Yul Servo proud of being able to mix politics, acting, and family

Yul Servo says on politics-family mix: "Bilang provider sa pamilya ko, hindi tayo pumapalya. Kung sa ibang tao nga ay napupunuan natin, hindi puwedeng mabalewala mo ang sarili mong family. Kung oras at oras din lang, may nakalaan para sa kanila. Kapag oras na for my kids, sa kanila ang concentration ko."


Kahit busy si Yul Servo bilang konsehal sa ikatlong distrito ng Maynila, gusto pa rin niyang bigyan ng panahon ang unang mahal niya—ang pag-arte.

Kaya kapag may offer sa kanya na umarte sa TV at pelikula, hindi niya ito matanggihan.

Ayon kay Yul, "Hindi natin talaga matalikuran, e.

"Dito tayo unang nakilala kaya malaki ang naitulong ng showbiz sa pagiging public servant ko ngayon.

"Yung mga tao nga sa third district [ng Manila], kapag nag-iikot ako, laging tinatanong kung ano ang next TV show ko. Gusto raw nila ay napapanood ako sa TV.

"Kaya heto, balik tayo sa pag-arte, pero binabalanse naman natin.

"Kapag oras na para sa trabaho ko bilang konsehal, doon tayo tututok."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yul sa taping ng Biritera noong isang linggo.

Sa Biritera ay ginagampanan niya ang papel ng lover ni Rich Asuncion, at isa sa may masamang hangarin sa child star at bida ng teleserye na si Roseanne Magan.

Bukod sa kanyang TV assignment ay may tinatapos ding indie film si Yul. Huli siyang napanood sa big screen sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story noong 2011.

Pero hindi naman daw sagabal ang kanyang showbiz career sa kanyang tungkulin bilang konsehal sa Manila.

Ayon kay Yul, "May sinusunod naman akong schedule, e, kaya hindi mahirap para sa akin ang mag-taping at ang maging public servant.

"Kapag may session kami, mas uunahin ko ’yon.

"Magsasabi lang ako at pinapayagan naman nila ako. Ina-adjust na lang ang lahat.

"Isang bagay kasi na ayaw kong sabihin nila ay unprofessional ako sa trabaho.

"Kaya hangga’t maaari, maayos ang lahat. Nagagampanan ko nang maayos ang trabaho ko sa taping at sa Maynila."

GUNNING FOR THIRD TERM. Susubukan daw ulit ni Yul ang kanyang suwerte sa 2013 local elections at tatakbo siyang muli bilang konsehal ng 3rd district ng Manila. Kung papalarin, ito na ang kanyang magiging ikatlong termino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Yul, "Kailangan ay prepared na tayo. Malaking responsibilidad kasi.

"Hindi puwedeng iasa mo na lang ang suporta ng ilang tao sa iyo.

"Kailangan ay nakikita nila na may nagawa tayong maganda at marami tayong natulungan.

"So far, marami na tayong naging proyekto.

"Ilang beses na akong nagpa-medical mission at feeding program sa distrito namin; which is Quiapo, Binondo, at Sta. Cruz.

"Nakailang beses na rin tayong ng fundraising projects para sa kabataan doon.

"Mostly, galing sa sarili kong bulsa ang mga naitutulong natin sa kanila.

"Meron tayong mga pinag-aaral na mga out-of-school youths para hindi sila malulong sa mga masasamang bisyo.

"Binibigyan natin sila ng mga projects na pagkakakitaan din nila sa maayos na paraan."

FAMILY MAN. May sariling pamilya na si Yul. Apat ang kanyang mga anak kaya lumalaki na rin ang gastusin niya.

"Bilang provider sa pamilya ko, hindi tayo pumapalya.

"Kung sa ibang tao nga ay napupunuan natin, hindi puwedeng mabalewala mo ang sarili mong family.

"Kung oras at oras din lang, may nakalaan para sa kanila.

"Kapag oras na for my kids, sa kanila ang concentration ko.

"Tungkol naman sa gastos, hindi naman mawawala ’yan. Pinagkakasya natin ang lahat.

"Kaya nga hindi natin basta na lang matalikuran ang showbiz.

"Kapag may trabaho sa TV or pelikula, gagawin natin ’yan, basta kaya.

"Hindi naman tayo basta humihindi," sabi ni Yul.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN