Bing Loyzaga on exclusive contract with TV5: "Feeling ko, may asim pa rin ako!"

Bing Loyzaga says she was suprised at the offer of TV5: "Nagulat nga ako nang alukin nila ako ng kontrata. Akala ko joke. Ako, ikokontrata? Bata tayo? Eighteen years old ako? Yun pala, eh serious sila. They want me to be part of their many projects for the next three years. E, sino naman ako para tumanggi sa kontrata na ’yan? Pipirma na lang ako, di ba? Kaya natuwa naman ako at nabigyan ako ng importansiya ng TV5."


Exclusive ang kontrata ni Bing Loyzaga sa TV5 kaya for the next three years ay sa Kapatid Network lang siya mapapanood.

Masaya nga si Bing dahil hindi niya inaasahan na puwede pa palang ikontrata ang tulad niya, kaya feeling bagets daw siya ngayon.

"Feeling ko, may asim pa rin ako!" tawa ni Bing nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng mga bagong shows ng TV5 sa NBC Tent at The Fort sa Bonifacio Global City, Taguig.

"Mga bata kasi ang bini-buildup kaya kaming mga senior stars, kung tawagin ay kinukuha na lang nila kapag available.

"Di ba, mga bagets lang ang kinokontrata ng mga TV networks?

"Nagulat nga ako nang alukin nila ako ng kontrata. Akala ko, joke. Ako ikokontrata? Bata tayo? Eighteen years old ako?

"Yun pala, e, serious sila [TV5]. They want me to be part of their many projects for the next three years.

"E, sino naman ako para tumanggi sa kontrata na ’yan? Pipirma na lang ako, di ba?

"Kaya natuwa naman ako at nabigyan ako ng importansiya ng TV5.

"Sa totoo lang, kaya nga ang mga kaedad ko, e, palipat-lipat ng istasyon kasi nga, kung sino ang magbibigay ng trabaho, doon tayo.

"Ngayon, magsasawa sila sa akin sa TV5!" tawa niya.

Dahil nga sa exclusive contract niya sa TV5, hindi siya puwedeng lumabas muna sa Kapuso o Kapamilya network.

"But of course, I miss working with both GMA-7 and ABS-CBN. They have been good to me.

"They gave good projects na sobrang nakatulong sa akin at sa pamilya ko.

"With ABS-CBN, the last series I did were Agua Bendita, Rubi, and Tonyong Bayawak.

"Sa GMA-7 naman, it was Paano Ba Ang Mangarap? and Marimar.

"The people in both networks are very good to me at napagbibigyan nila ako, especially kapag pamilya ko na ang kailangan kong unahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will miss working with the people in both networks.

"But I will work with them soon. Mabilis lang naman ang tatlong taon," saad ni Bing.

FELINA. Nagsimula si Bing sa TV5 via Babaeng Hampaslupa. Ngayon ay kasama siya sa bagong afternoon drama series ng Kapatid network—ang Felina, Prinsesa ng mga Pusa, kung saan bida si Arci Muñoz.

"At siyempre, kontrabida na naman ako dito, di ba? May nabago ba?" natatawang sabi ni Bing.

"Magulat kayo kung ako ang gaganap na Felina. Ultimate ’yon! Wala nang kakabog pa sa akin!

"Anyway, dito nga sa Felina, isa ako sa mang-aapi kay Arci. Dahil nga isa siyang kakaibang nilalang, iba rin ang pakikitungo ko sa kanya.

"Magaling itong si Arci. She can act even with all those makeup and prosthetics.

"Makikita mo ang husay niya through her big round eyes.

"Ako naman, super supportive ako sa mga baguhan. Ilang mga bagets na ang nakasama ko and they really impress me.

"Dumaan din ako sa edad nila, pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon tulad ng natatanggap nila.

"Iba na talaga ngayon and ang sisipag ng mga batang ito. Parang hindi napapagod.

"Kami ang napapagod, kaya nagpapasalamat ako na may cut-off time ako.

"I can work until 2:00 a.m. Pero kung kaya ko pa ng one hour, pinagbibigyan ko sila.

"Pero as much as possible, tinatapos na nila ako before my cut-off time.

"Hindi na tayo kasing lakas noon. Alam naman nila na may health problem din ako kaya napagbibigyan nila ako.

"Masakit man aminin, pero mashonda [matanda] na tayo! Mas kailangan natin ng pahinga.

"Pero dahil ito ang career natin, at may pinag-aaral pa na isang anak, trabaho pa rin tayo pero may kasama nang ingat."

JANNO GIBBS. Nang tanungin naman ng PEP si Bing tungkol sa kanyang mister na si Janno Gibbs, sinabi niyang okey naman ito dahil maayos na ulit ang career ng singer-comedian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, dalawa ang shows na ginagawa ni Janno ngayon sa GMA-7—Party Pilipinas at Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

Inamin ni Bing na dumaan sa medyo hindi magandang phase ng kanyang buhay si Janno. Kaya naman masaya siya dahil muling nag-e-enjoy ang kanyang mister sa trabaho nito.

Bilib nga raw si Bing kay Perry Lansigan, ang bagong manager ni Janno, dahil natututukan daw nito ang kanyang asawa.

"Yun lang naman ang nagiging worry ko. Baka bigla silang bumigay, e, maloloka na naman ako, di ba?" tawa niya.

"Pero sa nakikita ko, tutok sila kay Janno at maganda na ang tinutungo ng career niya.

"He has two shows now at maganda ’yang ginagawa niya."

Dagdag niya, "Dapat lang naman na magsipag siya at may isa pa kaming anak na nag-aaral.

"At ayoko ring masayang ang mga pinaghirapan ni Janno for the past years.

"Huwag niyang sayangin ang talent niya. Kahit na ganyan si Janno, he is so talented kaya do not waste it."

ALYSSA, THE DESIGNER. Naikuwento rin ni Bing sa PEP na nagtatrabaho na ang panganay nila ni Janno na si Alyssa Gibbs sa Folded & Hung bilang resident designer.

Nagmana raw sa kanya si Alyssa na mahilig sa pagde-design. Kung hindi nga raw artista si Bing, baka isa na siyang interior designer ngayon.

Sabi ni Bing, "Pero ito ang naging calling natin, e—yung maging artista tayo.

"Pero iniisip ko rin kung ano nga kaya kung naging interior designer ako? Maiba kaya ang buhay ko? Would I still find my way sa business na ito?

"But no regrets naman. Minana naman ng panganay namin kaya parang nabuhay din yung pinangarap kong trabaho noon."

THE ARRANGEMENT. Tungkol naman sa pagsasama nila ni Janno, inamin ni Bing na may pinag-usapan na silang arrangement.

Okey sila bilang magulang ng kanilang daalwang anak. Tuwing may special occasions ang mga pamilya nila, nandoon sila para sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re okay naman. Friends naman kami, e!" tawa pa niya.

"I can say na kapag kailangan namin ang isa’t isa, we are there.

"Kapag kailangan kami ng mga anak namin, nandoon kami pareho.

"’Tulad na lang last Valentine’s Day, magkasama kami with our daughters.

"Sa bahay lang kami at nagsiksikan kaming apat sa iisang kama kasi nanood kami ng movie on DVD.

"Hindi na kami lumabas, kasi nga, puno ang mga restaurants at mga sinehan. Kaya we decided na sa bahay na lang.

"At least, tahimik at nakakapagkuwentuhan pa kaming lahat.

"Noong nagdaan namang Christmas and New Year, we were in Australia at sumunod si Janno.

"Nagkaroon kami ng family reunion doon and humabol si Janno.

"So, gano’n ang arrangement namin sa isa’t isa.

"When it comes to family, we are there pareho.

"At kapag kailangan ng mga major decisions in the family, nag-uusap kaming dalawa ni Janno."

Sa palagay ba ni Bing ay tumino na si Janno?

"Tumino saan?" mabilis na tawa ni Bing.

"Siya ang tanungin n’yo diyan at huwag ako. Dedepende na lang ang sagot ko sa isasagot niya sa inyo.

"Kapag kami-kami naman, siyempre behave siya.

"Pero in fairness, nakikibalita naman ako sa mga nakakasama niya at nakakatrabaho niya, Janno is doing okay.

"Okey sa trabaho at hindi na raw nale-late. He’s very professional now.

"Good for him at wish ko nga, tuluy-tuloy na ’yan.

"Isa ako sa mga talagang gustong gumanda ulit ang career niya," pahayag ni Bing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN