Matinee idol Alden Richards bares sexy body for new billboard ad

Alden Richards on staying humble despite his growing popularity: "Maipapangako ko po iyan kasi dun po... parang dun tayo nagustuhan, kung ano yung nasimulan natin. So, pananatilihin ko lang po."


Maging ang ama at lola ni Alden Richards ay nagulat sa sexy billboard ng Kapuso young actor para sa isang clothing line.

Ayon sa ama ni Alden na si Mr. Faulkerson, "kumabog" ang dibdib niya nang makita ang naturang billboard ni Alden sa Edsa para sa Folded & Hung.

"Nakaka-touch! I never knew na ganun pala ka-big deal sa family ko yung mga nangyayari sa akin," mangiyak-ngiyak na sabi ni Alden sa panayam sa kanya ni Joey de Leon sa Startalk kahapon, February 18.

Ayon naman sa lola ni Alden, gusto niyang makita ang maituturing na sexy photos ng apo para sa naturang clothesline ad.

Handa naman daw si Alden na ipakita sa lola niya ang kanyang mga litrato, kung saan naka-topless at naka-boardshorts siya.

"Dadalhin ko po sana sa kanya, isu-surprise ko po sana siya, and then, alam na po pala niya!" ang natatawang sinabi ng 19-year-old actor.

Sinabi ni Joey na ang request lamang daw ng lola ni Alden ay huwag itong magpapa-pictorial ng higit pa doon—o yung "below the belt."

"Siguro po sa isip ni Lola, siguro masyado pang maaga para magsuot ng mga... ’below-the-belt’!" ang natatawa namang sabi ni Alden.

Pero dagdag niya, "Kung kailangan naman po, tsaka in time siguro mangyayari iyon."

BREADWINNER. Samantala, si Alden ay tumutulong daw sa kanyang pamilya financially bilang siyang breadwinner.

Aniya, "Opo. Parang... malaking tulong din po itong mga nangyayari sa career ko ngayon dahil nagiging mas magaan kahit papaano yung buhay namin.

"’Tapos siyempre, thankful po ako sa Folded & Hung for giving me this chance na magka-billboard."

MORE OFFERS TO COME. Kung dahil sa sexy billboard niya ay dumami ang offers sa kanya, ano ang magiging reaksiyon ni Alden?

"Siyempre, wholeheartedly, with all humbleness, na darating sa akin yung mga ganitong... kung sakali man pong dumami, e, maraming salamat po sa Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, sa GMA Network po sa pag-aalaga nila sa akin, and then sana po more blessings to come lang po.

"And hindi ko po papabayaan kung anuman yung nasimulan ko po."

TWITTER TOPIC. Dalawang beses naging trending topic sa Twitter si Alden nitong mga nakaraang araw; una ay ang tungkol sa date promo niya with his fans at ang tungkol nga sa kanyang sexy pictorial.

Sabi ni Alden tungkol dito, "Nakakagulat po kasi parang hindi naman po ganung kadami yung followers ko sa Twitter, parang mga 39,000 lang naman po.

"And then, nakakagulat po kasi nagte-trend sa Twitter.

"At the same time, yung place po niya sa trending topics, like yung ’Date With Alden,’ nag-top two sa Philippines po.

"And then yung isa naman po, for the billboard, yung hash tag ’Sizzling Alden,’ nag-number one naman po.

"So, thankful po ako sa lahat."

Sa kabila ng umaakyat na popularidad ni Alden ay ipinapangako niya na mananatili siyang humble.

"Maipapangako ko po iyan kasi dun po... parang dun tayo nagustuhan, kung ano yung nasimulan natin.

"So, pananatilihin ko lang po," sabi niya.

THE ROAD. "Proud na proud" naman si Alden dahil ipalalabas sa U.S. at Canada ang tinampukan niyang horror film para sa GMA Films, ang The Road.

"Opo, proud na proud po ako na napasama ako sa pelikulang ito, proud po ako na nakilala siya sa ibang bansa.

"So ayan po, yung The Road po, going international na. Mag-i-start po yung showing namin sa May 11 po.

"If ever pong matuloy, first time kong makakapag-abroad," masayang wika ng binata.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Alden para sa kanyang pamilya at fans.

"Salamat sa dad ko, sa lola ko...

"Lola, natupad na yung pangarap natin, dati pinag-uusapan lang natin ito [billboard] ’pag nagluluto ka.

"Ngayon, nandun na siya sa EDSA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga fans, salamat!

"Kayo, kayo yung buhay ko, kayo yung nagbibigay inspirasyon sa akin, at kayo yung nakakatulong sa pagpapaganda ng career ko.

"So, maraming salamat po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN