Suzette Ranillo sets record straight on MMFF "sabotage" issue; confirms Nora Aunor’s return to Philippines

Suzette Ranillo on the MMFF "sabotage" issue: "This is all I can say. Nora is beyond awards. Whether you give her an award now, or not... it’s already proven that she’s a great actress! She deserves all the awards [given her], ’cause she’s a great actress. And for me... to sabotage yung... I think that was very ironic!"


"Guy is coming back... soon!" masayang bungad ni Suzette Ranillo sa pagtukoy kay Superstar na si Nora Aunor.

"Yes, she’s coming back in a few days to work again!" dagdag pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Suzette noong Martes, February 14, nang manood siya ng Valentine’s Day show ni Joy Viado, ang A Taste of Joy, sa Music Box sa Timog Ave., Quezon City.

Sa pakikipag-usap daw ni Suzette kay Nora noong February 12, nalaman na meron lang daw tinatapos na scheduled therapy ang Superstar sa Amerika.

Matatandaang umalis si Nora patungong Los Angeles, California, noong January 8, kasama ang actor-rap artist at special friend na si John Rendez.

Mula sa Los Angeles, nagpuntang Boston, Massachussetts si Ate Guy para sa naitakdang vocal cords operation.

Pero sa ulat namang natanggap ng PEP mula sa kaibigan ni Guy na si Glenda Kennedy, sinabing hindi muna dumaan sa surgery o surgical operation ang superstar.

Mayroon lang daw ipinasok na microchip dito bilang preliminary and exploratory examination. Maayos naman daw ang resulta.

Unofficial reports have stated that Nora will be arriving on February 25.

"No, earlier than that," pagsalungat ni Suzette.

Walang naman tiniyak na petsa si Boy Palma, ang personal manager ni Nora, pero binanggit niyang sa pagitan ng mga petsang February 20-22, sa susunod na linggo, ang balik ni Ate Guy.

NORA’S VOICE. Malaki na rin daw ang improvement sa boses ni Nora.

Patotoo naman ni Boy Palma, personal manager ni Nora, "Nung nakausap ko siya sa phone, nagtaka ako.

"Biniro ko nga siya, ’Guy, ikaw ba ’yan? Narinig ko na naman ang totoong boses ni Nora Aunor!"’

Will Nora sing again finally?

Sabi ni Boy, "Her voice has greatly improved after several therapy sessions [in Boston], but she can’t sing yet.

"After six months, she’ll go back to Boston for another series of tests to determine if she’d be operated on, or continue with her therapy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Perhaps next year, ready na talaga siya to sing.

"Sa ngayon, yun munang dalawang movies at teleserye ang naka-line-up na gagawin niya sa TV5."

Nakahanda na raw ang lahat para sa pagsisimula ng shooting ng comeback movie ni Nora na ipu-produce ng Studio 5 ng TV5 network.

Pero ayon kay Suzette, wala pang working title ang Nora Aunor movie.

Ang sigurado lang daw ay magkasama sila ng Superstar sa pelikula.

"Maganda... magkapatid kami [sa pelikula]!" bulalas ni Suzette.

REWIND. Sa interview ng PEP kay Suzette, kasama si Boy Palma, naungkat ang pagkaka-cancel ng Lifetime Achievement award ni Nora sa 37th Metro Manila Film Festival.

Napaulat sa PEP ang tungkol sa cancellation noong Disyembre 27, bago ang MMFF 2011 Gabi Ng Parangal; at noong Enero 3, 2012, na may pagtukoy sa reaksiyon nina Nora at Boy.

May nabanggit na isyu na sangkot ang pangalan ni Suzette sa cancellation.

Mukhang si Suzette kasi ang nadiin o nalagay sa alanganin, bilang supposed coordinator between Nora and the MMFF Awards committee, nang daglian siyang umalis ng bansa para magdiwang ng Pasko with her family sa Amerika.

Prior to December 2011, sunud-sunod na Lifetime Achievement awards ang naipagkaloob kay Nora bilang singer-actress at acknowledged superstar.

Did Suzette, sort of, "sabotage" Nora’s chances at another lifetime achievement award from the annual Metro Manila Filmfest?

Paglilinaw ni Suzette, "This is all I can say... Nora is beyond awards.

"Whether you give her an award now, or not... it’s already proven that she’s a great actress!

"She deserves all the awards [given her], ’cause she’s a great actress.

"And for me, to sabotage yung... I think that was very ironic!

"I brought her back here, di ba? For everybody to see her onscreen.

"So, bakit ko [sasabotahin]...? Napaka-contradicting naman yata ng issue na ’yon, di ba?

"Ibinalik natin, ’tapos sisirain ko? Bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everybody knows that we’re all friends."

"LAGLAGAN" TIME? Isa-isang nilinaw ng PEP kay Suzette ang mga pangyayari at mga pangalang nasangkot mula sa MMFF Awards committee.

May nabanggit na pangalang Rose Santiago, na nagsabing si Suzette diumano ang kinontak ng MMFF committee para magbigay ng mga detalye ng plake na ia-award sana kay Nora.

Pero diumano, hindi nakipag-coordinate si Suzette at dagliang umalis patungong U.S.

"Ay, no!" pagtanggi ng aktres.

"Everything was taken cared of before I left. It was all given to them.

"Ipakita ko kaya yung text [message]. Tinanong nila kung ano exactly ang wording, so I gave them.

"It was given to Mae Esguerra [of the MMFF Awards Committee]. Alam ko pa yung pangalan, matandain ako sa pangalan, e.

"Pong Olanday [another staff from the MMFF Awards committee], I called her.

"She [Pong] called me, I was in a meeting; said she’d call me back. But she never called me back.

"Si Rose, alam nila I went to [Guy’s] condo to give her and Boy the invitation.

"They said pa, ’O, ilan ang invitations?’ I said, ’Bahala kayo [kung] ilan ang gusto ninyong ibigay, that’s fine!

"Sabi ko pa sa kanila, ’O, Guy is ready, meron na siyang gown! Yung lahat ng mga detalye, napag-usapan na natin, okey na lahat yun. You just have to coordinate with Boy.

"I gave Mae Esguerra Boy’s number. I even told Kuya Boy about... kung anong ibibigay na award kay Guy.

"They also would like to know, di ba?"

Nabanggit naman ni Boy, sa unang interview, na walang taga-MMFF na nakipag-coordinate sa kanya bilang personal manager ni Nora.

"They never called me," ani Boy.

"They should have coordinated with me or with TV5 [officials] in the absence of Suzette. But nobody did."

BENEFIT OF THE DOUBT. Sumama man ang loob sa pagkasangkot ng kanyang pangalan sa MMFF award cancellation issue, Suzette chose to be positive about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Siguro baka dun sa organization nila, hindi sila coordinated.

"Ano lang ito... this might be a case of miscommunication or the lack of it.

"Siguro, next time, sana mag-coordinate na lang silang mabuti."

Naiparating din ng PEPkina Suzette at Boy ang tungkol sa naging sagot ng producer na si Marichu "Manay Ichu" Vera Perez, who’s with the MMFF Execom.

Nang tanungin hinggil sa issue, Manay Ichu said, "I didn’t know anything about it."

Sabi ni Suzette, "Siguro si Manay Ichu, wala sa organizing committee. Or maybe, she wasn’t informed, too."

When informed about Manay Ichu’s stance, nasabi naman daw ni Nora kay Boy: "As expected..."

Ani Boy, "Alam ni Guy, may sama ng loob si Manay Ichu sa kanya..."

But, in deference to Nora, Boy chose not to dwell on it.

Instead, sabi rin daw ni Nora, "Marami na tayong lifetime achievement awards. Okay lang yun ung ayaw nilang ibigay sa akin."

CARING FRIEND. Despite the issue, buo pa rin ang tiwala ni Suzette na mauunawaan siya ng mga tagahanga ni Nora .

"Kung tatanungin mo ako, ’Totoo bang sinabotahe ko [ang award ni Guy]?’... Hindi! ’Yon. Period!

"It’s far-fetched na pinabayaan ko ’yon. At alam ko naman, ang fans ni Guy, hindi sila basta-basta maniniwala sa mga salitang ganyan.

"Ano naman ako sa mga fans... they know that I take good care of my friend as much as I can.

"So, alam kong hindi sila naniniwala sa mga ganyang issues."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN