Leandro Muñoz on issue that ex-girlfriend Nadine Samonte used him to win back ex-boyfriend: "Walang gamitan dun!"

"Well, kung ginamit man niya ako, pero hindi ko naman sinasabing ginamit niya ako... at least ngayon happy na siya. Nagkausap kami nung TV5 Christmas party, dito mismo [NBC tent]. Sabi ko sa kanya, ’I’m happy for you.’ At least now, okey na yung relationship nila," says Leandro Muñoz when asked if his ex-girlfriend Nadine Samonte only used him to win back her non-showbiz ex-boyfriend.


Nag-backout si Leandro Muñoz sa isang mini-concert na tatampukan sana niya at ng ibang talents sa isang bar sa Manila.

Mabuti na lang at hindi nagreklamo ang producer dahil gumastos na ito ng printing para sa mga tickets.

Nagkataon kasing kaibigan ni Leandro ang producer kaya napag-usapan nila ang aberya.

Sa media at trade launch ng TV5 na ginanap sa NBC Tent The Fort last week, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Leandro tungkol sa pagba-backout niya sa concert.

"Aalis ako pabalik ng States," paliwanag niya.

Ngayong araw, February 21, ang scheduled flight ni Leandro patungong Los Angeles.

"Mag-o-oathtaking ako for my U.S. citizenship doon. Aalis ako ng 21, that’s Tuesday.

"At pagdating ko dun, 22nd na, in time for the oathtaking," sabi niya.

AFTER FIVE YEARS. Humigit-kumulang daw sa limang taon ang ipinaghintay ni Leandro para sa pagbaba ng kanyang citizenship.

Nagpapasalamat siya dahil hindi siya nahirapan sa pagkuha nito, hindi gaya ng ibang inaabot pa ng higit sa sampung taon bago naaprubahan.

Ayon sa kanya, ang legal counsel niya ay si Atty. Michael Garfinkel na naging abugado rin ng ibang mga local actors-entertainers natin na nakakuha ng U.S. citizenship.

Wala raw ibang kinapitan si Leandro para makuha niya ang kanyang green card at citizenship niya sa U.S.

Kahit daw ang kanyang kapatid na nasa Amerika ay hindi niya ginamit para maging reference person niya.

Pati na ang ina ng kanyang anak dahil sa Pilipinas naman ito naninirahan.

"Wala. Hindi ko ito dun nakuha.

"Nakuha ko ito being an artista, e, yung exceptional ability.

"Pare-pareho kami nina Paco Arespachocaga, nina Michael de Mesa.

"Parang kapag naging artist ka, may award ka, marami kang naging movies... alam mo yun? Kumita ka dahil sa pagiging artista," sabi niya.

Ang ina raw ni Leandro ay sandaling tumira sa Amerika, pero bumalik din daw ito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang ama naman ay pumanaw na kaya wala talagang inasahang ibang tao si Leandro para sa kanyang citizenship.

"Sariling pagsisikap ito. Wala talaga akong inasahan," pagpapatunay niya.

"Pero, yung lawyer ko, magaling. Basta naging artista ka.

"Kasi ang unang gagawin nila, igu-Google ka. Depende sa lumabas kung gaano karami yung mga nagawa mong movies, projects, awards.

"’Okay, sikat pala ito.’ Ganun."

WITH CONSENT. Kasama raw ni Leandro noon sa kanyang pag-alis papuntang Amerika ang anak, pero itinanggi niyang itinakas niya ito sa ina nito.

Maayos naman daw itong na pumayag dalhin niya ang anak.

"Kasi naisip ko yung magiging future ng anak ko. Mas nakikita ko at that time na magiging stable and solid ang future niya kung dun siya nag-aral at legal siya don," esplika ng aktor.

Nagpapasalamat si Leandro dahil hindi siya dumaan sa hirap para lang makuha ng immigrant papers.

"Yung sa akin madali lang, e. Kasi nga, once na ma-aprove ka, green card ka kaagad.

"Once na magka-green card ka, after five years, citizen ka kaagad.

"E, na-approve naman kaagad sa greencard. Mabilis lang, e.

"No’ng makuha ko yung green card ko, after ma-file yung application ko, in less than a year, may green card ako."

Humigit-kumulang daw sa $30,000 dollars ang ginastos ni Leandro sa proseso ng pagkuha niya ng citizenship.

"Installment naman yun, e.

"Yung mga assets ko dito, yung ipon ko dito, dinala ko lahat dun.

"Pero may mga installment basis naman dun kaya nakapagbayad ako ng unti-unti," sabi niya.

Ano ang pakiramdam niya na nakuha na niya ang kanyang U.S. citizenship?

"Ang maganda lang na feeling dun, meron kang fallback. Pero I’m not 100 percent happy about it.

"Siyempre, Filipino ako, e, so, nag-dual [citizenship] ako. Puwede kang Filipino and American citizen.

"Ibig sabihin, puwede akong mag-stay dito kahit gaano katagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, ’pag American citizen lang, six months ka lang yata dito, kailangan mo nang bumalik.

"At ’pag dual, pabalik-balik ka na lang. Marami na kaming ganyan dito.

"’Pag American citizen ka kasi, hindi ako puwedeng bumili ng property dito.

"Puwede, condo lang. Pero hindi ako puwedeng bumili ng lote.

"Pero ’pag dual ako, puwede akong bumili ng property."

Hindi makapagbigay ng konkretong plano sa kanyang acting career si Leandro.

"Plano ko, depende sa plano ng TV5 sa akin. Wala naman akong network contract.

"So, ang project ko is based on whatever project they offer. So, hindi ko pa alam kung kailan ako babalik.

"Pero ang bago kong project sa TV5 is Felina: Reyna ng Mga Pusa with Arci Muñoz," banggit niya.


HIS DAUGHTER. Hindi kaya baka hindi siya binibigyan ng contract deal ng TV5 ay dahil sa kanyang pagtira rin sa Amerika?

"Sabi ko naman sa kanila, once na mabigyan ako ng contract, I’ll show my loyalty.

"Pero kailangan ko i-stipulate na kailangan kong bumalik sa U.S. because of my daughter. At least, paganun-ganun ako.

"With regards naman to my daughter, nagku-communicate naman kami. May Facebook, Skype, Twitter.

"Hindi kami nagkukulang sa communication, lalo na ’pag kailangan niya ng pera.

"Yun nga lang, kahit malaki ang kita ko dito, parang tama lang.

"Hindi ako makaipon ng marami dahil nga nagre-rent kami dun.

"Binabayaran ko yung kotse niya, yung insurance niya... marami akong binabayaran, puro dollars.

"My daughter is already 17. Mag-isa lang siya dun sa bahay namin.

"Natatakot din naman ako kaya nga lagi kaming nagku-communicate.

"Pero may brother Carlo [Muñoz], pumupunta sa kanya every week. Binabantayan siya.

"Saka safe naman yung place namin sa Orange County."

UNTIL THE NEXT PROJECT COMES. Posibleng habang naghihintay si Leandro ng bago niyang project sa TV5 ay magtatrabaho raw muna siya sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede, kasi yung posisyon na inalisan ko dun, anytime open naman for me.

"Pero gusto ko talaga dito. Masaya dito. Relax mood dito.

"Kahit konti na lang ang pera mo dito, nakakangiti pa rin.

"Doon, stressed out palagi ang mga tao dun.

"Paggising sa umaga, work.

"Pag-uwi, nood lang ng TV, beer, steak, tulog.

"Ganun din the next day. Routine na ang buhay. Yun ang ayoko.

"Ang maganda lang sa trabaho ko dun, hindi routine.

"Kasi nasa marketing ako, hawak ko oras ko. Gising ako ng alas-diyes ng umaga, uwi ako after ng lunch.

"Basta, may production okey lang," kuwento niya.

Biniro namin si Leandro na baka kaya gusto niya rito dahil, maliban kay Iwa Motto, may iba pa rin siyang dini-date na mga babae.

Noong nakarang buwan kasi ay ilang beses namin siyang nakitang iba-iba ang mga kasamang mga babae sa Library Comedy Bar.

Pag-amin niya, "Alam mo, ’pag single ako, date ako nang date hanggang sa makita ko ang right girl ko."

NADINE SAMONTE. Natanggap na ba niya ang breakup nila ni Nadine?

"Oo naman," pag-amin niya.

"Mabilis akong mag-move on. Isang araw lang... umiyak ako dahil sa kanya, inaamin ko.

"Nung nakipag-break siya sa akin, isang araw umiyak ako.

"he next day, okay na ako.

"Napamahal na rin kasi siya sa akin. We loved each other.

"Saka nung nagpunta ako ng States, na-miss ko talaga siya.

"Yun nga lang, pagbalik ko, break na."

Hindi niya ba naisip na parang nagamit siya ni Nadine para hindi ito masyadong makaramdam ng lungkot sa breakup nila ng non-showbiz boyfriend niya?

"A, hindi... hindi. Walang gamitan dun," tanggi ni Leandro.

Puwede ring para pasakitan ni Nadine ang kanyang boyfriend para bumalik ito sa kanya dahil nagkabalikan na sila?

"Well, kung ginamit man niya ako, pero hindi ko naman sinasabing ginamit niya ako...at least ngayon, happy na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkausap kami nung TV5 Christmas party, dito mismo [NBC tent].

"Sabi ko sa kanya, ’I’m happy for you.’

"At least now, okey na yung relationship nila.

"Saka, at least, alam na nila kung ano ang hindi nila dapat gawin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN