Carla Humphries still optimistic Annabelle Rama-Nadia Montenegro conflict will be settled

Carla Humphries on Annabelle Rama-Nadia Montenegro conflict: "Mahal ko si Tita, may pinagsamahan din kami ng mga anak ni Tita Nadia, so I love them both. Hindi naman ako makikialam sa kanila. Ang maitutulong ko lang, ipagdasal ko na sana matapos na, kasi lumaki na siya nang lumaki, saka mga bata yung pinag-uusapan dito. It’s


Isa si Carla Humphries sa mga artistang nasa ilalim ng pangangalaga ni Annabele Rama.

Sa mga kontrobersiya at kasong kinahaharap ngayon ni Annabelle, hindi maiwasang madamay kahit papaano ang mga alaga nito, ’tulad nga ni Carla.

Sa launching ng mga bagong bubuksang shows ng TV5 noong February 15, hiningan namin ng reaksiyon si Carla tungkol sa legal battle sa pagitan ni Annabelle at ni Nadia Montenegro.

Ayon kay Carla, "Mahal ko si Tita, may pinagsamahan din kami ng mga anak ni Tita Nadia—so I love them both.

"Hindi naman ako makikialam sa kanila. Ang maitutulong ko lang, ipagdasal ko na sana matapos na, kasi lumaki na siya nang lumaki. Saka mga bata yung pinag-uusapan dito.

"It’s also misunderstanding, kasi magkaibigan naman talaga sila Tita Annabelle and Tita Nadia—and I know they’re both hurting also.

"Wala namang away na hindi kayo naaapektuhan pareho."

May akusasyon si Nadia at ang anak nitong si Ynna Asistio, isa rin sa mga alaga ni Annabelle, na nakaranas daw ng "verbal at mental abuse" si Ynna at ang mga kapatid nitong menor de edad mula sa talent manager.

Tinanong ng PEP si Carla kung nakaranas din siya ng ganitong problema sa manager niya?

"Well, I don’t know," sambit ng young actress.

"Ako, mahal ko si Ynna, so I hope malagpasan niya what’s happening.

"But si Tita [Annabelle] kasi, alam naman ng lahat na very frank, palaban, saka Bisaya siya, so minsan mukha siyang galit, pero hindi siya galit.

"Kung dadamdamin mo yun, I get it and I understand it, pero kailangan mo lang masanay kung hindi mo kilala ang ugali ni Tita."

Iwas namang magbigay ng pahayag si Carla nang mapag-usapan ang tungkol sa "bugaw" issue, na lumutang din sa away nina Annabelle at Nadia.

"Ay naku, with legal matters like that, hindi ako puwedeng mag-comment," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa mga huling kaganapan, mukhang malabo pang magkaayos sina Annabelle at Nadia dahil nananatili silang matigas. Pero nandun ang hiling ni Carla na sana ay maayos pa rin ang lahat.

"Alam mo, nagugulat ako sa mga pangyayari na umaabot na sa ganun.

"Pero sana maayos, kasi nakakalungkot na napakaliit ng industriya natin, saka yun nga, magkaibigan sila dati, ’tapos ang dami nang nabubuksan na mga issues na hindi na dapat.

"Pangit na issue ’yan, e, sana maayos na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN