Part 1 Sarah Geronimo on Tiffany necklace from Gerald Anderson: "Honestly, di ko alam kung isusuot ko ba."

Sarah Geronimo on why she is having second thoughts about wearing the Tiffany necklace that Gerald Anderson gave her:"Kasi siyempre, concerned din ako sa sasabihin ng mga tao ’pag sinuot ko. Nandoon din yung factor na nagregalo yung tao, maa-appreciate niya ’pag sinuot ko... Gulung-gulo na rin ako. Hindi ko rin alam ang gagawin ko."


Sa presscon ng bagong show ni Sarah Geronimo na Sarah G Live noong Martes, February 14, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, ipinangako ng singer-actress na isang "mas open, medyo daring" na Sarah na ang makikita ng kanyang publiko.

Bilang patunay nito, sinagot ni Sarah ang lahat ng issues na ibinato sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kaugnay sa kanyang career, pamilya, at lovelife.

GERALD ANDERSON. Unang napag-usapan ang tunay na estado ng relasyon nila ni Gerald Anderson.

Dalawang pelikula na ang pinagtambalan nina Sarah at Gerald: Catch Me, I’m In Love (2011) at Won’t Last A Day Without You (2011).

Ayon kay Sarah, "Tulad ng lagi kong sinasabi, bawat katrabaho ko, nagiging malapit sa puso ko.

"’Yang ganyang mga bagay, huwag nating madaliin.

"Kung mararamdaman namin yung feeling na love, gusto naming makasama ang isa’t isa, mararamdaman namin yun.

"Basta, walang makakapagsabi niyan, lalung-lalo na ako.

"Wala ako sa posisiyon na magsalita tungkol diyan, bilang ako yung babae.

"Bahala na, pero kung papunta dun, aamin kami.

"Hindi ko itatago, pero ayokong pangunahan."

Dagdag pa ng singer-actress, "Kami kasi ni Gerald, nung hindi pa kami nagkakatrabaho, nagkakabatian kami.

"Pero I’ve never thought na ganun pala siya kakalog... na mabibiro din.

"Akala mo may pagkaseryoso siya. Yung parang pikon kasi, may pagka-action star, nakakatakot lapitan.

"Pero okay siya. He’s fun to be with saka mabuti siyang tao.

"Kasi yung trabaho na mayroon siya, yung pagiging Gerald Anderson niya, ginagamit niya to help needy people.

"So, nakaka-inspire. Nakaka-inspire si Gerald sa ganun niyang pagkatao."

GOING BALD. Ano naman ang masasabi ni Sarah sa pagpapakalbo ni Gerald para sa papel nito sa teleseryeng Budoy?

"Lalo ko siyang hinangaan. Mahal ko talaga siya bilang katrabaho.

"Kasi yung love niya sa character niya, talagang ine-embrace niya yung pagiging Budoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala siyang pakialam kung magpakalbo. Kasi wala naman talaga siyang pakialam dahil guwapo talaga siya.

"Mayroon siyang magandang mukha, kaya kahit ano pa ang gawin sa buhok niya, guwapo pa rin siya.

"Guwapo naman talaga si Gerald," saad ng Pop Princess.

THE NECKLACE FROM GERALD. Inamin ni Sarah na isang Tiffany necklace ang iniregalo ni Gerald sa kanya noong nakaraang Pasko.

Isang T-shirt naman, na mismong si Mommy Divine pa raw ang pumili, ang Christmas gift ni Sarah para sa aktor.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi pa raw naisusuot ni Sarah ang kuwintas na regalo sa kanya ni Gerald.

Aniya, "Honestly, hindi ko alam kung isusuot ko ba.

"Kasi siyempre, concerned din ako sa sasabihin ng mga tao ’pag sinuot ko.

"Nandoon din yung factor na nagregalo yung tao, maa-appreciate niya ’pag sinuot ko.

"Gulung-gulo na rin ako. Hindi ko rin alam ang gagawin ko.

"Pero sabi nga sa akin, ’wag i-take seriously.

"Siguro ’pag susuutin ko, susuutin ko—pag dumating na yung pakiramdam na yun."

BIRTHDAY GIFT FOR GERALD? Sa March 7 ay magdiriwang ng kanyang 23rd birthday si Gerald.

Ayon sa Pop Princess, may hinahanda na siyang regalo para sa kaarawan ng aktor.

"Definitely, I have a gift for his birthday, kasi malapit na ang birthday niya—March 7.

"May naiisip na akong gustong iregalo sa kanyang birthday.

"Yung gusto kong magkaroon talaga siya—gusto ko siyang maging masaya.

"Wala naman sigurong masamang magregalo kasi magkaibigan naman kami nung tao.

"Naa-appreciate ko na ’pag may special occasion, nagbibigay din siya ng regalo," pahayag ni Sarah.

BETTER THAN RAYVER? Sinagot din ni Sarah ang isyung mas boto raw ang pamilya niya kay Gerald.

Lalo na raw ang kanyang ina na si Mommy Divine, dahil sa mas angat ang career at mas may pera raw ang aktor kumpara sa ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin ni Sarah: "No... Nakakalungkot, kasi ganyan ang perception ng ibang tao.

"Siyempre, wala naman tayong control over other people’s minds kung yun ang perception nila, o pananaw nila sa amin or sa mga magulang ko.

"Pero naa-appreciate ko yung mga taong naiintindihan yung standpoint ng mga magulang ko, na pinoprotektahan nila ako.

"Ayaw nila akong dumaan sa maraming relasyon.

"Gusto nila, ’pag dumating yung tamang panahon, buong-buo kong maibibigay yung puso at pagkatao ko."

Gaano ba kalapit si Gerald sa kanyang pamilya?

"Close? Ay, ’yan ang hindi ko masasabi.

"Unang-una, hindi pa kami nakakapag-usap ni Mommy tungkol sa bagay na ’yan.

"Ayaw naming isipin na si Gerald... hindi naman siya nanliligaw, nagiging nice at respectful lang siya sa parents ko," paglilinaw ng dalaga.

TRAUMATIC FIRST LOVE? Ipinagpapalagay ng iba na dahil sa hindi magandang kinauwian ng relasyon ni Sarah kay Rayver ay nagka-trauma na ang Pop Princess.

Na takot nang pumasok ito sa panibagong relasyon.

Pero itinanggi ito ng singer-actress.

Aniya: "Hindi. Kasi ang priority ko, yung career ko, yung relationship ko—una sa Diyos at pangalawa sa pamilya ko.

"Naniniwala talaga ako sa sinasabi ko na true love waits. Hindi ko kailangang madaliin yun.

"Kung hindi kayang maghintay ng isang tao sa iyo, e, di hindi.

"Hindi ganun ka-solid yung love niya for you."

Paano kung handang maghintay sa kanya si Gerald?

Natatawang sagot ni Sarah: "Ay, hindi ko alam. Wala namang ganun!

"Saka kung saan magiging masaya si Gerald, susuportahan ko siya.

"Mananatili yung friendship namin kahit na magkaroon siya ng relationship ulit.

"Nandito lang ako para sa kanya as friend."

LESSONS IN LOVE. Ibinahagi naman ni Sarah ang kanyang natutunan sa kanyang unang pakikipagrelasyon.

"Ayoko nang maglihim ulit.

"Ayoko na ring maging selfish.

"Kasi, parang nung mga panahon na yun... Sabi nga ng message sa church service—’Don’t follow your heart, follow God’s heart.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Pag gusto mong sundin ang puso mo, you can do anything you want, regardless kung makakabuti or makakasama ’yan sa iyo.

"Do not follow your heart.

"Kasi nung mga panahon na yun, sinunod ko ang puso ko."

Importante kay Sarah na boto ang kanyang magulang sa lalaking pipiliin niyang mahalin.

Pero paano kung ang susunod na magustuhan niya ay ayawan pa rin ng kanyang pamilya?

"Ay, sobrang importante, 100 percent... Teka, tama ba yun?

"Siguro, pag-iisipan ko kung ilang percentage!" natatawa niyang sagot.

Dagdag pa ni Sarah, "When that right time comes, na nararamdaman ko naman na siya na talaga... sa tingin ko, mararamdaman ko naman yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN