Bianca Manalo gives boyfriend John Prats surprise birthday party on Valentine’s Day

Naging espesyal para kina Bianca Manalo at John Prats ang araw ng Pebrero 14, 2012. Ito kasi ang una nilang Valentine’s Day bilang magkasintahan at unang pagkakataon na nagdiwang si John ng kaarawan kasama si Bianca. Ipinaghanda raw ni Bianca ng surprise party ang nobyo na dinaluhan ng pamilya at malalapit nilang kaibigan. Natuwa naman daw ang pamilya Prats sa ginawang ito ng dalaga dahil ito raw ang unang pagkakataon na nabigyan ng surprise party si John.&


Hindi maitago ni Bianca Manalo ang kanyang kasiyahan sa pagkakapili sa kanya bilang kauna-unahang Filipina at Asean endorser ng hair salon products brand na L’Oreal Matrix.

"Sobra kong saya na napagkatiwalaan ako," saad ng dating beauty queen matapos ang kanyang contract signing sa naturang kumpanya noong Biyernes, Pebrero 17, na ginanap sa L’Oreal Academie sa Ortigas.

Dagdag pa niya, "Kasi, di ba, parang kapag nasa salon ka, typical na nakikita n’yo mga foreigners, international models?

"Ngayon lang, parang kapag dumaan ka, ’Wow, may poster ako sa salon!’ So ’yon, ang saya lang."

Patuloy na nadadagdagan ang endorsements ni Bianca. Noong nakaraang taon ay pumirma rin siya ng kontrata para maging endorser ng isang beauty brand.

Handa na ba siyang makipagsabayan sa ilang top celebrity endorsers ng bansa, ’tulad halimbawa ni Kris Aquino?

"Naku! Siyempre, iba naman po talaga kapag sila Kris Aquino na ’yan, number one talaga siya.

"Ako naman po, kung ano lang ang dumating sa akin, siyempre magpapasalamat ako kay Lord at pasasalamatan ko ’yong company na pagkakatiwalaan ako.

"Sa ngayon po, thankful lang ako."

Ano naman ang komento ng nobyo niyang si John Prats sa bago niyang endorsement?

"Siyempre, ano, very proud, masaya siya. Uhm, pa’no ko ba ’to i-explain?

"’Yon nga, e, bilang first Pinay na mag-e-endorse ng hair color [brand] sa Asean at sa Philippines, siyempre nakaka-proud naman talaga.

"Kung ako nga proud sa sarili ko, e, yung family ko pa kaya saka ’yong mga taong malapit sa ’kin?"

JOHN’S BIRTHDAY AND VALENTINE’S DAY. Noong Martes, Pebrero 14, ay ipinagdiwang ni John Prats ang kanyang ika-28 na kaarawan.

Ano ba ang iniregalo ni Bianca sa kanyang kasintahan?

"Sinelebreyt lang namin, nag-throw ako ng surprise party for him na hindi niya alam, siyempre hindi niya alam... na ’yong family niya nagulat.

"And siyempre, thankful rin sila sa ’kin kasi first time daw na magkaroon ng surprise party si John ng gano’n, na usually kasi typical naman mga surprises sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito talaga ’yong birthday party na wala talaga siyang idea na kumpleto lahat—buong pamilya niya, mga taong malapit sa puso niya, mga katrabaho niya, nandoon lahat."

Sa bahay lang daw ng mga Prats idinaos ang naturang party.

Ayon kay Bianca, "Actually, kasi wala akong maisip na idea na, ’Paano ko dadalhin ito sa isang place na hindi niya mahahalata?’

"Kasi ’yong sa ’kin, ’yong birthday ko, niloko nila ako ng kapatid niya, e, na meron daw kaming pupuntahan lang na hindi ko alam na nandoon pala ’yong surprise.

"So, ’eto, baka mamaya ’pag ginawa ko rin ’yon, na kasabwat ko ’yong kapatid, isipin niya na, ’Ay, may pinaplano ka.’

"So, ginawa ko sa bahay na lang para kunwari wala lang.

"So, nagulat siya na nandodoon lahat. ’Yon lang, masaya siya.

"’Tapos noong mismong Valentine’s Day, siyempre nung magtu-twelve na, dahil ’yon lang naman ’yong aabangan mo, e, dahil birthday din nung tao.

"Ako kasi, hate ko ’yong double celebration within a day.

"Kasi may friend ako na birthday niya Christmas, so parang nakakalungkot na ’Happy Birthday, Merry Christmas.’

"So, ang ginawa ko with John, sinepareyt ko ’yong birthday niya, sinepareyt ko rin ’yong Valentines para naman ma-feel niya.

"So, no’ng birthday niya, surprise party.

"’Tapos no’ng Valentines, noong malapit nang mag-twelve, kasabwat ko ’yong buong family niya, nagpatugtog muna ako, ’tapos sabi ko sa kanya, ’Tingin ka sa taas.’

"’Tapos, nagpalipad ako ng mga wishing lanterns.

"’Yon, naiyak-iyak siya dahil na-touch siya and happy naman ako kasi na-appreciate niya ’yon.

"And sabi niya sa ’kin, totoo daw talaga na hindi importante ’yong materyal na bagay, ang importante ’yong mga moments. ’Yon naman ’yon."

Hindi rin naman nakalimot na magbigay ng regalo si John para kay Bianca noong Valentine’s.

Isa umanong simpleng date sa Antonio’s Grill sa Tagaytay ang naging regalo sa kanya ng nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Bianca, "Favorite ko kasi do’n is ’yong dinuguan. Kasi mababaw lang naman ako, e.

"Minsan lang ako mag-pork, at ’pag nag-pork ako, kailangan ’yon lang—dinuguan lang.

"So, ’yon, alam niya ’yon.

"Ako kasi, sobrang babaw lang na small things lang naa-appreciate ko, hindi ko kailangan ng mahal na bag, hindi ko kailangan no’n.

"’Yon lang, ’yong alam lang yung mga hilig ko, gano’n, ’yon lang."

SETTLING DOWN WITH JOHN? Tinanong din ng mga reporter si Bianca kung totoo ang bali-balitang binabalak na nilang magpakasal ni John.

Agad naman itong itinanggi ng beauty queen-turned-actress-TV host, "Ay, alam mo, wala talagang katotohanan iyan. Nagulat din ako kung saan nanggaling ’yan.

"Matagal pa po [ang kasal]. Bata pa po ako and marami pa po akong gustong gawin.

"Kaming dalawa po... Actually, kaming dalawa, marami pang opportunities, hindi pa nagsasara ang lahat, so matagal pa.

"Nandidiyan lang po ’yan, madali lang po ang kasal."


NEW PROJECTS. Isang teleserye naman daw ang nakatakdang gawin ni Bianca sa Kapamilya network sa Marso, subalit ayaw pang magbigay ng detalye ng dating bida ng Juanita Banana tungkol dito.

"Kasi, di ba po, madalas sasabihin meron kang gagawin, ’tapos hindi naman eere?

"So, maganda naman iyong ’pag sure na sure na, ia-announce ko po talaga sa lahat ’yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN