Danita Paner on getting back with JC de Vera: "I’m not closing any door. Basta kahit ano ay puwedeng mangyari, e."

Danita Paner on things she misses about ex-boyfriend JC de Vera: "Kapag kumakain kami sa labas. Mahilig kasi kaming kumain sa labas na magkasama, e. Siyempre yun ang mami-miss ko na. Although ngayon, sanay na ako na I go out by myself or I go out with my friends.


Unti-unti nang nagmu-move on si Danita Paner mula sa breakup nila ng ex-boyfriend niyang si JC de Vera.

Trabaho ang tinututukan ngayon ng dalaga mula sa hindi naging magandang takbo ng kanyang lovelife. Sinabi rin niyang wala siyang pinagsisihan sa nangyari sa kanila ni JC.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danita noony Miyerkules, February 15, sa launching ng 12 new shows ng TV5 sa NBC Tent, Taguig City.

Ipinahayag ng young actress na tuloy pa rin ang ikot ng mundo para sa kanya kahit wala na ang aktor sa buhay niya.

"Kasi ako, ayokong magsisi sa kahit na anong bagay. Live life with no regrets," nakangiting wika niya.

Kumusta naman ang kanyang naging Valentine’s Day?

"Okay naman, lumabas ako with my friends, nag-dinner lang kami."

Na-miss ba niya si JC?

"Oo naman, oo naman," mabilis na pag-amin ni Danita.

Pinadalhan ba siya ng regalo o binati man lang ni JC?

"Nagkausap kami," matipid na sabi niya.

So, may communication pa rin sila ng aktor?

"Mayroon naman... once in a while mayroon naman."

ANYTHING IS POSSIBLE. Hinggil naman sa posibilidad na magkabalikan sila ni JC, sinabi ni Danita na kahit ano ay maaaring mangyari.

"I’m not closing any door. Basta kahit ano ay puwedeng mangyari, e.

"Sa lahat naman, hindi natin masasabi kung ano ’yong next na mangyayari, e.

"Lahat ay posible, pero gusto ko maging friends muna kami.

"Siyempre kasi, mayroon ding kaunting..." bitin na saad niya, pero hindi na niya itinuloy ang gustong sabihin.

"At saka busy rin naman kasi si JC at ako ay busy rin. So, walang oras.

"Pero darating din iyan. Kung ano ang plano ni God ay mangyayari iyan."

Ano ang pinaka nami-miss niya kay JC?

"Iyong... kapag kumakain kami sa labas.

"Mahilig kasi kaming kumain sa labas na magkasama, e. Siyempre yun ang mami-miss ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although ngayon, sanay na ako na I go out by myself or I go out with my friends.

"Ngayon nagdyi-gym na ako... dati hindi, tamad-tamad e," saad pa ng dalaga.

JUST A GIMMICK? Inabot daw ng higit isang taon ang relasyon nila ni JC at three months ago ito nagtapos.

Pero ano ang masasabi niya sa komento ng iba na gimik lang ang split nila ni JC?


"Sana nga ay gimmick lang, e!" nakatawang sabi ni Danita.

"Pero hindi... hindi kami mahilig ni JC sa mga ganyang gimmick."

Ano naman ang masasabi niya sa intrigang may nagdikta lang kay JC kaya kinailangang maghiwalay sila ng landas?

"Wala naman pong nagdidikta sa amin, at saka I know JC, hindi siya ganoong kababaw na tao para magpadikta lang."

ISANG DAKOT NA LUHA. Samantala, excited na ibinalita ni Danita ang kanyang bagong afternoon drama series sa TV5, ang Isang Dakot na Luha.

"I am very happy and very excited for Isang Dakot na Luha, dahil isa po ito sa pinakaunang-unang panghapong teleserye ng TV5," sabi niya.

Ipinahayag din ni Danita na nailang siya noong una sa co-star niya ritong si Alice Dixson.

Although, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Alice, dahil nagkasama na raw sila sa pelikulang Jessica Alfaro Story (1995).

Still, aminadong na-intimidate siya noong una kay Alice.

Ayon kay Danita, "Natatakot ako kasi siyempre, nakaka-intimidate dahil Ms. Alice Dixson ’yan, e.

"At ang dami kong dapat patunayan dito, lalo na pagdating sa mga eksena namin. Nakakahiya naman kasi kung magkakamali ako.

"First time ko siyang nakatrabaho ay sobrang bata pa ako, sa Jessica Alfaro, at sobrang bata pa ako noon, ’tapos ito na iyong sumunod."

Mas gusto ba niya sa afternoon timeslot o sa primetime?

"Nakapag-primetime na po ako twice sa TV5, kaya siguro oras na rin para ma-try naman namin iyong pang-hapon, kung ano ang difference.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siguro nagma-matter iyon, ang mahalaga ay maganda ang io-offer mong show sa audience," saad ni Danita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN