Ahron Villena moves up to leading-man status in TV5 afternoon series Felina

Ahron Villena on leading-man role in Felina: "Tumatanda na ako, I’m 23... Sabi ko nga, ang daming bagong artista, hindi na ako magkakaroon ng opportunity na magkaroon ng leading-man role. Masaya ako. Although sa mga previous roles ko, masaya naman ako, happy ako sa mga nagawa ko sa ABS. Pero dito siyempre, mas nabigyan ako ng break, nasa lead role na ako. So, thankful ako."


Nagsimula sa ABS-CBN, pagkatapos ay sumali sa reality show ng GMA-7 na Survivor Philippines Celebrity Showdown, ngayon ay visible naman sa TV5 si Ahron Villena.

Isa siya sa leading men ni Arci Muñoz, kasama ni Leandro Muñoz, sa pang-hapong fantaserye ng Kapatid network, ang Felina: Prinsesa ng mga Pusa.

Masasabing ito na ang pinakamalaking break ni Ahron kung ang pagbabasehan ay ang bigat ng role na gagampanan niya.

Sa grand launch ng labindalawang bagong shows ng TV5, kabilang na ang Felina, sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ahron.

Tinanong namin siya kung sa kabila ng magagandang proyekto na ibinibigay sa kanya ng TV5 ay bukas pa rin siyang makipagtrabaho sa Kapamilya network o sa Kapuso network.

Sagot ni Ahron: "Until now, wala pa rin akong pinipirmahang contract sa TV5, so open ako kung sinuman ang magbigay sa akin ng projects after this.

"Kung mag-offer ang ABS or ibang stations, basta ako, masaya ako ngayon sa trabaho ko.

"Pero kung mabibigyan ako ng opportunity ng TV5 na maging exclusive sa kanila, why not, di ba?

"Parang minsan lang yun... isang karangalan yun bilang isang artista na papapirmahin ka sa isang network.

"Sa ngayon, per project ako dito

"Masaya ako na sila ang nagbigay ng opportunity, nagbukas sila ng pinto sa akin.

"Kumbaga, siyempre ang daming puwedeng mabigyan ng role as Yohan [sa Felina], pero ako ang napili."

Hindi raw inasahan ni Ahron na mapupunta sa kanya ang role bilang isa sa kapareha ni Arci sa Felina.

Saad niya, "Tumatanda na ako, I’m 23...

"Sabi ko nga, ang daming bagong artista, hindi na ako magkakaroon ng opportunity na magkaroon ng leading-man role. Masaya ako.

"Although sa mga previous roles ko, masaya naman ako, happy ako sa mga nagawa ko sa ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero dito siyempre, mas nabigyan ako ng break, nasa lead role na ako.

"So, thankful ako."

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Nang kumustahin ng PEP ang kanyang lovelife, inamin ni Ahron na may non-showbiz girlfriend siya ngayon.

Aniya, "Bago lang kami, kawa-one month lang namin nung February 7.

"She’s 22 years old, nag-aaral siya sa FEU [Far Eastern University], she’s taking up HRM [Hotel and Restaurant Management].

"Okay naman ’pag non-showbiz.

"Sabi nila, mas maganda ’pag non-showbiz, ’pag private ang relationship.

"Alam niya ang trabaho ko... minsan nag-aaway na normal naman talaga sa isang relasyon, pero naaayos naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN