Jessy Mendiola on being Kristine Hermosa’s lookalike: "Aside from Anne Curtis and Angel Locsin, siya talaga ang pinakamaganda sa showbiz."

Jessy Mendiola on making her fans happy: "Magsa-sign ka lang, ngingiti ka lang. Di ba, parang for them, makakita lang ng artista, masaya na sila. Sa akin, masaya ako na nakita nila ako, ’tapos masaya sila..."


"Wow! Talaga po?"

Halatang nagba-blush na sabi ni Jessy Mendiola nang may nagsabing kamukha siya ni Kristine Hermosa.

Madalas kasing nakukumpara si Jessy kay Kristine, na sinasabi ng marami na may pinakamagandang mukha sa industriya.

Ano ang reaksiyon ni Jessy tungkol dito?

"A, honestly, hindi ko akalain na magiging artista ako.

"I did before, when I was a kid, not when I reached teenage... alam mo yun?

"Yung naging teen na ’ko, naging 13, 14, parang ayoko na kasi nahihiya ako, kasi wala kang privacy—parang lahat ng tao papakialaman ka.

"’Tapos now that I see na everything I have work hard for, everything paid off.

Dagdag pa ni Jessy, "So, yung sinasabi nilang... ’minsan next Kristine,’ minsan ’next Bea [Alonzo],’ minsan... magiging dramatic actress, magagawa ko ’to ganito-ganyan... Nagiging masaya ako dahil nare-recognize n’yo in your own word.

"And sinasabi nila, ’Isa sa pinakamaganda sa generation namin,’ parang it’s wow!

"’Tapos, may nagsasabing Kristine Hermosa...

"Ay, dati nung nakikita ko lang siya, natatameme ako, natutulala ako.

"Kasi ang ganda-ganda niya, ang kinis niya—sobrang porcelain-skin siya.

"So, masaya ako [na nakukumpara ako sa kanya]. Masaya ako, sa lahat ng artista, na sinasabing kamukha ko siya...

"Kasi feeling ko, ang tingin ko talaga, aside from Anne Curtis and Angel Locsin, siya talaga ang pinakamaganda sa showbiz."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy kahapon, Pebrero 16, Huwebes, sa presscon para sa BubbaTeaLicious Milk Tea sa Napa Restaurant, Quezon City.

HAPPY TO MAKE OTHERS HAPPY. Malayo na rin ang narating ni Jessy sa kanyang showbiz career, lalo na’t hindi siya nababakante sa trabaho.

Nang matapos ang kanyang launching soap na Sabel, nasundan ito agad ng Budoy, kung saan gumaganap siya bilang Jackie, ang matalik na kaibigan at kasintahan ni Budoy (Gerald Anderson).

At dahil sa kanyang popularidad ngayon, pihadong marami nang nagpapa-picture at nagpapapirma ng autograph kapag siya’y nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya naha-handle ang mga ganitong sitwasyon?

Sabi ni Jessy, "Kasi when I’m out, I don’t wear make-up, I just wear a cap, polo, ’tapos jeans.

"They still recognize me, so parang, ’Hala! Patay tayo diyan! Magpapa-picture sila ganito itsura ko.’

"So, as much as possible, kapag sa labas, gusto ko pleasant naman kahit papaano hitsura ko—may lip and cheek tint.

"It’s actually my favorite, yung lip and cheek tint."

Dagdag pa niya, "’Tapos, gusto ko lahat ng tao na magpapa-picture, magpapa-autograph, mabibigyan ng chance.

"Kasi ang sarap ng feeling, e, pagka ano, di ba?

"Kasi kung tutuusin, kaya lang naman tayo nandito sa showbiz, para makilala and para magpasaya ng tao.

"So, between those two things, magagawa ko naman siya both at the same time.

"Sabay picture sa mga fans at saka autograph, bakit hindi ko na lang gawin?

"Sandali lang yun, e. Magsasa-sign ka lang, ngingiti ka lang.

"Di ba, parang for them, makakita lang ng artista, masaya na sila.

"Sa akin, masaya ako na nakita nila ako ’tapos masaya sila..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN