Ejay Falcon on being with Empress on her birthday and Valentine’s Day: "Masaya ako."

Ejay Falcon on being with Empress on her birthday when she shared her blessings with others and oncelebrating Valentine’s Day with her: "Masaya ako na ako yung kasama and yung ginagawa naming pagtulong sa mga bata."


Magkasama sina Ejay Falcon at Empress sa birthday celebration ng huli kahapon, Valentine’s Day, na ipinagdiwang ng dalaga sa pamamagitan ng charity event sa Ephesus Home for Women and Children sa Guiguinto, Bulacan.

Ang Ephesus ay tahanang kumukupkop sa mga batang biktima ng sexual at physical abuse.

May 23 batang nasa Ephesus sa kasalukuyan kung saan ang pinakabata ay apat na taon.

Ayon sa tagapamahala ng Ephesus na si Josephine Darang, ang huling batang dumating sa kanila ay ginawang human ashtray kaya maraming pasa sa katawan.

Ipinakita rin ng isang batang lalaki ang papagaling na peklat sa katawan sanhi ng pagsaboy sa kanya ng mainit na kape.

Ilan lang sila sa mga batang pinasaya nina Ejay at Empress sa Valentine’s Day mismo.

Pangarap daw kasi ni Empress noon pa na makapag-share ng blessings sa pamamagitan ng charity event, na sinuportahan naman ni Ejay, ang kanyang leading man sa afternoon soap na Mundo Man ay Magunaw.

Ayon kay Ejay, "Oo, kasi sa [February] 18, may trabaho ako. May out-of-town ako.

"Siya, sa [February] 19, mero’n din. Sa mismong birthday niya.

"So, kaya before and after gagawin, medyo busy kasi.

"Masaya ako. Masaya ako na ako yung kasama and yung ginagawa naming pagtulong sa mga bata.

"So, masaya."

Ayon kay Ejay, isang BlackBerry phone ang kanyang iniregalo kay Empress isang linggo na ang nakararaan.

Sadyang maaga raw niyang ibinigay ang kanyang regalo dahil baka maisipan ni Empress na bumili na ng BlackBerry phone kaya inunahan na niya ito.

HIS OWN CHARITY EVENT? Si Ejay rin ba ay nakapag-charity event na rin para makapamahagi ng blessings?

"Oo, pero sa malayong probinsiya. Sa probinsiya namin. Hindi lang mga bata... pati matatanda. Lahat," pagtukoy niya sa ginawa raw niyang charity event noong nakaraan taon sa kanilang bayan sa Mindoro.

Dati rin daw ay kasama niya ang kanyang ama na si Tatay Erning sa Manila, pero kinailangan itong bumalik sa kanilang probinsiya para pamahalaan ang business ni Ejay doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kapipilit namin ay nasabi ng young actor na isang restaurant ang naitayo niya sa kanilang probinsiya.

Pero tumanggi muna siyang ikuwento kung ano yung isa pang pinamamahalaan ng kanyang ama sa Mindoro.

Sa isang birthday celebration ng kasamahang entertainment writer ay nakausap namin si Benjie Alipio, manager ni Ejay.

Naitanong nito kung gusto naming kunan ang "mansiyon" daw ng alagang aktor sa probinsiya.

Naisip naming ang pagpapatayo ng bahay ang malamang na pinamamahalaan ng kanyang ama sa probinsiya nila na hindi nito maiwan-iwan.

EMPRESS’S PARENTS? May lumabas sa isang artikulo na hindi raw pabor ang mga magulang ni Empress na ligawan ni Ejay ang kanilang anak. Ano ang kanyang saloobin sa usaping ito?

"Hindi ko alam paano lumabas yung intriga na yun, pero okay naman ako sa lahat sa kanila," matipid na sagot niya.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Empress, sinabi nito na si Ejay ang maitututing niyang isa sa pinakamalapit na lalaki ngayon sa kanya, maliban sa kanyang ama.

"Gano’n din naman siya sa akin," nakangiting saad ni Ejay.

TAKING IT SLOWLY. Pero kung ang tatanungin ay ang posibilidad na maging sila ni Empress, hinay-hinay lang daw muna sila, ayon sa kanya.

"E, ayaw naming madaliin yung mga bagay-bagay. Napagkasunduan naman namin na ganito lang muna kami.

"Na makilala namin yung isa’t isa. Ayaw naming magmadali," sabi ni Ejay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN