John Lloyd Cruz says he’s "lucky" to have girlfriend Shaina Magdayao

John Lloyd Cruz on his plans for his career: "Well, wala naman akong malaking bagay talaga na pinaghahandaan in the future, aside from gusto kong lang ma-achieve ’yong quality of life na napi-picture ko for myself. So, puwede pa rin akong may trabaho dito, pero mas may luxury of choice na hindi naman kailangan na gabi-gabi magpuyat. Kumbaga, gano’n lang, para I can live comfortably with my family."


"Ako ang suwerte ho."

Ito ang naging sagot ni John Lloyd Cruz nang sabihin sa kanya ni Korina Sanchez na "suwerte" si Shaina Magdayao na magustuhan ng isang John Lloyd Cruz.

Nakapanayam ni Korina si John Lloyd kaninang umaga, Pebrero 21, sa radio program nitong Rated Korina sa dzMM.

Dito’y kanilang napag-usapan ang naging hiwalayan ni John Lloyd at Shaina noong nakaraang taon.

Matatandaan na noong Oktubre 2011 unang lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang hiwalay na ang magkasintahan. Nadawit pa sa usapan ang ex-girlfriend ni John Lloyd na si Ruffa Gutierrez.

(CLICK HERE for related article)

Pero nang magsalita na si Shaina ay nilinaw niyang hindi si Ruffa ang dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan ng aktor.

Sabi naman ni John Lloyd, "They can speculate kung ano yung gusto nilang sabihin, kung ano yung istorya nila na, ’Ay, kaya sila nagkakaproblema, kaya sila hiwalay ngayon dahil kay ganito.’

"Wala sa kalingkingan ng kahit na sinong babae ang totoong dahilan ng pinagdadaanan namin ngayon."

(CLICK HERE for related article)

Muling nilinaw ni John Lloyd, sa panayam sa kanya ni Korina, na inayos muna nilang magkasintahan ang kanilang mga personal na isyu bago sila nagdesisyong magsimulang muli.

"Siya nagbakasyon, ako may pinuntahan, umalis din ako ng bansa.

"So, maayos naman kami. Kumbaga, maayos naman naming iniwan ang mga bagay-bagay.

"Well, medyo kailangan munang ano... paano ba ito ipu-put to words... Kumbaga, may mga kailangan muna kaming i-settle individually.

"So, inayos muna namin ’yon."

NO MARRIAGE PLANS. Bagamat "love is sweeter the second time around" para kina John Lloyd at Shaina, nilinaw ng matinee idol na wala pa silang planong magpakasal.

Ang ideal marrying age raw ni John Lloyd ay "mula 33 hanggang 35 years old."

Paliwanag niya, "Gusto ko rin naman ma-enjoy ’yong mga magiging anak ko, kasi baka ’pag medyo late na, hindi mo na ma-enjoy, so ideally gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kagaya ng ibang bagay sa buhay, e, puwede siyang mangyari bukas...

"Hindi mo masasabi, e, puwedeng later on pa."

CAREER PLANS. Samantala, napag-usapan din ang mga plano ni John Lloyd sa kanyang career.

Hindi maipagkakaila na maganda ang takbo ng kanyang career, patunay nga nito ang sunud-sunod na box-office hits na pinagbidahan niya sa pelikula.

Ilan sa mga ito’y ang One More Chance (2007), kung saan nakatambal niya si Bea Alonzo, at ang dalawang pelikulang pinagsamahan nila ni Sarah Geronimo—ang A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009).

Tumatabo rin sa takilya ngayon ang pelikula nila ni Angel Locsin na Unofficially Yours.

Bagamat masaya siya sa kanyang trabaho, gusto rin naman daw ni John Lloyd na magkaroon ng mas simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya.

"Well, wala naman akong malaking bagay talaga na pinaghahandaan in the future, aside from gusto kong lang ma-achieve ’yong quality of life na napi-picture ko for myself.

"So, puwede pa rin akong may trabaho dito, pero mas may luxury of choice na hindi naman kailangan na gabi-gabi magpuyat.

"Kumbaga, gano’n lang, para I can live comfortably with my family.

"Kasi ako ano, e, I just want to provide, mag-provide ng ano... kasi pinalad din naman kami.

"Grabe nga pasasalamat ko sa ABS-CBN dahil sa kanila, malaki ang pinagbago ng buhay namin, at nagkakaroon kami ng opportunities na hindi nag-e-exist noon sa buhay namin.

"Gusto ko lang ’yon ma-share sa mga pamangkin ko, na mayro’n silang opportunities na gusto ko seryosohin nila.

"Halimbawa, gusto nilang pagbutihin ang pag-aaral nila, puwede silang ipadala—kung gusto nila, kung gusto lang nila, hindi natin pinipilit—pag-aralin sila sa ibang bansa.

"Malaking bagay ’yon para sa akin."

Pero sa ngayon, wala raw ibang gusto si John Lloyd kundi ang pagbutihin ang kanyang talento sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tingin niya rin, ang pagmamahal niya na ito sa kanyang trabaho ang dahilan kung bakit tumagal siya ng ganito sa showbiz.

"Siguro ’yon ’yong magic ng trabahong ito," sabi ng Kapamilya actor.

"Dati sinasabi ko kapag tinataong ako, ’Hanggang kailan ka kaya nandiyan?’

"Ang mga artista noon ang sinasabi, ’Hanggang gusto ako ng mga tao, nandito ako.’

"Then I realized, hindi, e, hindi naman ang tao ang may hawak ng trabaho mo, e.

"So, kailangan mong alagaan, protektahan, at pagyamanin.

"Kaya siguro hanggang gusto ko ’to, hangggang nandito ’yong passion ko in this craft, e, sana tangkilikin pa rin tayo."

MOVIE WITH SARAH. Napag-usapan na rin lang ang kanyang career, nabanggit ni John Lloyd na nakatakda siyang gumawa muli ng pelikula kasama ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Tatlong taon na rin ang lumipas nang gawin nila ang huling pelikula nila, ang You Changed My Life, na pumatok sa takilya.

Sabi ni John Lloyd, "Ang alam ko ho, ha, as of this moment, ang talagang nakatuloy po is ’yong part three sa [You Changed My Life], hindi ko lang alam saan pupunta ang istorya.

"Alam ko, naka-peg kami na magpalabas sometime in June.

"Siguro in two weeks time, magsu-shooting na kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN