Vice Ganda on "feeling-superstar" tag: "Okay naman kasi at least consistent sila sa isyu nila sa akin!"

Vice Ganda on his weekly show Gandang Gabi Vice: "Naku, ayoko nang manghinayang kasi sobrang pina-extend na nga nila yung blessings. Originally, e, 13 weeks lang talaga, humaba lang nang humaba. Nakadalawang seasons na nga kami, in fact. At saka, mamahinga lang naman kami, ’tapos babalik din naman agad."


Nagpaunlak ng maikling interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vica Ganda sa mismong studio ng It’s Showtime sa ABS-CBN kahapon, February 17.

Inusisa namin si Vice sa pagtatapat ng timeslot ng kanilang programa at ng longest-running noontime show sa bansa—ang Eat Bulaga! ng GMA-7.

Malaking responsibilidad ba sa parte nilang mga host ang tumapat sa itinuturing nang institusyon sa larangan ng telebisyon?

Sagot ni Vice, "Malaking responsibilidad, pero share-share naman kami rito.

"Team effort, e. Lahat naman kami, e, may kanya-kanyang kontribusyon sa show."

Bukod kay Vice ay kasama rin sa It’s Showtime sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienz, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

GANDANG GABI VICE. Bukas, February 19, ay huling episode na ng solo late-night show ni Vice sa ABS-CBN, ang Gandang Gabi Vice.

Hindi ba siya nanghihinayang na mawawala na sa ere ang kanyang show kahit mataas pa naman ang rating nito?

Sabi ng comedian-TV host, "Naku, ayoko nang manghinayang kasi sobrang pina-extend na nga nila yung blessings.

"Originally, e, 13 weeks lang talaga, humaba lang nang humaba. Nakadalawang seasons na nga kami, in fact.

"At saka, mamahinga lang naman kami, ’tapos babalik din naman agad.

"Pero ang nakakatuwa kasi, yung effect sa tao na mawawala na yung GGV, e, malaki.

"Parang nagmamakaawa sila na ’wag tanggalin, ayaw nilang mawala sa ere ang show.

"Ang daming sumusulat sa ABS CBN, sa Twitter...

"Grabe ang reaksiyon nila. Nakakatuwa talaga."

Gaya nga ng sinabi ni Vice, magbabalik naman daw sa ere ang kanyang weekly show.

"Actually, yun pa rin ang format at title, pero seasonal na lang.

"Pero dapat lang na sa pagbabalik ng show ko, e, yung medyo level up naman.

"Yun naman talaga ang nakalagay sa kontrata ko sa ABS, na ipapahinga lang sandali yung GGV, then ibabalik agad.

"May 13 weeks break lang talaga," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEXT MOVIE. Pagkatapos ng record-breaking movie niyang Praybeyt Benjamin, ano ang susunod na pelikulang gagawin ni Vice?

"Yung Part 2 kasi ng pelikula, e, next year pa talaga maaari naming gawin ni Direk Wenn [Deramas].

"Pero ngayon, e, hindi ko pa alam.

"Merong plano akong movie na gagawin ko this year, pero hindi ko alam kung kailan at ano.

"Lalo na ngayon, e, medyo malaki ang pagbabago ng schedule ko, dahil dito sa Showtime.

"Hindi ko alam kong paano ako makakapag-shoot.

"Kung dati ngang morning show lang kami, e, humaba nang humaba ang shooting days namin ng Praybeyt [Benjamin].

"Kasi sa isang araw, e, nakakatatlong sequences lang ako," sabi ni Vice.

Pero si Direk Wenn pa rin daw ang direktor ng gagawin niyang pelikula para sa Star Cinema ngayong taon.

"FEELING SUPERSTAR"? Ano naman ang komento ni Vice sa isyung pagkatapos maging blockbuster ng huling pelikula niya ay nag-iba na raw ang ugali niya? Naging mayabang na raw at "feeling superstar" na raw siya?

"Bago pa naman nagkaroon ng Praybeyt Benjamin, e, yun na rin ang sinabi nila sa akin, e.

"Before, during, and after Praybeyt..., yun ang lagi nilang sinasabi sa akin.

"Okay naman kasi, at least, consistent sila sa isyu nila sa akin!" natatawang sagot ni Vice.

Ano naman ang reaksiyon ni Vice sa lumabas na report na inisnab daw niya ang ibang showbiz writers na bumista sa studio ng It’s Showtime? Ni "hi" and "hello" raw ay hindi nagawa ni Vice kung kaya nagkaroon daw ng tampo sa kanya ang ilang reporters?

"Well, I didn’t do that," tanggi ni Vice.

"Kung meron man akong hindi napapansin, paumanhin na nila ako.

"Kasi, sa totoo lang, e, hindi ko rin naman kilalang lahat.

"Pero I made sure na yung mga kakilala ko talaga, e, nilalapitan ko pa at pinasasalamatan ko pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka malinaw naman na binati namin sila sa simula ng show at pinasalamatan namin sila collectively.

"Pero isa-isa, hindi ko naman kayang banggitin ang mga pangalan nila.

"Kaya kung may na-offend, e, humihingi ako ng paumanhin at hindi ko talaga sinasadya na maka-offend. Hindi ko talaga sila inisnab.

"Alam ko naman kung paano ko kayo masasaktan at iniiwasan ko rin ’yan.

"Ayokong magkaroon ng pangit na relasyon sa lahat ng press people," sabi ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN