Derek Ramsay squashes latest breakup rumor with Angelica Panganiban; says he’s "ready to get tied down" to her

Derek Ramsay relates how the break-up rumors started: "Sinabi ko lang na happy Valentine’s kay Angel... malamig na raw ako. Siguro naman ’pag Valentine’s, gusto ko naman sabihin in person, hindi lang over Twitter, di ba? Angel was in the hospital last Valentine, I went there to see her, we celebrated in the hospital. So, hindi ko alam kung saan nanggaling yun. Tinext nga ako ng isang friend ko na break na daw kami, ’Wow! baka may plano pala na alam


May kumakalat na namang balita sa Twitter na break na raw sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

Hindi malinaw ang rason ng napapabalitang breakup diumano ng dalawa, pero nagsimula raw ito dahil ilang fans nila ang nagsabing hiwalay na sila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek sa presscon ng Century Tuna Search for Superbods 2012 last week, agad na pinabulaanan ng hunk actor ang nasabing report.

Saad ni Derek, "Sinabi ko lang na Happy Valentine’s kay Angel, malamig na raw ako.

"Siguro naman ’pag Valentine’s, gusto ko naman sabihin in person, hindi lang over Twitter, di ba?

"Angel was in the hospital last Valentine, I went there to see her, we celebrated in the hospital.

"So, hindi ko alam kung saan nanggaling yun.

"Tinext nga ako ng isang friend ko na break na daw kami... ’Wow! baka may plano pala na alam ninyo.’"

Pero diin niya, "No, we’re okay, we’re very good."

VALENTINE’S DAY. Ayon kay Derek, hindi naman talaga nila ipinagdiriwang ni Angelica ang Valentine’s Day. Kadalasan ay gumagawa sila ng charity work upang ipamahagi ang kanilang blessings sa ibang tao.

"Every year, hindi naman kami yung nagde-date.

"We can do that anytime throughout the year.

"What we do, we organize events for kids in Muntinlupa.

"But Valentine’s Day fell on a working day and a school day, so we’re hoping to do it this Saturday or next Saturday.

"Gift? We don’t give gifts on Valentine.

"Whenever we have time, we can go out on a special date."

GET MARRIED OR BREAK UP. Aminado si Derek na nakikita niya ang kanyang sarili na ikinakasal kay Angelica.

Sabi niya, "May kasabihan nga na, ’If you’ve been together for five years, either get married or break up.’

"Of course, we’re looking forward to that [getting married].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Concrete plans, wala pa, but I’ve always said that I feel I’m ready to get tied down with Angel.

"Five years and looking forward to spending great years with Angel.

"We’re both doing well in our careers, our relationship is very healthy, so that’s the biggest thing that can happen to our relationship.

"So someday, at the end of the road, dun din kami mapupunta."

Hindi kaya mainip si Angel kung wala pa pala siyang definite plans kung kailan sila magpapakasal?

"I hope not," sabi ni Derek.

"She’s always vocal naman to me. She’d make sure na pumasok ’yan sa utak ko."

FRISBEE. Bago pumasok ang taon ay naaksidente si Derek habang naglalaro ng frisbee. Dahil sa operasyon niya sa kanyang kaliwang braso ay kinailangan niyang magpahinga.

Magaling na ba ang kanyang injury?

"As long as I’m a good boy, this will get better," sabi ni Derek.

"I’m getting frustrated because I cannot do any sports, it’s annoying na tumakbo lang, masakit na.

"Siguro another three weeks, I’ll go back to the doctor again.

"I went to doctor last week, ang sabi negative pa. Healing well, pero hindi pa puwede maglaro.

"Kasi kung saan nabali yung buto, tatlo pa yung bali, hindi pa nabubuo.

"Siguro mga three more weeks."

Nangangahulugan ba ito na magpapaalam na siya sa frisbee?

"Ganito, I’m seriously giving up frisbee, that’s the truth.

"I am not playing in the local tournaments anymore, but this year is the World Cup and it’s in Japan.

"This is the strongest Philippine team we’ve ever had, so I’ll go out with a bang—it’s only every four years.

"Ito ang pinakamalaking sporting event for frisbee, so might as well go back.

"Masakit kung I live my life with ’what if? what if I went?’ This is on July.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Right now, the only therapy I can do is for my thumb.

"Kasi two weeks ago, hindi ko magalaw ’yan, now okay na, pero mahina siya.

"Every day it’s getting stronger, pero ang forearm ko, hindi pa puwede i-therapy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN