Sarah Geronimo on rumored romance with Gerald Anderson: "Sa akin po, sa pananaw ko, wala naman pong nangyayaring ligawan po sa amin."

"Sa ngayon po, talagang ayoko pong magpadala kami sa pressure. Yung friendship po namin, gusto ko mag-grow pa. Mas makilala siya nang husto. At gusto ko rin naman na kapag meron na akong courage to open up my heart. Again, nang makilala n’yo rin ako nang mas mabuti pa," says Sarah Geronimo when asked if she and Gerald Anderson are in a relationship.


Iilan lang sa mga artista sa Pilipinas ang ginamit ang kanilang pangalan para sa isang title ng TV show. Ilan sa kanila ay sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, at Maricel Soriano.

Ngayon, pagkatapos ng mahabang taon na walang gumagamit ng kanilang pangalan bilang title ng kanilang show, heto si Sarah Geronimo na mapapanood sa sarili niyang musical-variety show—ang Sarah G Live!.

Sa live interview ni Sarah sa The Buzz noong Linggo, February 19, ang unang tanong sa kanya ni Boy Abunda ay kung gaano katindi ang pressure na nararamdaman niya na pangalan niya ang ginamit na title sa kanyang show?

"Una po sa lahat, gusto ko lang pong sabihin na I’m truly grateful po sa ABS-CBN station. Sa tiwala po na ibinibigay po nila sa akin.

"Unang-una po, sa ASAP. Yung ASAP family ko po.

"In a way, parang naging training ground ko po ang ASAP. ’Yan po ang nag-improve sa akin.

"Tumulong sa aking mag-improve as a performer, as singer... sila po ang nag-welcome sa akin talaga with open arms talaga.

"Kahit baguhan pa lang po ako, nangangapa pa po ako, grabe po ang tiwalang ibinigay nila sa akin.

"Ang ABS-CBN din po ang unang nagbigay sa akin ng teleserye and this time, ito na po ang my very own musical-variety show.

"So, sobra po akong thankful and truly honored na mapagkatiwalaan ng ganito kalaki."

Gaano kalaki ang kaba?

"Hindi po ako makahinga..."

ASAP ISSUE. Sa pagkakabanggit ni Sarah sa ASAP, may nagsasabi na diumano’y siya mismo ang humingi sa network ng sarili niyang show dahil may mga taong hindi raw niya kayang makatrabaho sa show.

Ano ang totoo sa bagay na ito?

Natawa naman si Sarah bago sumagot.

Aniya, "Naku, tapos na tayo sa isyu na ’yan.

"Yung hinanakit, wala na. Okay na po kaming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy po kami na nagtatrabaho and pamilya po kami sa ASAP."

Nai-insecure ba si Sarah kay Angeline Quinto, isa sa mga kasamahan niya sa ASAP?

"No, no... Angeline inspired me. I admire her.

"Napakagaling niyang singer at kung paano niya na-handle ang pressure.

"Kasi, nakaka-relate ako sa kanya. Nakikita ko siya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

"Kumbaga, reminder sa akin ang humble beginning ko.

"Sobra akong proud for Angeline and I’m very happy for Angeline kasi alam ko po ang hirap din niya."

GANDANG GABI VICE TIMESLOT. May nagsasabing inagaw raw ng Sarah G Live! ang timeslot ng Gandang Gabi Vice. Ano ang masasabi ni Sarah dito?

"Hindi po... hindi po totoo yun," tanggi ng Pop Princess.

"Iba po ang timeslot ng Sarah G Live! at okay po kami ni Vice.

"Hindi ko po alam kung saan nanggagaling yung isyu."

Diumano’y nanggaling ang isyu dahil sa pagba-backout daw ni Sarah noon sa concert ni Vice sa Araneta Coliseum.

Pero paglilinaw ni Sarah, "Sa pagkakatanda ko po... kailan nga po ang concert ni Vice? Nasa U.S. po ako."

GERALD ANDERSON. Pagkatapos nito ay tinanong ni Boy si Sarah kung totoong noong February 14, Valentine’s Day, ay nag-date sila ni Gerald Anderson sa Eastwood?

Sagot ni Sarah, "Grupo po kami noon. May mga kasama po akong friends ko, friends din niya. Kasama ko po si Mommy [Divine].

"O sige po, kung gusto n’yong date, e, di group date. O, di ba?"

Ayon kay Gerald, "very special" si Sarah sa kanya.

Ano naman ang gustong sabihin ni Sarah sa naging pahayag na yun ni Gerald?

"Siyempre po, special din sa akin si Gege [tawag niya kay Gerald]. Kasi naman, nakita ko rin naman..."

Humirit naman si Boy na kinikilig daw siya.

Natatawang sabi ni Sarah, "Sinasanay ko na nga po ang sarili ko sa kilig para hindi ako madala. Dapat matibay na ’ko diyan, Tito Boy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng dalaga, "Siyempre, naa-appreciate ko rin po ng sobra."

Yung date nila na yun sa Eastwood, totoo ba na binantayan siya ni Mommy Divine?

"Hindi naman po. Kasi, nakakatuwa rin naman po kay Gege, talagang in-invite niya sina Mommy, buong pamilya rin."

Nagagandahan naman daw ang Mommy Vangie ni Gerald kay Sarah.

Halatang nahiya si Sarah sa papuring narinig.

Totoo ba na ang tawagan nila ni Gerald ay "Babes"?

"Hindi Babes, Tito Boy. Gege at saka Sasa, yun ang tawagan namin," sagot ni Sarah.

Sila na nga ba ni Gerald?

"Hindi, hindi po," tanggi ng singer-actress.

"Siyempre po, halimbawa na meron nga kaming relationship ni Gerald, hindi po namin ililihim yun talaga sa inyo.

"Sa ngayon po, talagang ayoko pong magpadala kami sa pressure.

"Yung friendship po namin, gusto ko mag-grow pa. Mas makilala siya nang husto.

"At gusto ko rin naman na kapag meron na akong courage to open up my heart.

"Again, nang makilala n’yo rin ako nang mas mabuti pa."

Hindi po kami ni Gerald o hindi pa kami?

"Ay, ’yan naman po ay hindi talaga natin mapapangunahan.

"Ang love, hindi natin madidikta ’yan. Darating lang din ’yan, di ba po?

"So, hindi po kami.

"Ayoko nang magsalita. Baka kung ano pa ang masabi ko!" natatawa niyang sabi.

Oo o hindi, nanliligaw ba si Gerald Anderson kay Sarah Geronimo?

"Sa akin po, sa pananaw ko, wala naman pong nangyayaring ligawan po sa amin.

"Pero dapat sa lalaki rin po manggagaling kung anong gusto niya talaga or intensiyon niya po," sabi ni Sarah.

Isang paghamon naman kay Gerald ang ginawa ni Boy na mag-guest ito next Sunday sa The Buzz para sagutin ang tanong.

Natatawang hirit naman ni Sarah, "Gege... no pressure!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN