Kuya Kim denies team-up with former President Erap for Manila’s top posts in 2013 elections

"Nagsalita ako sa inyo ngayon na hindi ako tatakbo sa pulitika. I am so happy the way ABS-CBN manages my career, all the breaks that ABS-CBN had given me. I’d like to retire with ABS-CBN. And when I retire sa showbiz, e, lalong wala na ring pag-asa na balikan ko pa ang pulitika," says TV host-weatherman Kim Atienza.


Itinanggi ng It’s Showtime host na si Kim Atienza na muli niyang papasukin ang mundo ng pulitika.

Matatandaang naging three-term councilor sa Manila si Kuya Kim bago siya naging TV host at weatherman.

Nagsimula ang haka-haka na muling sasabak sa pulitika si Kuya Kim dahil sa mga naglalakihang tarpaulin nila ni dating Pangulong Joseph Estrada na nakapaskil sa maraming lugar sa Maynila.

Ayon kay Kim, nagulat talaga siya at medyo sumama ang loob niya sa kung sinumang may pakana sa pagkakabit ng mga tarpaulin na ito.

Diin niya, "Wala akong kinalaman sa ganun.

"Nakakagulat kasi, ang dating kasi, parang lalabas na tatakbo akong ka-tandem ni Erap.

"I love Erap, I will help Erap to the best of my capabilities. Ikakampanya ko si Erap.

"Pero ang pinakagusto kong gawin for Erap is to help him for his campaign, but not for me to run."

Planong tumakbo ni Erap bilang mayor sa susunod na eleksiyon. Pero si Kuya Kim daw ay wala nang planong tumakbo.

Aniya, "Wala na akong balak tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

"I’m at peace. I am happy sa telebisyon.

"I’m earning much more now than when I was in politics—and nobody dislikes me."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Kim sa studio ng It’s Showtime kahapon, February 17.

ERAP FOR MANILA MAYOR. Kinumpirma ni Kuya Kim sa PEP na wala nang urungan ang pagtakbong alkalde sa Maynila ni Erap.

Pero wala pang ideya si Kuya Kim kung sino ang makaka-tandem ng dating pangulo, senador, at mayor ng San Juan.

"Hindi ko pa talaga alam kung sino ang magiging vice [mayor] niya, pero definitely, hindi po talaga ako," pailing-iling niyang sabi.

Bilang dating pulitiko, ano sa palagay niya ang dahilan ni dating Pangulong Erap na tumakbong mayor ng Maynila?

"Hindi ko alam, e. Ang alam ko, e, ang roots ni Erap talaga, e, sa Manila," sabi ni Kuya Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOTHING CAN CHANGE HIS MIND. Malakas ang hinala ng marami na ang ama ni Kuya Kim na si dating Manila Mayor Lito Atienza ang isa sa kumukumbinsi kay Erap na tumakbong mayor ng Maynila, katapat ng kasalukuyang alkalde na si Mayor Alfredo Lim.

Kaya posible rin daw na kumbinsihin siya ng kanyang ama na tumakbong Vice Mayor.

Pero ayon kay Kuya Kim, kahit daw ang ama pa niya ang makikiusap sa kanya ay hindi na raw magbabago ang desisyon niyang tuluyan nang iwanan ang pulitika.

Ano ang maaaring makapagbago sa naturang desisyon niya?

"Wala na talaga," sagot ni Kuya Kim.

"Nagsalita ako sa inyo ngayon na hindi ako tatakbo sa pulitika.

"I am so happy the way ABS-CBN manages my career, all the breaks that ABS-CBN had given me.

"I’d like to retire with ABS-CBN.

"And when I retire sa showbiz, e, lalong wala na ring pag-asa na balikan ko pa ang pulitika."

Dagdag niya, "Actually kasi, ang TV kasi, e, mabigat sa katawan. Hindi mo magagawa ito forever.

"Akala ng iba, e, madali ang trabaho namin, na patawa-tawa at patayo-tayo na nagho-host. E, mahirap din na trabaho ito.

"ABS had given me three shows, so bakit ko pa babalikan ang nagpapasama ng loob ko dati na pulitika?

"Sa totoo lang, malaki ang nagawa kong tulong bilang si Kuya Kim.

"I’d rather be called simpleng Kuya Kim; than Vice Mayor Kim, Senator Kim, or Mayor Kim.

"Masaya na ako sa kung saan tayo napupunta, e, tinatawag akong ’Kuya Kim’ ng mga taong hindi mo naman kaano-ano.

"So, sobrang laking honor na ito sa akin kaysa magiging pulitiko muli na ’sandamukal pa ang mga kalaban mo na tiyak magagalit sa iyo."

Ang talagang hindi raw yata iiwanan ang pulitika ay ang ama niyang si dating Mayor Lito Atienza.

Sabi ni Kuya Kim, "Si Dad, hindi ko pa alam kung ano ang tatakbuhin niya sa darating na 2013, pero definitely hindi mayor ng Maynila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa It’s Showtime, napapanood din si Kuya Kim sa Matanglawin at TV Patrol bilang weatherman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN