Part 2 Sarah Geronimo admits going through rebellious stage; explains money issue involving Mommy Divine

Sarah Geronimo on her rebellion stage: "Unang-una sa lahat, big no para sa mga kabataan ang magrebelde. Kung anuman yung pagkakamali na nagawa ko noon, ayokong... ayoko nang maulit pa uli yun. Pero gusto ko ring maging honest. Eventually, kailangan kong matutong mag-decide for myself, on my own. Katulad ng sinabi ni Michael Jackson, nabasa ko dun sa book na ginawa niya—sooner or later, kailangan kong gawin yun. But, of course, nandun pa rin yung res


Kilalang masunuring anak si Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Pero dumating ba siya sa puntong pakiramdam niya ay nasasakal na siya at gusto na niyang magrebelde laban sa kanyang mga magulang?

"I think hindi na kailangang sagutin ’yan," sagot ng Pop Princess.

"Parang dumating na din ako sa stage na...

"Unang-una sa lahat, big no para sa mga kabataan ang magrebelde.

"Kung anuman yung pagkakamali na nagawa ko noon, ayokong... ayoko nang maulit pa uli yun.

"Pero gusto ko ring maging honest.

"Eventually, kailangan kong matutong mag-decide for myself, on my own.

"Katulad ng sinabi ni Michael Jackson, nabasa ko dun sa book na ginawa niya—sooner or later, kailangan kong gawin yun.

"But, of course, nandun pa rin yung respeto para sa mga magulang."

MONEY MATTERS. Binigyang linaw rin ni Sarah ang balitang nag-aaway raw sila ng kanyang ina dahil sa pera.

Ayon pa sa balita ay gusto raw ni Sarah na siya na ang humawak ng sarili niyang pera ngayon.

Naiulat kasi noon na dahil walang sariling hawak na pera si Sarah, nangungutang daw ito sa mga kaibigan kapag nagkakayayang lumabas para kumain o may bibilhin.

Pero paglilinaw ni Sarah: "Not totally na i-handle ko ang lahat. Kasi, hello, wala naman akong knowledge dun [paghawak ng pera]!

"Pero sabi ko, unti-unti, kasi nagkaka-edad na rin ako, saka gusto kong lumaki din na may alam.

"Hindi naman kasi lahat ng bagay, natututunan mo sa academics."

Dagdag niya, "Hindi naman issue yung sinabi ko. Hindi naman ibig sabihin nun, gusto kong hawakan ang pera ko.

"Sobra ang tiwala ko sa nanay ko.

"Alam ko ang pagmamahal sa akin ng nanay ko, talagang walang hanggan.

"So, walang doubt para mag-doubt ako sa kanya when it comes to finances.

"Noon po yun. Saka, hindi naman issue yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa napabalitang pangungutang niya, ani Sarah, "Magkakaibigan naman kami. Sa lahat naman ng magkakibigan, ’Sis, puwede bang ikaw muna? Pagdating na lang ng mommy ko babayaran?’

"I think, lahat lang ng galaw namin, mina-magnify talaga.

"Nasasanay na rin ako na ganun."

VICE GANDA. Nagsalita rin si Sarah tungkol sa balitang may tampo raw sa kanya si Vice Ganda kung kaya’t hindi siya pinayagang mag-guest sa show ng comedian na Gandang Gabi Vice.

Ang pinag-ugatan nito ay ang pagtanggi raw ni Sarah mag-guest sa huling concert ni Vice sa Araneta Coliseum.

Nabalita rin na kahit daw sa Kris TV ay hindi makapag-guest si Sarah, bilang pagkampi ni Kris Aquino sa kaibigang si Vice.

Paliwanag ni Sarah dito, "Hindi talaga ako puwede nun, kasi nasa abroad ako nung concert niya.

"Gusto ko ring makapag-guest kay Vice kung nandito ako.

"Like kay Anne [Curtis], o sa kahit na sinong Kapamilya natin sa Viva."

Sina Sarah, Anne, at Vice ay panay Viva talents.

Nag-guest si Sarah, at maging si Vice, sa nakaraang concert ni Anne sa Araneta Coliseum.

Dagdag pa ni Sarah, "Sana hindi naman totoo yun.

"And I don’t think na totoo yun, kasi hindi naman ganun kakitid ang isip ni Vice. Ang tali-talino ni Vice.

"Naiintindihan din niya ang posisiyon ko bilang kapwa artista, na kapwa busy na artista.

"Parang hindi naman ako naniniwala.

"Ako, hinahangaan ko sina Ms. Kris, si Vice.

"Parang hindi ko pag-iisipan ng masama yung ganung mga tao.

"Mali yung mag-isip ka ng negative thoughts."

Incidentally, ang Sarah G. Live! ang papalit sa Gandang Gabi Vice, na magtatapos na sa February 19.

Sa February 26 naman magpa-pilot ang musical-variety show ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN