Rocco Nacino on playing Lam-Ang: "Nakaka-pressure, pero nakaka-excite din."

Rocco Nacino on keeping his relationship private: "Para sa akin naman po, e, kapag nasa isang relationship ka, you don’t always have to be all-out naman, e. Just keep it private, yun ang something special na sa amin na lang muna."


Nag-sink in na raw kay Rocco Nacino na siya ang gaganap na Lam-Ang sa epic movie na gagawin at ipu-produce ni Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano at ididirek ni Ana Agabin.

Nang dumalo si Rocco sa story conference ng naturang proyekto noong Sabado, February 18, doon lang daw niya naramdaman na kanya na nga ito.

Kaya lalo raw nagkaroon ng pressure sa kanya dahi malaking challenge daw ito sa kanya bilang aktor.

Saad ng young actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "It means so much to me na nakapasa ako sa audition.

"Hindi ko po ini-expect na na-impress ko po ang director namin.

"Ngayon, mas dedicated ako na ipakita sa kanya kung bakit ako ang napili

"Totoong mas nakaka-pressure.

"Iyon nga ang sinasabi ko na dati na nakaka-pressure, pero nakaka-excite din.

"Pero ngayon, mas nakakadagdag ng pressure talaga."

Natanggap na raw ni Rocco ang script at sisimulan na raw niyang basahin ito, pero nagsimula na raw siyang mag-research kung sino si Lam-Ang na nakilala sa Ilocano epic na ito.

Ang buong akala ni Rocco, si Isabelle Daza ang makakatambal niya rito, pero hindi na raw ito matutuloy.

Wala pang napili ang produksiyon kung sino ang makakapareha niya rito, na malamang magpapa-audition na naman sila uli.

May nag-suggest na bakit hindi na raw ang "special friend" niyang si Sheena Halili ang kuning makakapareha nito dahil matagal na rin itong nauugnay sa kanya.

"Why not? Para magkasama na kami sa Ilocos," mabilis namang sagot ni Rocco, na parang tuwang-tuwa.

UNOFFICIALLY YOURS. Pero hanggang ngayon ay consistent pa rin sa pagsagot si Rocco na hindi pa rin daw sila official na magkasintahan ni Sheena.

Totoong may mutual understanding at masaya na raw sila sa ganung relasyon.

Mahigit isang taon na rin daw ang kanilang friendship at umaasa siyang maganda ang kalalabasan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi pa po talaga, e. Wala pa kami sa posisyon para mag-confirm.

"Lalo na ngayon busy na naman kami. Nagka-clash ang schedule namin, kaya it’s hard to go to another level ng aming relasyon.

"Basta steady lang kami. We’re taking things slow pa rin.

"Masasabi ko, steady kami, pero she’s one of my biggest inspirations, kaya motivated ako magtrabaho," seryosong sabi ng StarStruck alumnus.

Malaking bagay raw ang pagiging malapit nila sa Diyos kaya sila nagkakasundo.

"Malaking tulong kasi na sabay kami nagtse-church.

"Dahil dun kasi, may magandang outlook kami sa buhay, and may purpose kami sa buhay, at laging open ang communication namin," pahayag nito.

Pero ayaw namang sabihin ni Rocco kung ano ang tinutukoy niyang purpose nila sa buhay.

Sabi lang niya, "It’s a great thing na ganun nga, kaya everything is doing well, walang negative.

"Walang may naninira sa amin, walang may naninira rin sa kanya.

"So, masaya kami, masaya kaming dalawa."

Sa nakikita raw ni Rocco kay Sheena, masasabing ito na nga ang babaeng makakasama niya habambuhay, pero masyadong maaga pa raw para mapag-usapan ito.

"Ang ugali kasi ni Sheena, nakakatuwa na kahit na sinong lalaki ang itanong n’yo po, makikita nila na pangmatagalan talaga siya," sabi ni Rocco.

Sumang-ayon din si Rocco sa tanong ng PEP na kung sakaling sila na nga ni Sheena, maaring sa kanila na lang iyon at hindi na niya kailangang aminin ito sa publiko.

"Para sa akin naman po, e, kapag nasa isang relationship ka, you don’t always have to be all-out naman, e.

"Just keep it private, yun ang something special na sa amin na lang muna," makahulugan nitong sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN