Cesar Montano reveals "ongoing negotiation" for return to ABS-CBN

Cesar Montano on why they cannot start shooting Getting to America yet: "Ngayon ko lang sasabihin ito, ngayon naka-float ang Getting to America. Kasi si Donald Martin, I just talked to him. He really wants to cast Coco Martin sa movie. We’re waiting for Coco Martin’s availability."


Madalas ngayong napapanood sa mga programa ng ABS-CBN si Cesar Montano.

Nag-guest siya sa The Buzz noong Linggo, Pebrero 19.

Simula naman kahapon, Pebrero 20, ay napapanood siya bilang hurado sa It’s Showtime.

Kinagabihan ay nag-guest siya sa "Ikaw Na" segment ng Bandila.

Dahil dito, ang espekulasyon tuloy ng iba ay baka magbabalik-Kapamilya na raw si Cesar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa special screening ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Hitman, na ginanap kahapon, Pebrero 20, sa My Cinema sa Greenbelt 3 Makati.

Kaagad ngang tinanong ng PEP si Cesar tungkol sa pagge-guest niya sa Kapamilya shows.

Paliwanag niya, "Kasi nga, ito yung last leg ng promotion namin for Hitman, so you will be seeing me a lot there sa ABS, lalo na sa Showtime until Saturday.

"Thank you sa ABS-CBN for the support."


COMEBACKING KAPAMILYA? Pero puwede kayang senyales na rin ito ng pagbabalik niya sa Kapamilya network?

"I’d like to think so, pero ngayon, to be quite honest, ano pa ako ngayon... freelancer. We’re still open for any negotiations," sabi niya.

May ongoing negotiation ba siya sa ABS-CBN?

"We had, oo. Actually, may offer sila sa amin nina Shirley [Pizarro, Cesar’s publicist] at Boss Vic [del Rosario, Cesar’s acting manager].

"Ongoing naman yung negotiation namin, nasa process kami ngayon. But there is still no certainty yet. Wala pa."

ENJOYING HIS GUEST APPEARANCES ON ABS-CBN. Kumusta naman ang muli niyang pagtapak sa bakuran ng Dos?

"Well, na-miss ko, sobrang miss. When I entered nga yung dressing room ng The Buzz, it brought back memories.

"Sabi ko, ’Nakaka-miss naman. ’Eto yung dressing room ko dati sa Bida Si Mister, Bida Si Misis [with Maricel Soriano].’

"Nung nag-Showtime ako, na-miss ko yung Kapamilya audience. I really enjoyed it, pati yung sample.

"Ang babait ng mga host sa akin. And siyempre, nandun si Jhong Hilario na nakasama ko sa Muro-Ami dati. So, nakakatuwa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Merong botohan ng mga hurado sa It’s Showtime. Paano kung after one week ay hindi siya maburado bilang hurado, itutuloy pa ba niya ito?

"Siguro kung hindi ako mabu-vote out o mabuburado, I have to volunteer to resign or quit voluntarily kasi I have to start on another film.

"I have to start working on the script. And marami akong gagawin, e. I have to focus on films," saad niya.

Bagamat napapanood si Cesar sa ABS-CBN ngayon, nilinaw naman niya na open din siya for negotiations sa GMA-7 at TV5.

Ang huling regular TV show ni Cesar ay sitcom na Andres de Saya sa GMA-7.

HOLLYWOOD MOVIE. Samantala, sabi ni Cesar, hindi muna niya masisimulan ang pelikulang susunod niya sanang gawin, ang Getting to America, na co-written at co-produced niya kasama ang Hollywood writer na si Donald Martin.

Ani Cesar, "Ngayon ko lang sasabihin ito, ngayon naka-float ang Getting to America.

"Kasi si Donald Martin, I just talked to him. He really wants to cast Coco Martin sa movie.

"We’re waiting for Coco Martin’s availability.

"If that is the case, now I have to move on to another action film. So, yun ang pagmi-meeting-an namin ng Viva."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN