Part 1 Carmina Villarroel excited about playing "leading lady" to Zaijian Jaranilla in her first soap as Kapamilya returnee

Carmina Villarroel on "leading man" Zaijian Jaranilla: "Si Zaijian, parang bilang bata, magaan siya. Hindi ako parang nanganganay na anong sasabihin ko sa kanya. Wala, e, very friendly, very approachable. Magaan siyang katrabaho, very professional para sa isang bata."


Sa pagbabalik ni Carmina Villarroel sa bakuran ng ABS-CBN, dalawang shows agad ang pinagkakaabalahan niya.

Regular na siyang napapanood sa bagong showbiz-oriented talk show na Showbiz Inside Report (SIR); kasama sina Janice de Belen, Joey Marquez, at Ogie Diaz.

Bukod dito, kasama rin ang actress-TV host sa bagong seryeng sisimulan ng Kapamilya network, ang Lorenzo’s Time. Makakasama naman niya rito sina Zaijian Jaranilla, Diether Ocampo, at Gina Pareño.

Sa pictorial ng Lorenzo’s Time noong Lunes, February 20, sa Studio 8 ng Kapamilya network, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina.

Ipinarating ni Carmina ang kanyang excitement tungkol sa tatampukang teelserye sa Kapamilya network.

"Ang role ko dito, kababata ko si Zaijian.

"’Tapos, mayroon kaming sumpaan sa isa’t isa, parang childhood sweeteharts na maging sa pagtanda, kami pa rin, mag-aasawa kami, ganyan.

"Then something happened to him, nagkaroon siya ng sakit.

"Ipa-fast forward natin, lumaki na ako, naiwan siya sa ganun.

"Ako, maraming nangyari sa akin... nagkaroon ng anak, nahiwalay sa partner.

"’Tapos, hanggang sa pagbalik ni Zaijian, ipu-pursue pa rin niya ako.

"Excited ako sa teleseryeng ito, kasi first time kong gagawa ng ganito.

"It’s all about love, it’s about time.

"Kaunti lang kaming cast dito, pero lahat talaga importante.

"Marami kang lessons na matutunan dito, heartwarming.

"Basta ang galing ng batang ito, ang galing ni Zaijian, natutuwa ako sa kanya," sunud-sunod na sabi ni Carmina.

WORKING WITH SANTINO. Puro papuri nga ang binitiwang salita ni Carmina para kay Zaijian.

"Ang galing talaga niya, talagang ’pag umaarte siya, parang binata.

"Natutulala ako sa kanya, nakakalimutan ko na uma-acting ako, kasi sobrang galing ng bata talaga.

"Ang cute niya! Ang tawag ko nga sa kanya, Santino... hanggang ngayon si Santino pa rin.

"Isa rin sa pangarap ko na makatrabaho siya, ’tapos heto na."

Santino ang pangalan ni Zaijian sa una nitong serye sa ABS-CBN, ang May Bukas Pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Carmina, maging ang mga anak niyang sina Maverick at Cassandra ay excited nang malamang "ka-partner" niya si Zaijian sa kanilang teleserye. Dahil halos kasing-edad lang ng kambal ni Carmina si Zaijina, hindi raw nahirapan ang aktresa na makibagay sa batang aktor.

Kuwento ni Carmina, "Nagulat din sila, tinanong nila ako, ’He’s gonna be your partner?’

"Sabi ko, ’Yeah,’ and natuwa naman sila, na-excite din sila.

"Ang mga anak ko, very supportive naman talaga sa akin."

Dagdag niya, "Si Zaijian, parang bilang bata, magaan siya.

"Hindi ako parang nanganganay na anong sasabihin ko sa kanya.

"Wala, e, very friendly, very approachable.

"Magaan siyang katrabaho, very professional para sa isang bata."

BACK TO DOING TELESERYE. Tinanong ng PEP si Carmina kung ano ang pakiramdam niya ngayong gagawa siya ulit ng teleserye sa ABS-CBN.

Matatandaang ang huling ginawang soap ni Carmina sa Kapamilya network ay ang Recuerdo de Amor, kasama sina Diether Ocampo at Angelene Aguilar, halos isang dekada na ang nakararaan.

Aniya, "Sobrang excited!

"Kung iisipin mo, hindi naman ito... this is not really something new, but to me, it is.

"Para sa viewers ng Kapamilya, iba siya dahil first time kong makakatrabaho si Zaijian.

"Si Diet, we worked before in Recuerdo, si Ms. Amy [Austria] nakatrabaho ko na dati, si Kuya Joel [Torre].

"Parang walang kaproble-problema sa set, magaan lang.

"Si Direk Jerome [Pobocan] kasi, siya rin yung director ko before in Recuerdo.

"So, excited na ako na parang this month magsisimula na kami."

Masaya rin si Carmina na sa pagbabalik niya sa ABS-CBN, mainit ang naging pagtanggap at walang nabago sa magandang trato sa kanya ng mga tao rito.

Saad niya, "Parang hindi ako nawala, sobrang nakakatuwa.

"Alam mo yung ’pag bumabalik ako dito, parang laging may reunion.

"Pupunta lang ako sa ibaba, ’Kumusta ka na?’ Ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nag-iiba lang yung posisiyon nila. Yung mga naiwan ko dati, iba na yung posisiyon nila, mas mataas na, pero same people pa rin, ganun pa rin ang mga hitsura.

"Parang nakakatuwa lang kasi parang pakiramdam mo, you’re so welcome.

"Pakiramdam mo, appreciated ka."

Dahil nabanggit na rin lang ang "reunion," marami ang nag-aabang na baka may reunion o i-remake daw ang Palibahasa Lalake, lalo’t halos lahat ng dating cast nito ay nasa ABS-CBS na uli—Richard Gomez, Joey Marquez, Jomari Yllana, at Eric Fructuoso.

"Sana," sambit ni Carmina.

"Alam mo, kung totoo man na magkakaroon ng reunion ang Palibhasa Lalake, sana nga matuloy kasi gusto ko talaga.

"Natutuwa ako na hanggang ngayon, kahit ang mga bata, alam nila kasi siguro bukambibig pa rin ang Palibhasa...

"Kahit wala na ito, ang dami pa ring nakaka-relate, ang dami pa ring looking forward.

"Kami, gusto namin... kasi ang daming memories ng Palibhasa, as in sobrang dami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN