Cesar Montano on becoming the next OMB chairman: "It’s not my cup of tea."

"Wala namang tawag sa akin mula sa office of the President [Noynoy Aquino]. So, hindi ko alam. I don’t know kung tatanggapin ko iyon. Kasi it was offered to me by the past President [Gloria Macapagal-Arroyo] before yung chairmanship. Hindi ko tinanggap dahil simply because hindi iyon talaga ang kalooban kong gawin. Hindi iyon ang aking talento. Hindi iyon ang aking skill para pigilin iyon [piracy]," says Cesar Montano when asked if he’s


Excited si Cesar Montano dahil ipalalabas na sa Pebrero 22 ang kauna-unahan niyang pelikula para sa 2012—ang Hitman na produced ng kanyang CM Productions at idi-distribute ng Viva Films.

Bukod sa pagiging bida sa naturang pelikula, si Cesar din ang direktor, writer, at producer nito—kaya aminado siya na malaki ang pressure na nararamdaman niya.

May mga gabi rin daw na hindi siya makatulog habang papalapit na ang showing ng kanyang pelikula.

Sabi ni Cesar, "Totoo, nahihirapan akong matulog.

"Ang hirap din kasi first time nating babalik sa aksyon at muling ihahain sa Filipino audience.

"So, nakakakaba talaga.

"Pero mabuti na lang nauna ng konti yung Asiong Salonga noong Metro Manila Film Festival.

"Nagkaroon na ako ng kaunting testing of the water.

"Pero ganun pa rin, palagi kaming nagdadasal na sana masuportahan po.

"Sana kagatin ng mga tao at suportahan po ng Filipino audience ito pong pagbabalik ng action movies."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa kanyang solo presscon kahapon, Pebrero 15, sa Viva Films office sa Philippine Stock Exchange Towers sa Ortigas, Pasig City.

Paniniwala ni Cesar, marami na rin sa mga Pinoy ang naghahanap ng pelikulang aksyon na gawang lokal.

"Ako, nararamdaman ko yun dahil everywhere I go, lalo na sa mga kalalakihan, laging ang tanong sa akin, ’Kailan ka ulit gagawa ng action movie?’

"Paulit-ulit, hanggang sa ako’y naririndi na. Kaya ako’y lumapit na kay Boss Vic [del Rosario, big boss ng Viva].

"Sabi ko, ’Puwede ba tayong gumawa ng pelikula?’

"Nagpapasalamat naman ako sa Viva na ipinagkatiwala sa akin na gumawa ng isang action movie."

Positibo si Cesar na maganda ang nagawa nilang pelikula, lalo na’t pawang magagaling na artista raw ang kasama niya rito.

"Ito po ay isang kakaibang aksyon na pelikula na isinulat ko po at idinirek din.

"First time naming magsasama ni Mr. Phillip Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, of course, ang leading lady ko po ay ang napakaseksi at napakagandang si Sam Pinto.

"Kasama rin po natin ang iba pang magagaling na artista na sina Joko Diaz, Ricky Davao, Mark Herras.

"Kasama rin ang aking anak na si Diego [Loyzaga, anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga] at ang aking kapatid na si Rommel [Montano].

"So, ibang pelikula po itong mapapanood n’yo, bagong kuwento at bagong aksyon."

MEETING WITH HOLLYWOOD FILM STUDIO. Kadarating lang ni Cesar mula sa pagbabakasyon sa Amerika kasama ang asawang si Sunshine Cruz.

Kuwento ng actor-director, "I enjoyed it to the fullest lalo na at kasama ko ang aking asawa.

"Nakapanood kami ng maraming Broadways... that I owe myself also dahil matagal na rin akong hindi nakakapanood, e.

"As a filmmaker, as an actor, I owe it to myself. I owe it to my wife also na matagal ko na ring hindi naipapasyal.

"So, nag-enjoy ako."

Bukod sa magandang bakasyon, naging productive din ang trip nila dahil nakipag-meeting daw si Cesar sa isang American film company para sa posibleng international movie.

"Ang importante dun, I had a meeting with The Weinstein Company.

"Alam ng Viva yun. Sabi ko, imi-meet ko ito at baka someday makagawa tayo ng pelikula together.

"So, I had a meeting there. Nagkita kami doon at nag-pitch ako ng istorya. Nasa process kami ngayon ng pagkakasunduan."

Ang The Weinstein Company ay isang American film studio na may headquarters sa New York City.

Ang TWC ang co-producer at distributor ng mga sikat at award-winning films katulad ng 2011 movie na The King’s Speech, na nanalo ng Best Picture sa 83rd Annual Academy Awards.

Co-produced din ng TVC, with Universal Pictures, ang Oscar Best Picture nominee na Inglourious Basterds noong 2009.

Ano ang mga istorya na ibinigay niya sa TWC?

"Dalawa—isang comedy at isang action. But it’s still too premature to tell the details about the story," sabi ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW MOVIE. Hindi pa man naipapalabas ang Hitman, ibinalita ni Cesar na may gagawin na agad siyang bagong pelikula—ang Getting to America, isang dramedy tungkol sa buhay ng isang Pinoy na gustong makakuha ng US visa.

"Sa March po namin intensiyong simulan yung pelikula. Co-production ito ng Viva and CM Films pa rin.

"Of course, written by yours truly and Donald Martin na based in L.A. [Los Angeles] na kaibigan po natin.

"Siya po yung co-writer natin, Hollywood screenwriter.

"Siya po yung gumawa ngayon ng Masterpiece na gagawin po ni Al Pacino in summer at saka yung Karo na gagawin naman ni Angelina Jolie this year also."

Masaya si Cesar na magkaroon ng kaibigang writer mula sa Hollywood.

"Ako kasi, hindi ko inaalis yung mga correspondence ko sa Hollywood kasi sooner or later, kailangan na natin, e.

"Para palawakin itong industriya natin, kailangan nating makisama sa ibang lahi.

"Tingnan natin kung paano natin maise-share yung kultura natin sa ibang bansa by uniting the ideas at saka yung mga resources.

"Yun ang importante, e, producer din tayo."

THE NEXT OMB CHAIRMAN? Samantala, naitanong din kay Cesar ang tungkol sa balitang may offer daw sa kanya ang Optical Media Board para maging susunod na chairman nito, o maging bahagi ng ahensiya.

Paliwanag ni Cesar, "Meron nga raw akong appointment, hindi ko nga alam.

"Hindi ko pa nakikita, wala pa akong nare-receive na papers.

"Wala namang tawag sa akin mula sa Office of the President. So, hindi ko alam.

"I don’t know kung tatanggapin ko iyon. Kasi it was offered to me by the past President [Gloria Macapagal-Arroyo] before, yung chairmanship.

"Hindi ko tinanggap dahil simply because hindi iyon talaga ang kalooban kong gawin.

"Hindi iyon ang aking talento. Hindi iyon ang aking skill para pigilin iyon [piracy]."

Ano ba ang masasabi niya tungkol sa paglaganap ng piracy ng mga pelikula at music albums?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Patungkol sa piracy, there are no outside solution. There are only inside solution when it comes to that.

"We’re not here to change the country. Ang misyon natin, not to change the country but to change ourselves.

"Kaya siguro, keep on praying na sana matanggal talaga iyan.

"The problem is us, we’re all sinners, we’re all guilty of doing that. Iyan po ang katotohanan."

Nagkaroon ba sila ng pagkakataong makapag-usap ng present OMB chairman na si Ronnie Ricketts?

"Hindi pa ngayon. Pero before I heard about the appointment, nagkausap kami.

"Sabi niya, ’Pare, masasamahan mo ba kami dito?’

"Sabi ko, ’Naku, napaka-busy ko.’

"Na totoo naman na busy ako, kasi I was doing the movie, shooting the movie, writing the script... ’Tapos paalis din ako papuntang Amerika.

"At saka it’s not my cup of tea.

"Siguro kay Ronnie, kayang-kaya niya yun.

"Siguro kung iba ang ipapagawa sa akin—like the arts, yung culture—baka mag-isip pa akong tanggapin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN