Pauleen Luna on why she fainted on national TV: "Hindi po ako buntis!"

Pauleen Luna on speculations she may be pregnant, which is why she fainted on national TV: "Buntis ba kaagad? Hindi ba puwedeng pagod lang? Parang na-drain lang talaga ako. Saka may history na rin kasi ako ng himatay. It’s not the first time. So, hindi po ako buntis!"


Ginagawa na lang biruan ngayon ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga! ang pagkahimatay ni Pauleen Luna sa remote telecast para sa segment nilang "Juan For All, All For Juan" sa Davao City noong February 13.

Nai-connect ito sa isyung baka buntis daw si Pauleen, dahil na rin sa biro ni Vic Sotto na hindi raw ba naghahanap ng "maasim" ang aktres.

Si Vic, na kilala rin bilang si Bossing, ang nali-link ngayon kay Pauleen.

Sabi ni Pauleen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I think Bossing is just making things lighter kasi, of course, the whole studio was panicking—sila lahat!

"Even sa remote, lahat daw nagpa-panic.

"Even yung mga audience, yung mga nasa bahay, nagpa-panic daw.

"Siguro, pinagaan lang niya ang sitwasyon para matawa."

Pero mariing pinabulaanan ni Pauleen ang haka-haka na baka nagdadalang-tao siya kaya siya nahimatay.

"Buntis ba kaagad? Hindi ba puwedeng pagod lang?

"Parang na-drain lang talaga ako.

"Saka may history na rin kasi ako ng himatay. It’s not the first time.

"So, hindi po ako buntis!" tawa pa niya.

Hindi naman sinagot ni Pauleen ang tanong kung tumawag ba sa kanya si Bossing Vic nang siya ay magkamalay na.

Halata kasi kay Bossing Vic, base sa napanood sa TV, na nag-alala ito sa nangyari kay Pauleen.

Sagot dito ni Pauleen, "Everybody in the studio was worried, of course.

"Hindi nila alam kung papa’no i-handle ang situation.

"Kapag mga ganyang live, hindi naman puwedeng mag-panic lahat, di ba? Dapat relax pa rin.

"And you know, they just have to do what needs to be done."

LACK OF SLEEP. Muling ipinaliwanag ni Pauleen na talagang kulang lang siya sa tulog, at hindi pa siya nakakakain nang isinalang siya sa remote telecast ng Eat Bulaga! sa Davao.

Idagdag pa na napakainit daw sa Davao, kaya marahil na-dehydrate siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Pauleen, "Siguro, I should watch na lang the food that I eat. Dapat hindi ako nagpapalipas ng gutom.

"Especially ’pag pinapadala ako sa remote, sa mga barangay, dapat hydrated talaga."

Pinagtatawanan na lang daw nilang mga taga-Eat Bulaga! ang intrigang buntis siya. Binibiro pa nga siya on-air tungkol dito.

Alam naman daw nila ang buong katotohanan kaya hindi naman daw ito nakakaapekto sa kanila.

Sa susunod daw ay sisiguraduhin ni Pauleen na kumpleto siya sa pahinga at pagkain bago siya isalang sa mga ganung activity ng Eat Bulaga!.

Nagpasalamat na rin si Pauleen sa kanyang Eat Bulaga! family dahil talagang hindi raw siya iniwanan hanggang sa nagpahinga na siya sa hotel.

Ayon pa sa kanya ay talagang inalagaan siya nang husto.

VALENTINE’S DAY? Itinuloy na rin namin ang usapan kay Pauleen kung paano niya ipinagdiwang ang nakaraang Valentine’s Day, kahit hindi pa rin nito sinasagot ang tungkol sa kanila ni Vic Sotto.

"Wala! Umuwi ako nun from Davao. Yun lang yun!" natatawa niyang sagot.

Hindi naman daw siya ang tipong naniniwala sa Valentine’s Day dahil parang isang simpleng araw lamang iyon.

"E, I was talking nga to Ate Ruby [Rodriguez] kung, ’Ano, lalabas ba tayo? E, ang daming tao. Lahat nasa labas, ang traffic.’

"Wala, sa bahay lang talaga kami nung Valentine’s Day.

"If you have a special someone, every day should be that day, and it’s not an exception," sagot nito.

Kaya sinundan ito ng tanong ng PEP kung araw-araw ba ay Valentine’s Day para sa kanya?

"Maybe," nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN