Alice Dixson can accept offers from other networks but TV5 remains her priority

Alice Dixson on working with other networks: "Kung may mag-offer man, basta maganda, okay lang. Pero my priority is TV5 pa rin. Pero ’pag may magandang project, ipinapaalam ko sa kanila—like yung paggawa ko ng Panday 2, that was GMA Films. Basta maganda yung project, pinapayagan ako, at hindi siya tatapat sa regular show ko, okey lang."


Magiging abala pa rin si Alice Dixson dahil kahit natapos na ang kanyang teleseryeng Glamorosa ay may kasunod na agad siyang proyekto.

Sa press launch ng mga bagong shows ng TV5 sa NBC Tent kahapon, February 15, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres.

Ikinuwento ni Alice sa amin ang bagong pagkakaabalahan niya sa Kapatid network.

Magiging bahagi siya ng teleseryeng Isang Dakot Na Luha.

Para sa aktres ay kaiba ito sa mga nagawa na niya at hindi niya napahindian nang i-offer ito sa kanya.

Sabi ni Alice, "Drama na naman, parang ayoko muna. Gusto ko muna sana mag-comedy o mag-talk [show].

"Pero nung inupuan ako ng scriptwriter at saka production unit manager namin, nagustuhan ko ang kuwento—touching at parang maraming puwedeng paghugutan sa kuwento.

"And after a long-running talk and maganda yung exposure, kaya tinanggap ko na."

Ang Isang Dakot Na Luha ang pangatlong project ni Alice sa TV5.

Una siyang sumabak sa teleseryeng Babaeng Hampaslupa, kasama sina Ms. Susan Roces at Alex Gonzaga, at sumunod nga rito ang Glamorosa nila nina Lorna Tolentino at Ritz Azul.

NON-EXCLUSIVE. Pero kahit nakakontrata siya sa network ay open siyang gumawa ng proyekto outside TV5.

Ito ay dahil non-exclusive contract ang pinirmahan niya sa Kapatid network.

May pagkakataon bang inalok siya ng ABS-CBN o GMA-7?

"Kung may mag-offer man, basta maganda, okay lang. Pero my priority is TV5 pa rin.

"Pero ’pag may magandang project, ipinapaalam ko sa kanila—like yung paggawa ko ng Panday 2, that was GMA Films.

"Basta maganda yung project, pinapayagan ako at hindi siya tatapat sa regular show ko, okey lang," sabi ng aktres.

TIMELESS BEAUTY. Aminado si Alice na hindi na siya bumabata kaya doble ang pag-iingat niya sa kanyang katawan.

Kahit pagod sa trabaho ay sinisiguro niyang makakapagpahinga siya nang tama.

May sikreto ba siya at napapanatili niya ang kanyang kagandahan na hindi kumukupas magpahanggang ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkakaedad na rin ako, hindi lang halata!" tawa ng aktres.

"Basta no smoke... ano lang, exercise. Importante rin yung matulog ka nang maaga.

"At saka ’pag hindi ko na kaya ang trabaho, hindi naman tayo nagpapakamatay, rest na agad."

FAMILY LIFE. Abala man siya sa kanyang trabaho ay hindi pa rin nakakalimutan ni Alice ang kanyang pamilya.

Malayo man siya sa piling ng kanyang asawang si Ronnie Miranda, na nasa Canada para sa business nito, regular naman daw ang kanilang kumustahan at balitaan.

Ano ba ang sabi ng asawa niya sa sunud-sunod na pagtanggap niya ng trabaho?

"Well, ang sabi niya, uwi siya next month. Yun lang ang sabi niya!" tawa ni Alice.

"Kakauwi ko lang nung December [sa Canada], bumalik ako ng January.

"Every three to four months kung kami ay hindi magkita, pero sabi niya, uuwi siya ng March dito sa atin.

"Yun lang talaga ang sabi niya. Hindi naman ako pinagbabawalan sa pagtatrabaho ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN