John Prats on real score with Bianca Manalo: "Siguro naman, kami na talaga."

John Prats on Bianca Manalo: "Ilang beses na rin akong nadapa sa mga relationships. Ngayon, I’m hoping na sana, di ba, lahat naman, sana ito na. Kasi nakakapagod rin naman na bago na naman, nanligaw ka na naman. But you know, ang special sa kanya, sobra siyang totoo. Yun ang hindi na ako nasu-surprise na meron pala siyang ganitong ugali o meron pala siyang bad side. Talagang ’nilabas niya agad."


Kahapon, Valentine’s Day, February 14, ay nagdiwang ng kanyang 28th birthday si John Prats.

Ngayong 2012 naman ipinagdiriwang ng Kapamilya star ang kanyang 20th year sa showbiz.

Walong taong gulang lang si John nang magsimula siya sa showbiz, kasabay ang kanyang nakababatang kapatid na si Camille Prats.

Sa panayam sa kanya ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz noong Linggo, February 12, tinanong si John kung ano ang sikreto niya at tumagal siya ng 20 taon sa showbiz.

"Twenty years... ang sikreto? Siguro nasabi ko naman ’to, natutunan ko kay Tito Aga [Muhlach] and Kuya Roderick Paulate.

"Siyempre, lahat naman po ng artista, pangarap maging superstar, sikat na artista. Itinuro nila sa akin na huwag mong isipin yun.

"Ang isipin mo lang, ang pagiging artista, hindi pasikatan... patagalan. Kailangan mahalin mo ang trabaho mo.

"So, tumatak sa akin yun, na patagalan.

"Actually, totoo. Ang daming artistang sumisikat, pero ang tanong, hanggang kailan?

"Siguro yun nga ang challenge, paano ka tatagal sa industriyang ito na palagi, almost every day, may bagong artistang dumarating?" saad ni John.

Dumating ba yung panahon na gusto na niyang mag-give up lalo pa nga’t bata siyang nagsimula sa industriya?

"Noong hindi na ako lumalaki, sabi ko, ’Puyat ba ’to sa pagiging artista?’" natatawang sabi ni John.

Pero dagdag niya, "Give up? Siguro naman may time na napu-frustrate ako.

"Feeling ko, ang dami ko pang kayang gawin. Ang dami ko pang gustong gawin, pero hindi pa ako nabibigyan ng break.

"You know, patience talaga. Kapag may tamang time, ’pag nag-hit sa ’yo, binigyan ka ng project, doon ko talaga ’binubuhos ang frustration na ’eto na, gagalingan ko."

Ano ang pinakamagandang aral na puwede niyang ibahagi sa loob ng 20 taon niya sa showbiz?

"Pinakamagandang aral? Well, sa 20 years ko, siguro sa lahat ng na-experience ko, sa lahat ng bagay na gusto kong ma-achieve sa life, talagang hard work, patience, don’t stop dreaming," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIANCA MANALO. Bago ang live interview ni Charlene kay John, ipinalabas ang "true confession" ng rumored girlfriend ng aktor na si Bianca Manalo.

Dito ay inilahad ni Bianca kung paano umusbong ang magandang pagtitinginan nila ni John.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Charlene, bawat tao ay may pangarap. At isa sa pangarap na natupad na raw ni John ay ang mahanap ang espesyal na babae para sa kanya—si Bianca nga.

Ano ang mga katangian ni Bianca na nagustuhan niya?

"Special sa kanya, kung ano ang nakita n’yo sa kanya sa Happy Yipee Yehey!, kung paano siya mag-host, kung paano magtitili, magsisigaw, kung paano siya magsalita at umarte, ganoon talaga siya.

"Yun ang maganda.

"Ilang beses na rin akong nadapa sa mga relationships. Ngayon, I’m hoping na sana, di ba lahat naman, sana ito na.

"Kasi nakakapagod rin naman na bago na naman, nanligaw ka na naman.

"But you know, ang special sa kanya, sobra siyang totoo.

"Yun ang hindi na ako nasu-surprise na meron pala siyang ganitong ugali o meron pala siyang bad side.

"Talagang ’nilabas niya agad."

Dahil birthday nga ni John, may sulat at regalong jacket si Bianca kay John.

Natatawang sabi ni John, bago basahin ang sulat ni Bianca, "Hindi ako sanay magbasa ng letter."

Ito ang nilalaman ng sulat ni Bianca kay John:

To Mr. John Prats,

Surprise! Happy Birhday. I wish you more blessing and continuous happiness. Alam ko na wala ka nang hangarin kung hindi ang maging masaya at mapasaya mo ang mga mahal mo sa buhay.

Anyway, I am giving you this gift so that you would always remember how our friendship started. How everything started. I met you in Happy Yipee Yehey! and I’m grateful because I’ve found a friend in you.

At thank you, maaasahan at mapagkakatiwalaan ka talaga. Lahat ng tawanan and kulitan natin sa studio and dressing room, I will always remember and treasure it. Thank you for the fond memories. Basta, alam mo na. I got your back. Kampi tayo. We will show them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Again, Happy Birthday.

Enjoy!

Apir, pare!

Bianca

OFFICIALLY YOURS? Hindi naman hinayaan ni Charlene na matapos ang interview na hindi diretsahang tanungin si John kung sila na nga ba ni Bianca.

Bilang lalaki, mas okay raw na sa kanya manggaling ang kasagutan.

Sagot ni John, "Hay naku, basta ang alam ko, mahal na mahal ko ang taong yun."

Yes or no, sila ba ni Bianca?

"Hindi pa ba enough na mahal na mahal ko siya?"

Sabi ni Charlene, gusto raw niyang marinig ang matamis na "yes" mula kay John.

Hirit ni John, "Kasi actually, nag-promise talaga ako na between the two of us, we want to keep it private. And siyempre, alam na..."

So, totoo, sila na?

"Siguro naman, kami na talaga.

"Siguro naman hindi ko naman siya mamahalin nang sobra-sobra kung hindi ko alam na ganoon din ang ’pinapakita niya sa akin."

Kailan ang anniversary nila?

"Naku! Matagal pa, matagal pa," nagingiting sagot ni John.

Nang magpasalamat na si Charlene kay John, humirit pa ang aktor na, "Totoo pala ang sabi ni Tito Aga, ang mga beauty queen, masarap magmahal!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN