Nadia Montenegro denies "money" is motive behind the filing of cases against Annabelle Rama

Nadia Montenegro on Annabelle Rama: "Hindi ako makikipag-ayos sa ’yo. Start asking forgiveness sa lahat ng taong sinaktan mo, winalangya mo, niloko mo. Umpisahan mo na kasi madami-dami ’yon, daan-daang tao ’yon. I will show you all proof."


Masaya si Nadia Montengro na naging maayos ang hearing na naganap sa pagitan nila ni Annabelle Rama kaninang umaga, February 15, sa Quezon City Prosecutor’s Office

Ito ay kaugnay ng mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa.

Matatandaang nagsampa si Nadia ng mga kasong child abuse, dalawang libel cases, falsification of documents, at grave oral defamation laban kay Annabelle.

Si Annabelle naman ay nagsampa laban kay Nadia at ilang mga kasamahan nito ng kasong attempted kidnapping.

Ano ang pakiramdam ni Nadia sa pag-usad ng mga kasong isinampa nila ni Annabelle laban sa isa’t isa?

"Ako naman, thankful, and sana talagang tuloy-tuloy na," sagot ni Nadia sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



"Parang, I mean, malaman na rin ng tao ang totoo.

"The only thing I’m thankful is umuusad na yung kaso.

"Dininig ng Diyos ko. Hindi ako nagtitirik ng tatlong kandilang itim sa Diyos ko, baka iba yung Diyos niya [Annabelle].

"’Yong Diyos ko ang nakikinig sa akin, narinig ako ng Diyos, lahat ng dasal ng mga anak ko."

Sabi pa ng aktres na nakilala noong ’80s, "I will fight until the end.

"Kaya kung ako sa kanya, magdasal na din siya."



NOT FOR MONEY. Sa hiwalay na panayam ng PEP, sinabi ni Annabelle na sa tingin niya ay "pera" ang motibo ni Nadia sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya.

Mariin itong itinanggi ni Nadia.



"Hindi sa material na bagay, excuse me!" mariing sabi niya.



"Hindi sa material na bagay ’to.

"Before I even filed the case, I’ve been suffering, and my children have been suffering for one year and a half—verbal abuse, mental abuse...

"Ang anak ko, they’re all emotionally... they are all traumatized, okay?

"This is not because of material... I do not want a single cent from her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know where her money comes from, maybe she needed more.

"I don’t like... I don’t want anyone to see and sana tapusin na, sana ’wag na niyang gamitin kayo, mga media. Umiikot siya sa lahat ng network, dakdak nang dakdak.

"Sa inyong lahat na lang: has she shown you a single proof about what she is saying about me?

"I don’t owe her a single cent. She owes Ynna money."

Ang tinutukoy ni Nadia ay ang anak niyang si Ynna Asistio, na isa sa talents ni Annabelle.

Diin pa ni Nadia, "I don’t owe her a single cent, so sana ’yong mga naloloko niyang tao sa mga social network, sa TV, naririnig n’yo siya magsalita—ito na, mag-uumpisa na talaga ang totoong laban."

Nilinaw rin ng legal counsel ni Nadia na si Atty. Marie Glen Abraham, na wala silang "monetary" case na isinampa laban sa talent manager.

Sinabi ni Atty. Abraham, "For the record...we never filed any civil case which involves damages or monetary obligations.

"Ang nai-file po lahat namin ay criminal cases and there’s no monetary obligations for that."

NO PUBLIC APOLOGY. Kung ang pag-aayos naman ng dalawang kampo ang pag-uusapan, katulad ni Annabelle, sinabi ni Nadia na malabo na silang magkaayos.

Pahayag ni Nadia, "Day one pa lang, day one pa lang when I decided to file this case for my family and kids, there are no chances of pagkakaayos."

Katulad din ni Annabelle, hindi raw niya gagawin ang "public apology" na hinihingi ng kampo ng talent manager.

Sinabi kasi ng legal counsel ni Annabelle na kung sakaling makikipag-ayos sina Nadia, gusto nilang mag-public apology ito.

(CLICK HERE for related article.)

"No," mablis na sagot ni Nadia nang tanungin kung hihingi siya ng tawad kay Annabelle.

Matapang din ang mga sumunod na naging pahayag ni Nadia tungkol kay Annabelle:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I came into this fight buung-buo at ipaglalaban ko ito hanggang sa dulo.

"Kung ako siya, forget about all that public apologies she’s asking.

"Mag-umpisa siya magdasal, humingi ng tawad sa mga taong sinaktan niya, sa mga taong kinawawa niya, sa lahat ng taong inabuso niya. Umpisahan niya sa anak niya.

"Hindi ako makikipag-ayos sa ’yo.



"Start asking forgiveness sa lahat ng taong sinaktan mo, winalanghiya mo, niloko mo.

"Umpisahan mo na, kasi madami-dami ’yon, daan-daang tao ’yon.

"I will show you all proof."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN