Gab Valenciano on clearing Coleen Garcia’s name in his breakup with Isabel Oli: "Nobody was the reason why we broke up."

"It was never part of the plan to find someone. I tweeted nga yesterday or the other day, ’The moment I stop searching, it’s the moment you’ll start finding me.’ My problem kasi is hanap ako nang hanap. Now, I just want to let it loose and wait for whoever comes my way," says Gab Valenciano when asked if he’s planning to find another girl after breaking up with girlfriend Isabel Oli (not in photo) late last year.&


Matunog ang pangalan ni Coleen Garcia, isang TV commercial talent and newbie actress, na maaari umanong siya ang sanhi ng hiwalayang Isabel Oli at Gab Valenciano.

Pero mariing pinabulaanan ito, una na, ng ama ni Gab na si Gary Valenciano, ang kilalalang singer, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Sarah G Live! kaninang tanghali, Pebrero 14, sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Pinabulaanan din ito ni Gab, ang 23-year-old dancer-musician.

Inamin man ni Gab na minsan nga’y lumalabas siya kasama si Coleen, sabay tanggi naman ito na may relasyon silang dalawa.

"No way, not at all!" sabi ni Gab.

"I really wanna clear that up.

"Kung pwede nga lang tumayo ako sa Luneta Grandstand and sumigaw.

"She was not and there’s nobody... Nobody was the reason why we broke up.

"She’s [Coleen] actually one of the reasons na nagsasabi sa akin to ’fight for it, pwede pa ’yan.’"

Dahil sa pagiging close nila ni Coleen, tinanong tuloy namin kung ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa.

"Well, I treasure her. She’s a good friend," sagot ni Gab.

"It just so happens that we go out now more than usual.

"Siyempre, she’s also showbiz, so people will assume certain things."

POSSIBLE RELATIONSHIP WITH COLEEN? Sa ganitong mga pangayari, may posibilidad bang mahulog ang damdamin nila sa isa’t isa?

"You can never say never. At this point, you can never say never.

"Alam mo ’yong sasabihin mong ’hindi,’ then the next thing you’ll know may nangyari na.

"At this point, I can’t say na it will never happen.

"But I just got out of a relationship.

"Siyempre, hindi naman pwede na kaagad-agad magkaka-girlfriend."

DIFFERENT VIEW. Ayon kay Gab, dahil sa kanyang mga naging karanasan sa pag-ibig, unti-unti na ring nagbabago ang kanyang pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m happy now, e. Even ’yung pagkatao ko, it’s changing now," sabi ni Gab.

Katulad ng nangyari sa kanila ni Isabel, ayon kay Gab: "I know for a fact that we were in each other’s lives for a reason. We learn from it. We’ll be better the next time."

At sa tuwing nakikita raw niya ang kanyang mga naging girlfriend sa showbiz na mas masaya, may pagkakataon daw na nanghihinayang siya.

Sa showbiz, nagkaroon din ng relasyon si Gab kina Nikki Gil at Rachelle Ann Go.

Pero alam daw niya na magsisilbing mga aral ito para sa kanya.

"It breaks my heart when I see them come out on TV and I see them, how they are, you wish you did things differently.

"But that’s the path that we chose, and this is the path we are in now.

"I guess we have to live with it."

Nang tanungin ng PEP kung naghahanap ba siya ng babaeng mamahalin ngayon, mahinahong umiling si Gab.

Ipinaliwanag niya, "It was never part of the plan to find someone.

"I tweeted nga yesterday or the other day, ’The moment I stop searching, it’s the moment you’ll start finding me.’

"My problem kasi is hanap ako nang hanap.

"Now, I just want to let it loose and wait for whoever comes my way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN