Rhian Ramos returns to work after controversy; "kisses" Aljur Abrenica on Valentine’s Day

Rhian Ramos on why she was with Aljur Abrenica last Valentine’s Day: "Kasi ’yong shooting namin, February 13, na-extend hanggang February 14. Oo. So, no’ng hatinggabi, ’sakto, kissing scene pa namin no’n."


Matapos ang matitinding kontrobersiya tungkol sa kanilang dalawa ng ex-boyfriend niyang si Mo Twister, parang okay na ulit si Rhian Ramos sa paglabas niya sa Party Pilipinas kahapon, Pebrero 19.

Masigla siyang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at mga TV crew ng GMA-7 para sa isang panayam sa lobby ng Kapuso network.

"I’m happy to be here," nakangiting bungad ng Kapuso actress.

"Siyempre, na-miss kong mag-perform on TV, lalo na kapag live, nakikita mo ’yong mga mukha ng audience.

"Kasi nakikita ko ’yong fans ko, nando’n sila.

"Mero’n pa silang banner ko. So, nata-touch ako kapag gano’n, e."

GOING INTERNATIONAL? Tuluy-tuloy na uli siyang mapapanood ng mga tagahanga niya?

"Yes, I think so. Uhm... kasi ngayon, I came back to tell everyone na... about the good news," balita niya.

Nag-perform si Rhian sa Party Pilipinas kahapon kasama ang co-stars niya sa pelikulang The Road, ang horror-suspense movie ng GMA Films na ipinalabas noong 2011.

Magkakaroon kasi ng international screening ang pelikulang ito ni Yam Laranas simula sa May 11.

Sabi pa ni Rhian, "Isa na nga ’yong The Road is... international film na.

"Ipapalabas ito sa U.S. at sa Canada. Mero’n kaming red-carpet premiere doon.

"I think ang pupunta... ako, si TJ [Trinidad], si Alden [Richards], si Louise [delos Reyes], at siyempre si Direk [Yam]."

MY KONTRABIDA GIRL. Bukod pa rito ay may ipapalabas siyang pelikula katambal si Aljur Abrenica.

"And also, ’yong movie namin ni Aljur [Abrenica] na My Kontrabida Girl, natapos na naming i-shoot. At malapit na itong ipalabas.

"Sa lalong madaling panahon, ipapalabas na ang My Kontrabida Girl sa March.

"So, ayun... kakaibang pelikula siya.

"At saka na-enjoy ko ’yong company at saka ’yong working experience ko with Aljur."

Pagkatapos nito ay inilarawan ni Rhian ang kanyang role sa pelikula.

"’Yong character ko rito, artista na kontrabida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na isang araw, may masyadong magandang mangyayari sa kanya kaya mawawala sa kanya ’yong pagiging... malupit niya.

"Hindi na siya makasampal ng tao. Hindi na niya kayang manakit o manigaw.

"Kaya kailangan niya ulit ’yon na hanapin.

"Pero instead, ang mahahanap niya... si Aljur.

"E, hindi naman siya... Paano ka magagalit kay Aljur, di ba? Iyon ang problem.

"Hindi ko kaya na magalit kay Aljur!" sabay tawa ni Rhian.

Dagdag pa ng young actress, "First time namin ito ni Aljur na magsama sa movie. At kakaibang experience siya.

"Before kasi, nagkasama na kami sa Ilumina na TV series. Pero that was a year ago.

"And ang laki na rin ng ipinagbago naming dalawa ngayon, e. Para ngang ano... parang first time nga ulit, e.

"Kasi, I think we both grew so much in the past year. Malaki ang nagbago sa aming dalawa.

"So, ayun, parang first time na naman namin ulit magtrabaho together."

VALENTINE’S DAY WITH ALJUR. Totoo bang sila ang magkasama ni Aljur noong nakaraang Valentine’s Day?

"A, hindi... wala akong kasama nitong Valentine’s Day," nangiting sabi ni Rhian.

"Which I’m sure mapi-predict n’yo! I’m sure na alam n’yo na ’yon!" halakhak niya.

Dagdag ni Rhian, "Ang mahalaga naman, back to work na ako. Yes!"

Pero biglang may naalala si Rhian kaya binawi niya ang kanyang unang pahayag.

"Ay, alam n’yo, magkasama pala kami ni Aljur nitong Valentine’s Day!

"Kasi ’yong shooting namin, February 13, na-extend hanggang February 14. Oo.

"So, no’ng hatinggabi, ’sakto, kissing scene pa namin no’n!" natawang sabi ni Rhian.

"Pagkatapos ng eksena, sabi niya sa akin, ’Happy Valentine’s, ha!’

"So, ’yon, magkasama pala kami."

Wala bang ibinigay na Valentine gift sa kanya si Aljur?

"Ay, wala! Ang ibinigay niya sa akin ay ’yong experience na makatrabaho siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yong honor of working with him," nangingiting sabi ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN