa itong Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw magiging problema ang rebelasyon ni Niña tungkol sa personal details ng boyfriend niya at sa kanilang relasyon.

Okey lang naman daw na pag-usapan ang kanyang kasintahan.

Ayon pa kay Niña, "Private person, pero open naman siya.

"Nagkakilala kami through my cousin. Ipinakilala kami, and then nanligaw na siya. Ayun!"

Happy naman ba siya?

"Oo, very happy!" masaya niyang sagot.

Kahit daw ang intriga sa kanila ni Vic ay hindi itinatago ni Niña sa kanyang boyfriend.

"Alam niya itong isyu na ito. He knows everything naman.

"I think he accepts me naman for who I am and he loves me. Tanggap naman niya lahat, whatever my past.

"But yung sinasabi na naging kami ni Bossing, that’s not true," giit ng dalaga.

THE ROOT OF THE ISSUE. Nagsimula ang intriga sa diumano’y "short-lived mutual understanding" nina Niña at Bossing Vic sa interview ni Zoren Legaspi kay Niña sa Paparazzi.

Tinanong namin ang seksing aktres kung ano ang naging laman ng interview sa kanya ni Zoren.

"I think he asked me if special ang treatment [ni Vic] sa akin.

"I said, ’Oo, special. Natutuwa siguro yung tao sa akin.

"But doesn’t mean anything na we’re together. Doesn’t mean na nililigawan niya ako.

"’Pero I can say na naging special ang trato niya sa akin.

"Maybe he’s a very kind person. He’s a very nice man.

"People think he’s bossing. He’s hard to reach.

"Pero sa totoo lang, he’s humble, nothing bad to say about him. He’s a good man.’

"And before I did the interview, nagpaalam na ako sa kanya.

"Kasi that’s bastos naman if I talked about him and the other person doesn’t know about it.

"And after the interview, I called him kasi parang na-misinterpret," lahad ni Niña.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VIC-PAULEEN RUMORED RELATIONSHIP. Hindi na raw nag-effort pa si Niña na gawing isyu ang pagkaka-link niya kay Bossing Vic at sa diumano’y panggugulo niya sa rumored relationship nito kay Pauleen Luna.

"I don’t know... We don’t really talk about that thing anymore.

"All I can say is that he’s a very, very kind person."

Hanggang "hi-hi" lang daw sila ni Pauleen, ayon pa kay Niña.

Inamin ni Niña na bumisita si Pauleen sa set ng taping nila ni Vic ng The Jose And Wally Show Starring Vic Sotto.

"She went there one time after the issue broke out."

Ipinaliwanag ni Niña kung bakit hi-hello lang sila ni Pauleen.

"We met na before. So we know na each other. Kasi we have common friends, e.

"So, ’Hi!’ Ganun lang.

"We didn’t really talk sa set, we just said ’hi-hi’ lang to each other."

Pwede bang kumpirmahin ni Niña kung may relasyon na nga sina Bossing Vic at Pauleen?

"I don’t know. I have no comment on that.

"Basta, whatever makes them happy, go. They both deserve to be happy.

"Lalo na si Marvic, Bossing." Marvic ang isa pang tawag kay Vic.

"I think he deserves to be happy because he’s a good man. He has a good heart.

"Me naman, I’m very happy with my lovelife. Kasi there’s no pressure in our relationship.

"We’re like best friends. Para nga kaming magkapatid, e.

"I can be myself with him. I feel very loved."

AGE DOES NOT MATTER. Thirty-one years old na raw ang boyfriend ni Niña at 23 naman siya.

Pero wala raw problema sa kanilang age gap.

Binatang-binata raw ang boyfriend ni Niña: kailanman ay hindi ikinasal at wala ring anak sa kahit na sino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero wala pa raw sa isip ng aktres ang pagpapakasal sa kasintahan.

"It’s too early to tell, pero you know, why not? But it’s too early to tell.

"As of now, we’re enjoying the moment.

"He has his business and I have my career.

"We’re just happy with each other."

Part-owner daw ng B-Meg Feeds ang kasintahan ni Niña. Maliban dito ay meron pa itong ibang mga negosyo na hindi kabisado ng youing actress.

"I don’t really wanna talk about his business, that’s his thing. And we really don’t talk about it that much.

"Pero natutuwa ako kasi sa March, yung business is gonna go public, papasok sa stock.

"So, tinuturuan niya ako. Kaya okey sa akin.

"Pero when it comes to business or financial whatever, I don’t ask.

"Basta, tinuturuan niya akong mag-invest. I’m very, very proud of him."

Pagdating naman sa kanyang career sa TV5, ang laki ng pasasalamat ni Niña sa istasyon sa pagbibigay sa kanya ng mga projects.

VALIENTE. Malaki ang role niya sa Valiente kahit na kontrabida ang ginagampanan dito.

"Sobra akong nagulat. Hindi ko ini-expect.

"Pero siguro, sabi nga ng mom ko, ’Pana-panahon lang ’yan.’

"We have to be patient and very thankful and happy na he put their trust in me for this project.

"And sana I did very well sa role ko and I meet up to their expectation," nakangiti niyang sabi.

Challenge para kay Niña ang powerhouse cast ng series na kasama sina JC de Vera at Oyo Sotto.

"Sobra talaga!" bulalas niya.

"Kaya nga talagang concentrated ako sa role ko at sa kung ano yung kailangan kong ibigay para ma-portray ko nang maayos yung character ko.

"And so far naman, wala naman akong naririnig na unfavorable comments from the staff ang my co-actors about my performance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi talagang nag-research ako. I asked people from the Valiente before what the storyline, my character, is, how it develops.

"You know, it’s very, very deep, yung character ko, e. Hindi lang siya kontrabida kasi there’s more to her than that.

"Kaya kailangang pagbutihan talaga. So, sobrang pressure."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN