Barbie Forteza on Joshua Dionisio’s "Marry Me" gift to her last Valentine’s: "Sobrang kinilig lang po ako."

Barbie Forteza on why Joshua Dionisio gave her a "Marry Me" perfume last Valentine’s Day:"Kaya daw po niya yun ibinigay sa akin dahil... mabango daw po yun."


May isyu ngayon na isa raw si Barbie Forteza sa mga itinuturong dahilan kung bakit may mga artistang nagbabalak umalis sa GMA-7 at lumipat sa ibang istasyon.

Isa raw kasi si Barbie—kasama sina Marian Rivera, Bianca King, at Bea Binene—sa mga hindi nawawalan ng projects sa GMA-7; dahilan kaya may ilang artistang napababalitang gusto nang iwanan ang Kapuso network.

Ano ang reaksiyon dito ni Barbie?

Sabi ng tween star, "Shocked po ako! Kasi hindi ko po talaga alam yun.

"Wala naman po akong naririnig na isa ako sa mga sinasabing dahilan kung meron nga pong nagbabalak na umalis sa GMA.

"Naniniwala po ako na wala naman akong kinalaman sa mga ganung sitwasyon."

Ano ang masasabi niya sa mga artistang lumilipat ng network?

"Iginagalang ko po ang kanilang desisyon. I’m sure pinag-isipan nila nang husto yun.

"Pero kung ako po ang tatanungin ninyo, I wish dito na ’ko sa GMA hanggang sa pagtanda ko," aniya.


FAVORITE TWEEN STAR? Pero naniniwala ba si Barbie na isa siya sa mga paboritong artista ng GMA-7?

"Hindi naman po paborito. Nararamdaman ko lang po na nagtitiwala sila sa akin at sinusuportahan nila ako.

"At yun po ay tinatanaw kong malaking utang na loob.

"Nagpapasalamat po ako sa GMA sa break na naibigay nila sa akin. Hindi ko po sila bibiguin," sabi niya.

Marami ang nagsasabi na isa si Barbie sa next important stars ng Kapuso network. Ano ang masasabi niya rito?

"Naku, ang dami po naming next important stars ng GMA.

"Sa mga tweens na lang po, e, ang gagaling po nilang lahat.

"And given the right break, I’m sure maipapakita nila ang kanilang galing."

THE PERFUME. Inusisa rin ng PEP si Barbie tungkol sa iniregalong perfume sa kanya ni Joshua Dionisio noong Valentine’s Day.

Na-shock ba siya dahil "Marry Me" ang pangalan ng Lanvin perfume na regalo sa kanya ni Joshua?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po shocked, sobrang kinilig lang po ako!

"Kaya daw po niya yun ibinigay sa akin dahil... mabango daw po yun!" sabay tawa ni Barbie.

WALKOUT ISSUE. Nilinaw naman ni Barbie ang tungkol sa isyung pagwu-walk out daw niya sa taping ng natapos nang afternoon soap na Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Aniya, "Hindi po ako nag-walk out.

"Nagpaalam po kami na may flight kami the next morning kaya hindi po kami puwedeng abutin ng 12 midnight.

"Twelve thirty na nga po kami umalis at alam po ng production na aalis na ako. Hindi po ako nag-walk out.

"Bakit ko naman po gagawin yun? Sino naman po ako para mag-walk out?

"Hindi ko po gagawin yun," diin niya.

THE ROAD. Samantala, masaya si Barbie na ipapalabas sa abroad ang The Road, ang horror-suspense movie ng GMA Films.

Ang pagpapalabas sa North America (U.S. at Canada) ng The Road ay simula sa Mayo 11.

Ani Barbie, "Sino naman po ang hindi magiging proud?

"Napakalaking achievement po para sa movie namin na maipalabas sa ibang bansa.

"At very proud po ako, kaming lahat na mga artista na kasama sa movie, na naging parte kami ng The Road."

Isa raw sa inaasam ni Barbie sa taong ito ay ang mabigyan muli ng isang dekalidad na pelikulang tulad ng The Road.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN