TV5’s Paolo Bediones on former GMA-7 colleagues being happy for him: "Kasi nakita nila talaga na nagkaroon ng growth yung career ko rito sa TV5."

Paolo Bediones on being Mr. TV5: "Kung babansagan ako ng ganoon, I’d rather not... although sa isang banda ay flattering ang bansagang ganoon. So, ako, may trabaho ako, happy ako... Huwag nang maghanap pa ng title o recognition. Kung may mga awards na darating tulad ng CMMA, KBP... malaking karangalan iyon para sa mga ginagawa natin. Pero we don’t work for recognition."


Isa si Paolo Bediones sa pinaka-visible na personalities sa TV industry, kaya biro sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): May panahon pa ba siyang matulog sa dami ng kanyang mga programa sa TV5 at radyo?

Simula sa February 20 ay mapapanood si Paolo sa late-night newscast na Pilipinas News, kunsaan makakasama niya sina Cherie Mercado at Jove Francisco.

Napapanood din si Paolo sa Good Morning Club mula Lunes hanggang Biyernes ng umaga at sa public-affairs program na USI (Under Special Investigation) tuwing Linggo ng gabi.

Sa Marso naman ay magsisimula nang umere ang ihu-host niyang reality show—ang Extreme Makeover Home Edition Philippines.

Bukod pa rito ang radio program niya.

Paano niya nagagawa ang lahat ng trabahong ito?

"Basically, napapagod ka, pero alam mo ’yong pinaghuhugutan mo ng lakas ay ’yong mga katrabaho mo at iyong pagmamalasakit mo sa iba’t ibang programa.

"Enough ’yon para ma-lift ka, e.

"Ang kailangan ko lang sigurong alagaan ay itong boses ko.

"Kasi, I have a newscast in the morning, ’tapos sa late evening ay may newscast din.

"’Tapos siyempre mayroon ding radyo, kaya medyo mabigat ’yong load natin.

"So, ’pag umere na itong Extreme Makeover, na daily rin, mayroon akong morning show na daily rin, iyong late evening news, ’tapos iyong USI sa Sunday, and then iyong radio program na daily rin."

Napakanayam ng PEP si Paolo sa launching ng labindalawang—yes, 12—bagong shows ng TV5 noong Miyerkules, February 15, sa The Fort, Taguig City.

Biro namin ulit sa kanya: Siya na ang lalaking talagang walang pahinga?

"Yes, Curacho, ang lalaking walang pahinga!" natatawang sakay ni Paolo.

Pero dagdag niya, "But very, very happy,"

PAOLO’S NORMAL DAY. Nang usisain naman ng PEP kung paano nagsisimula ang araw niya, sinabi niyang "heaven" na para sa kanya ang anim na oras na tulog sa isang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t think it even starts or ends. You think about it.

"Nakakauwi naman sandali para maligo or magbihis. Kasi my schedules, for example, if weekdays my call time is four a.m., but if you look at it na the night before I have a newscast which is 11 to 11:30.

"Nakakauwi ako ng mga 12:30... nakakapag-freshen-up ako, nakakaligo.

"Mga 1 a.m., nandoon na ako sa couch ko, nanonood ng TV, Internet, and then three hours later, darating yung ride.

"Hindi ko na itinutulog iyon, kasi sasakit ang ulo ko, e. So ang ginagawa ko, I stay awake, I do the morning show and then uwi ng 7:30, at 8:30 I’m at home.

"If I do have a shoot and I usually schedule my shoot in the afternoon, 8:30 to 2:30, doon ako natutulog," mahabang saad niya.

"Bampira, ako ang bampira ng TV5!" nakatawang dagdag pa ni Paolo.

Dahil sa dami ng shows niya sa TV5, ok lang bang bansagan siyang Mr. TV5?

"Ayaw ko namang isipin na ganoon. Siguro, blessed lang tayo na iyong format ay bumagay sa atin.

"Malaking bagay iyon, na yung iba’t ibang programang ginagawa natin ngayon, either nagawa ko na noon or talagang pasok sa ating kakayanan.

"Kung babansagan ako ng ganoon, I’d rather not, although sa isang banda ay flattering ang bansagang ganoon.

"Pero, we’re not here para sa recognition, nandito tayo para magtrabaho.

"Kung nagkataon na iyong show na ginagawa mo, medyo either high profile or medyo maraming project na ibinibigay sa iyo, ang disposisyon natin, dapat ay magpasalamat na lang tayo.

"Kasi, ang daming tao sa industriya na gusto lang naman ay magtrabaho e, di ba?

"So, ako, may trabaho ako, happy ako... huwag nang maghanap pa ng title o recognition.

"Kung may mga awards na darating tulad ng CMMA, KBP... malaking karangalan iyon para sa mga ginagawa natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, we don’t work for recognition."

Kung iintrigahin ka na baka may favoritism sa Channel 5, paano mo sasagutin?

"Oh no, no... You know, like iyong pagsama ko sa morning show na Good Morning Club, I was just supposed to substitute lang for Martin [Andanar] na nag-absent.

"So, noong sumalang ako, sabi nila, ’O, parang bagay si Paolo sa morning show, sige para puwede siyang gawing poste,’ parang ganoon.

"So ako naman, pinag-isipan ko kung gusto ko bang bumalik sa morning show.

"Pero noong makita ko ang mga kasama ko, hindi na ako nagdalawang-isip."

Ang mga kasama ni Paolo sa Good Morning Club ay sina Martin Andanar, Cheryl Cosim, Amy Perez, Chiqui Roa-Puno, Tintin Bersola-Babao, Lucky Mercado, Pat Fernandez, Makata Tawanan, Shalala, at April "Congrats" Gustillo.

So, para bang makikipag-head-on collision siya sa dati niyang TV show na Unang Hirit ng GMA-7?

"Well, sa amin ay wala namang personalan iyan, e.

"When I left GMA more than two years ago, maganda iyong paghihiwalay namin.

"Nakapagpaalam ako nang mabuti, and when I talked to some of the people there, they’re happy for me.

"Kasi, nakita nila talaga na nagkaroon ng growth yung career ko rito sa TV5.

"Alam mo, it’s a matter of time before people realized na talagang we mean business.

"Pero trabaho lang talaga ito. I mean, we see each other out.

"Minsan si Drew [Arellano] nakikita ko iyan, kuwentuhan kami. Parang wala lang, close pa rin...

"Kasi alam mo, the network war really is just between the people up there, e.

"Kung kami-kami lang, hindi naman kami apektado diyan!" wika niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN