Empress celebrates her birthday and Valentine’s Day doing charity work with Ejay Falcon

"Sabi ko, ’Tutulong ako. Magbibigay ako para sa birthday ko. Kung gusto mong sumama kung wala kang gagawin, okay lang.’ E, free naman siya. Dumating siya, so thank you," says Empress on why Ejay Falcon was at her charity event on Valentine’s Day.


Kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 14, sa charity event ni Empress bilang pagdiriwang ng kanyang 19th birthday sa Ephesus Home for Women and Children sa Guiguinto, Bulacan.

Ang Ephesus ay shelter o bahay na kumukupkop ng mga kabataang biktima ng sexual at physical abuse.

Sa pagpunta ni Empress dito, pinasaya niya ang 23 batang inaalagaan ngayon sa shelter.

Sa February 19 pa ang kaarawan ni Empress pero minabuti niyang ipagdiwang ito sa Valentine’s dDay dahil baka may trabaho raw siya sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Sumama rin sa charity event si Ejay Falcon, ang perennial partner o palagiang katambal ni Empress.

Lalo ngayon, minabuti ni Ejay na suportahan ang katambal dahil may mga natanguan din siyang trabaho sa bisperas ng kaarawan ni Empress.

Bakas sa mukha ni Empress ang kasiyahan sa una niyang charity event.

Aniya, "Plano ko po talaga matagal na. Actually, mga 15 years old pa lang ako, sabi ko kapag dumami yung blessings ko, or kaya ko, or kaya namin ni Mama, I hope someday makapag-share ako.

"So ayun, may moment na dumating na nag-birthday ako, ’tapos mero’n talaga akong maise-share ngayon.

"So, ’eto, nagpatulong ako sa Star Magic, kay Tita Becky [Aguila, her manager], kung saan sila makakahanap ng puwede kong tulungan since birthday ko naman.

"Saka sana after this, magtuluy-tuloy na marami pang matulungan."

SUPPORTIVE PARTNER? Naging magarbo ang kanyang ika-18 kaarawan o debut last year, may iba pa ba siyang selebrasyon ngayong taon?

"Wala nang gano’n kaano [kagarbo], siguro mero’n lang ano... konting salu-salo lang. Yun lang po."

Kitang-kita na suportado si Empress ni Ejay, na kanyang katambal sa afternoon soap na Mundo Man ay Magunaw, sa kanyang charity event.

Kusa raw sumama si Ejay.

"Siyempre po nagte-thank you ako kay Ejay kasi tinulungan niya ’ko," sabi ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo. Sabi ko, ’Tutulong ako. Magbibigay ako para sa birthday ko. Kung gusto mong sumama kung wala kang gagawin, okay lang.’

"E, free naman siya. Dumating siya, so thank you."

CLOSEST GUY? Nasabi ni Empress noon na kapag 18 na siya ay puwede na siyang magpaligaw. Ngayong magna-nineteen na siya, puwede na ba siyang ligawan o hindi pa rin?

"Hindi naman po sa hindi puwede... parang medyo lang.

"Pero siyempre iba pa rin yung ano, may konting distansiya," esplika niya.

Maliban sa kanyang daddy at mga kapatid na lalaki, sino ang masasabi niyang pinakamalapit sa kanya?

"Ang pinaka-close ko, si Enchong [Dee]. No’ng nag-uumpisa pa lang siya, ako yung unang naging loveteam niya.

"Kaya parang ako yung, ’Okay lang ’yan. Magaling ka naman. Go, go, go!’ Parang ganyan," patungkol niya sa suporta niya kay Enchong bilang kaibigan.

Patuloy niya, "So, mas naging magkaibigan kami."

"Pero right now, kung tatanungin ako kung sino yung pinakakaibigan kong lalaki sa showbiz, si Ejay, ’tsaka si Enchong."

HER NEW SERIES? Kumusta naman ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Mundo Man ay Magunaw?

"Masaya po kasi katulad niyan, umeere na siya ngayon... 2:30 [p.m.].

"’Tapos, since nung lumabas siya hanggang ngayon, wala akong ibang natanggap sa Twitter kundi lahat positive talaga.

"Na, ’Ang galing. Ang ganda. Sobrang ganda ng istorya. Galing ng mga cast.’

"Puro ganyan yung natataggap ko na text and tweets, kahit sa Facebook.

"Ang saya kasi ngayon lang ako nagkaroon ng teleserye na gano’n yung pagtanggap."

NIKKI GIL? Masyadong makatotohanan ang pagiging kontrabida ni Nikki Gil sa Mundo Man ay Magunaw at inabot na si Empress ng todo-sampal sa teaser pa lang.

Ano ang masasabi ni Empress dito?

"E, siyempre gano’n po talaga ’pag artista. Parang automatic na... na madadaanan mo talaga yun."

Naisip ba ni Empress na magkontrabida para makasampal din siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Nikki? Ay, hindi!" natatawa niyang sagot.

"Kung ako din naman nasa kalagayan niya, siyempre kailangan ko din naman galingan.

"’Tsaka maging mukhang totoo talaga yung ginagawa niya.

"Kahit ako din naman gano’n, gagawin ko kaya naiintindihan ko din siya."

Kaya rin niyang maging kontrabida kung sakali?

"Opo, kasi ’pag artista ka, kailangan kung ano ipagawa sa ’yo, basta okay sa ’yo, gawin mo."

Kakayanin niya kahit magpa-seksi?

"Hindi nga, kung gusto mo po, di ba? Pero kung ayaw mo naman, puwede ka naman mag-’no’ anytime."

DARING ROLES? Pero ayon kay Empress, alam naman niyang kailangan din niyang gumanap sa daring o mas mapangahas na papel sa hinaharap.

"Hindi naman super-super. Pero kung, siyempre, sa lahat naman po ng bagay kailangan nating mag-level up.

"Kailangan mong mag-grow as an actress, kailangang mag-grow ka.

"Katulad ngayon, ang pinaka na-grow ko na ngayon, medyo pumayat ako nang konti," pabiro niyang sabi. "Mas naging dalaga na, di ba?

"So, kailangan po kasi talagang gano’n.

"Pero kung yung mga paseksi na ganyan, kailangan konting maturity lang ’yung idadagdag ko.

"Pero yung wholesomeness, ’ando’n pa rin. Hindi ko pa ’ata mate-take yung ano... siguro konting skin lang. Hindi yung super all-out."

EJAY’S GIFT? Valentine’s Day pumatak ang kanyang charity event at si Ejay ang kanyang kasama. May regalo na ba ang binata sa kanya?

"Birthday gift, mero’n na siya. Medyo napaaga yung ano... phone," kuwento niya sa BlackBerry phone na regalo ng young actor sa kanya.

Hindi kaya yung telepono na rin ang Valentine’s gift ni Ejay sa kanya?

"Baka nga!" natawa niyang sagot. "Isahan na lang."

May regalo ba siya kay Ejay?

"Sa kanya? Kasi dapat ako yata nireregaluhan, hindi..." bitin na sagot ni Empress.

AGAINST EJAY? May lumabas na artikulo na hindi pabor ang magulang ni Empress na manligaw si Ejay sa dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw ng dalaga, "Ewan ko. E, kung gusto naman niya, kung desidido siya, kahit naman madaming nakabantay, di ba?

"Kung go, go siya, e, di siya na bahala do’n."

May iba pa bang nagpapahiwatig ng kanilang pagkagusto kay Empress maliban sa nababalitang si Ejay?

"Wala. So far, wala namang nagbigay ng flowers sa akin," nangingiti niyang saad.

Pero mukhang bantay-sarado siya, kaya paano didiskarte si Ejay para makapanligaw?

Natatawa niyang sagot, "Hindi ko alam. Siguro ano, medyo protective lang sila.

"Pero yung ano... hindi ko alam kasi wala naman siyang sinasabi."

Baka takot lang si Ejay sa pamilya ni Empress?

"Hindi naman po. Lately hindi naman sila sumasama na.

"Siyempre, ako din ang magsasabi na, ’Matanda na kayo. Magpahinga na kayo!’" natatawa niyang sabi uli.

"Pero si Papa, minsan lang din ’yan sumama. ’Pag may special event, sumasama siya.

"Support naman. Hindi naman siya yung, ’Nandito ako para bantayan ka.’

"Kaya okay lang naman po. Ako, never kong naano yung, ’Huwag kayo dito.’ Never kong naisip yun.

"Actually, si Mama minsan ’pag iniiwan niya ako sa taping, ’Huwag ka na lang umalis. Dito ka lang. Aalis ka na naman.’

"Okay lang sa ’kin. Wala naman akong nakikitang masama do’n," sa pagbabantay ng kanyang pamilya ang ibig niyang sabihin.

SARAH GERONIMO? Inihambing tuloy namin si Empress sa Pop Princess na si Sarah Geronimo, na sa edad na 26 ay hindi pa natatagpuan ang lalaking papayagan ng kanyang mga magulang para ligawan siya.

"Hindi naman. Huwag naman. Hindi naman po kasi siya nanliligaw," pagtukoy ni Empress kay Ejay.

"Pero ang alam ko sa ngayon, ano kami, okay kami. Friends kami kasi kami yung laging magkasama.

"Parang, uhm, siyempre special din naman siya sa akin. Kaya lang yung gano’ng level, parang hindi pa muna.

"Parang sa akin, ’pag masyado pang maaga... kailangan kilalanin muna ang isa’t isa bago mapunta sa ibang level."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JUDY ANN SANTOS. Sa papaganda niyang career, sinong artista ang gusto niyang gayahin o sundan ang yapak sa showbiz?

"Siguro sa acting-wise, si Ate Juday [Judy Ann Santos].

"Pero siyempre gusto ko namang gumawa ng sarili kong ano... path.

"Na gusto ko do’n sa mga bagong artista... na magiging artista, gusto ko rin sabihin nila na, ’Ang gusto kong makamit yung nagawa ni Empress.’

"Gusto ko ring makagawa ng... unique, na ako pa lang nakakagawa."


TV5 TRANSFER? Sa nauusong lipatan, gusto rin ba niyang subukan ang magtrabaho sa TV5?

"Parang masyadong marami na sila do’n. Ang dami ng lumipat do’n.

"Happy naman po ako sa ABS, e. ’Tsaka ba’t naman po ako lilipat ’pag meron naman akong show, di ba?" sagot ni Empress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN