Ervic Vijandre explains why romance with Rich Asuncion was short-lived

Ervic Vijandre on short-lived romance with Rich Asuncion: nag-date kami for almost... like four months, ’tapos eventually, sabi namin, na i-try naming maging kami. ’Tapos, parang hindi... parang hindi, e. Parang parehas naming na-realize na hindi kami ready, hindi kami ano... ganun. So, ’Kesa magkaroon tayo ng masamang relasyon, let us stay as friends na lang.’ So, iyon. Mas okay kami as friends kasi, e."


"Sa ngayon ho, wala."’

Ito ang sagot ng model turned actor na si Ervic Vijandre nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kumusta na ang kanyang lovelife.

Magkaibigan pa rin daw sila ni Rich Asuncion, ang pinakahuling babaeng naugnay sa kanya.

"Okay kami, magkaibigan kami," sabi pa ni Ervic.

Wala pa raw isang buwan silang naging magkasintahan ni Rich.

"Oo!" ang natatawang sabi ni Ervic.

SHORT-LIVED ROMANCE. Bakit hindi sila nagtagal?

"E, kasi nga po, nag-date kami for almost... like four months, ’tapos eventually, sabi namin, na i-try naming maging kami.

"’Tapos, parang hindi... parang hindi, e. Parang parehas naming na-realize na hindi kami ready, hindi kami ano... ganun.

"So, ’Kesa magkaroon tayo ng masamang relasyon, let us stay as friends na lang.’ So, iyon.

"Mas okay kami as friends kasi, e," paliwanag ng former Survivor Phipppines Celebrity Showdown castaway.

Pero magkasama raw sila ni Rich noong birthday ni Ervic last January 26.

"Oo, mga barkada ko po, nung salubong po nung birthday ko."

So, nagkikita at nagkakasama pa rin sila ni Rich?

"Oo, nagkikita pa rin po kami, pero sa barkada lang, kasi po same barkada kami, e.

"Barkada ko po yung... naging barkada ko na rin po sina Maxene [Magalona]."

Hindi ba mahirap maging magkaibigan ang dating magkarelasyon?

"A, sa amin po kasi, parang hindi kami naging mag-ex talaga, e."

Nagkaroon lang sila ng mutual understanding?

"Oo, parang ganun, parang ganun na nga."

WHY IT DIDN’T WORK OUT? Ano ba ang mga bagay na hindi nila mapagkasunduan kaya hindi nagtuluy-tuloy ang relasyon nila?

"Hindi kami nag-aaway, pero parang na-feel lang namin na hindi kami... paano ba ’yan?

"Yung parang mas okay talaga kami... mas okay kami na magbarkada kami.

"Parang mas okay kami na nagkikita kami na hindi forced, kasi...

"Parang yung nagkikita kami, kasi gusto naming magkita, dahil gusto naming tumambay na magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi yung... nung tinray naming maging kami, kailangan naming magkita kahit pagod, ganun."

Na obligado sila na magkita?

"Oo, iyon, so parang ang pangit... ang pangit.

"So, parehas naming gusto.

"So, kahit nung dati, pagod kami, pero, ’O tara, magkita tayo, mag-coffee tayo.’

"Sige, coffee kami, kahit nung friends lang kami.

"Pero nung kami na, parang, ’O, kita tayo.’

"’Pagod na ako, e...’ Alam mo yung ganun?

"’Tapos, may magtatampo. Parang ang pangit nung ganun, di ba?"

Ngayon ba ay may nililigawan si Ervic?

"Sa ngayon po, wala talaga, wala po."

Baka magkabalikan sila ni Rich at maging sila ulit eventually?

Tawa lamang ang naisagot dito ni Ervic.

FRENCHESKA FARR. May balitang nanliligaw raw si Ervic kay Frencheska Farr, na co-star niya sa afternoon soap na Kokak. Pero itinanggi ito ng binata.

"Hindi po, hindi po... Kumbaga sa set, tinutukso kami.

"Kasi nag-umpisa ’yan noon sa Captain Barbell pa.

"Sa tent po kasi magkasama kami ni French, magkatabi kami, naglalaro kami ng iPad, ’tapos dumating si Paolo Paraiso, ’Uy, ang sweet!’

"Yung ganun. ’Tapos, yun na, hanggang dito na [sa Kokak], nadala na yung inaasar kami, tinutukso kami."

Tawa ang muling naging reaksiyon ni Ervic nang tanungin namin kung bakit hindi niya ligawan si Frencheska; tutal ay bagay sila—parehong good-looking at pareho silang matangkad.

Mas gusto ba niya na hindi taga-showbiz ang girlfriend niya?

"Sa akin po kasi, parang... ano ba? Mas gusto ko tahimik, e.

"Mas gusto ko ng tahimik na ano...

"Wala namang problema kung artista siya. Pero kung..."

Maintriga kasi kapag parehong artista ang magkarelasyon?

"Iyon... iyon," pagsang-ayon niya.

"Depende rin talaga sa tao.

"Kung sino man siya, kung ano’ng ginagawa niya, wala sa aking problema—artista o hindi siya artista, kahit na sobrang ano lang yung trabaho niya."

MARIAN RIVERA. Ngayon ay medyo mas kumportable na si Ervic sa interbyu kapag ang dati niyang karelasyon na si Marian Rivera ang topic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi katulad dati na medyo naiilang siyang sumagot o magkomento tungkol kay Marian.

Ayon kay Ervic, minsan lang daw silang nagkita ni Marian pagkatapos nilang mag-break.

"Totoo po, isang beses lang po mula nung naghiwalay kami.

"Yung dati, yung sa lobby ng GMA, nagkasalubong lang kami."

Sino ang unang bumati?

"Parehas lang po, parehas lang," sagot ni Ervic.

Nag-beso ba sila?

"Wala, walang beso. Sobrang awkward na moment yun.

"Ano lang, ’Uy, kumusta?’ ’Okay ka?’ Ganun lang po.

Nagkaroon na ba ng pagkakataon na magkakilala sila ng boyfriend ngayon ni Marian na si Dingdong Dantes?

"Kilala ko siya. Lagi kong sinasabi na... baka maano na naman ako..." putol niya sa kanyang sariling pahayag, na ang ibig niyang sabihin ay baka maintriga na naman siya.

Pero pagpapatuloy niya, "Kilala ko siya, pero hindi kami napakilala na personally.

"So, hindi ko siya kilala, personally.

"Kilala ko siya as an artista, siyempre naman."

Hindi pa sila nagkakasama ni Dingdong sa trabaho?

"Never pa."

Magkaiba rin daw sila ng circle of friends ni Dingdong, "Pero kaibigan ko naman sila ano... yung mga pinsan niya, si Carlo [Gonzales] at saka si Arthur [Solinap]."

So, may tsansa na maging magkaibigan din sila ni Dingdong at ma-settle na ang mga bagay-bagay sa pagitan nila?

"Siguro hindi naman po kailangang i-settle.

"Dadating yung time, kasi sobrang tagal na naman po nung sa amin ni Marian, so wala naman pong problema sa akin yun," pahayag ni Ervic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN