James Yap on nullity of his marriage to Kris Aquino: "Tapos na. Nakapag-move on na lahat."

James Yap on Kris Aquino’s plan to adopt their son, Bimby: "Yun ang pag-uusapan muna namin ni Kris regarding sa anak namin, sa adoption. Hopefully, walang away na mangyari. Sana smooth lang. Ngayon, illegitimate. Gusto lang namin maging legitimate."


Nagsalita na si James Yap kaugnay ng pagpapawalang-bisa ng korte sa kanilang kasal ni Kris Aquino.

"Siyempre noong una, mahirap," sabi ni James sa taped interview sa kanya ng The Buzz na ipinalabas noong Linggo, February 12.

"Five years din kami sa isang bubong. Biglang ganoon ang nangyari.

"At least ngayon, nakakapag-adjust na. Kasi noong una, ako na lang mag-isa. Tahimik ang bahay."

Sinabi rin ni James na pareho na raw silang nakapag-move on ni Kris. Ang talagang focus na lang nila ay ang kanilang anak na si Bimby.

"Basta ang talagang main concern, focus namin ay ang anak namin, di ba?

"Na napapakita namin sa kanya na nandito kami. Na mahal na mahal namin siya," saad ng basketbolista.

Dugtong pa ni James, pagkatapos ng maraming nangyari sa kanila, ngayon lang daw sila nakapag-usap ni Kris nang maayos.

"Nakakapagbiruan sa isa’t isa. Alam mo yun?

"Dati kasi masyadong sensitive. Ngayong tapos na ang lahat, ano pa ang dapat pag-awayan?

"Tapos na. Nakapag-move on na lahat.

"No choice naman kasi may anak kami.

"So, ipakita na lang sa anak namin na okay kami kahit na hindi kami nakatira sa isang bubong."

Ngayong officially single na siyang muli, kumusta ang kanyang lovelife?

Ayon kay James, "Mahirap kasing magsalita ng tapos.

"Ngayon kasi, hindi naman sa ine-enjoy, pero lumalabas ako with friends.

"Next chapter na ng life. Kaya... yun lang.

"Huwag munang magmadali."

Sa interview ni Kris sa The Buzz last week, sinabi nitong posible niyang i-adopt si Baby James.

Dahil nga "null and void" ang kasal nina James at Kris, magiging "illegitimate" na ang estado ni Bimby.

(CLICK HERE to read related story.)

Papayag ba si James kung sakali?

"Yun ang pag-uusapan muna namin ni Kris regarding sa anak namin, sa adoption.

"Hopefully, walang away na mangyari. Sana smooth lang.

"Ngayon, illegitimate. Gusto lang namin maging legitimate," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe naman si James para kay Bimby.

"Nandito lang ang Papa mo, mahal na mahal ka.

"Kahit na yung Mama at Papa mo ay hindi na nagsasama sa isang bubong, basta nandito lang kami, sumusuporta sa ’yo.

"Gagawin ko lahat para ma-feel mo na, kumbaga, mahal na mahal ka ng Papa mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN