Marian Rivera mum about Direk Mac Alejandre’s "secret reason" for leaving GMA-7

Marian Rivera on Direk Mac Alejandre’s transfer to TV5: "Of course, oo naman, nalungkot ako. Pero hindi ko siya ikinagulat kasi bago pa man siya lumipat, kinausap na niya ako at isa ako sa mga taong... kaya sobrang happy ako at ganun na lang din yung pagpapahalaga ko sa kanya, kasi isa ako sa mga taong sinabihan niya na lilipat siya."


May lihim na dahilan daw si Direk Mac Alejandre sa paglipat niya sa TV5 at si Marian Rivera lang ang nakakaalam kung ano ito.

Pero ayon sa Primetime Queen ng GMA-7, sa kanila na lang iyon ng direktor.

Ang huling proyekto ni Direk Mac sa GMA-7, bago siya lumipat sa TV5, ay ang epic-serye ni Marian na Amaya.

Ikinalulungkot ni Marian ang paglipat ni Direk Mac sa TV5, pero hindi raw siya nagulat.

"Of course, oo naman, nalungkot ako.

"Pero hindi ko siya ikinagulat kasi bago pa man siya lumipat, kinausap na niya ako at isa ako sa mga taong...

"Kaya sobrang happy ako, at ganun na lang din yung pagpapahalaga ko sa kanya, kasi isa ako sa mga taong sinabihan niya na lilipat siya," pahayag ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Paano kung siya naman ang alukin ng TV5 ng kontratang mahirap tanggihan?

"Ang haba pa ng contract ko dito sa GMA! Magkakaanak na ako’t lahat-lahat, nandito pa rin ako!" natatawang sagot ni Marian.

Hindi ba niya sinubukang pigilan si Direk Mac?

"Yung mga pagkakataong nag-uusap kaming dalawa, oo.

"Kasi sobrang love ko yung direktor na ’yan at masasabi ko na isa siya sa mga direktor na minahal ako bilang ako.

"At nakita ko sa kanya na sobrang laki ng tiwala niya, na kapag may mga binibigay siyang eksena na, ’O, Yan, dito ka, ito ang gagawin mo.’

"’Tapos, bahala na ako sa sarili ko. Ganun kalaki yung tiwala niya sa akin, na hindi na niya kailangang sabihin lahat sa akin.

"So, doon ako natutuwa sa mga ganung direktor na malaki ang tiwala sa artista nila."

Bukod sa Amaya, maraming beses na silang nagkatrabaho ni Direk Mac sa TV (Marimar at Endless Love) at pelikula (One True Love at Ang Panday 2).

"Ang dami na, ang dami na!" bulalas ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw niya itinodo ang pagpipigil kay Direk Mac dahil alam niyang magiging masaya naman ito sa pupuntahang TV network.

"Alam ko naman na kung nasaan si Direk ngayon, sobrang happy niya.

"Kasi ’pag tine-text ko yun, ’Direk, kumusta?’

"’I’m happy, anak!’

"’Okay, that’s good!’ sabi kong ganun.

"Tapos sasabihin niya, ’How about you?’

"Sasabihin ko ’Well, happy kasi meron akong My Beloved, bonus, with Dong [Dingdong Dantes, her boyfriend]!’

"O, di ba? Okay naman, masaya naman."

Incidentally, mamayang gabi na, February 20, ang pilot episode ng Nandito Ako, ang unang proyekto ni Direc Mac sa TV5 na pinagbibidahan ng American Idol heartthrob na si David Archuleta.

Makakatapat nito ang timeslot ng My Beloved nina Marian at Dingdong sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN