Solenn Heussaff doesn’t mind kontrabida roles; gears up for Boy Pick-Up The Movie

Solenn Heussaff on doing kontrabida roles: "Ako I don’t really care anong role [ko]. Kasi parang it’s always a challenge. Hindi ako turned off sa mga roles ko, I really enjoy experimenting din, [I] imagine na gano’n ako sa totoong buhay so I can be on the skin of someone else."


Masaya si Solenn Heussaff sa nagiging takbo ng kanyang career sa kasalukuyan.

Tatlo ba naman ang proyektong pinagkakaabalahan niya sa ngayon— Legacy, Fashbook, at Boy Pick Up The Movie.

"Okay naman. I had mga three shooting days na," sagot ni Solenn nang kamustahin namin ang taping niya sa GMA-7 primetime soap opera na Legacy.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn noong Sabado, Pebrero 18, sa BlackBerry event sa TriNoma Mall, sa Quezon City.

"Nandiyan din naman sina Lovi [Poe], Heart [Evangelista], parang Temptation Island lang.

"I get to work with Sid Lucero who is a good actor that I look up to.

"So, nagkaeksena na kami, I get to learn from him, very natural siya."

KONTRABIDA ROLES. Isa si Solenn sa mga baguhang artista na nalilinya sa mga "bitchy" o karakter na kinaiinisan ng mga manonood.

Gayunman, unang beses niyang gaganap na kontrabida dito sa Legacy.

"Ako, I don’t really care anong role [ko]," pahayag ng 26-year-old actress.

"Kasi, parang it’s always a challenge.

"Hindi ako turned off sa mga roles ko, I really enjoy experimenting din, [I] imagine na gano’n ako sa totoong buhay so I can be on the skin of someone else."

Gayundin, masaya si Solenn na nagagamit niya ang kanyang mga natutunan mula sa mga beteranong artistang nakasama niya sa Yesterday Today Tomorrow.

Nakasama ni Solenn sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na ito sina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, at Agot Isidro.

Kuwento ni Solenn, "Siyempre naman you always have to ready the script, ’yong tipong what type person your character shows.

"Like if I see na medyo mayaman ang character ko, medyo bitchy, I watch movies na medyo bitchy ’yong mga girls, gano’n.

"You just have to study the character, hindi ’yong basta-basta, you have to study the character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So far, ’yong mga roles ko, medyo pareho lang, pareho mga roles.

"Pero I think mas challenging ’yong character ko sa Boy Pick-Up movie kasi fully Tagalog [’yong script]."

BOY PICK UP. Tulad ng nabanggit ni Solenn, kasama rin siya sa cast ng Boy Pick-Up na pagbibidahan ni Ogie Alcasid.

Isang panibagong karanasan ito para kay Solenn dahil bukod sa comedy ang tema nito’y purong-Tagalog ang mga linya niya.

Kaya naman puspusan ang ginagawa niyang paghahanda para sa nasabing pelikula.

Aniya, "I read it ahead of time, ’yong script nasa akin na for two weeks.

"So, every night, I practice na the lines. I try to delivery it differently to see ano mas bagay sa role ko do’n, ganyan.

"Kada may free day ako, may Filipino tutor ako. Pero kung hindi, sa set lang ako nag-aaral or nag-practice.

"So, ’yon lang kasama ko si Ogie, super happy ako kasi idol ko siya and magaling siya sa comedy.

"So, excited na ako para sa shoot ng Boy Pick-Up."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN