Louise delos Reyes on status of relationship with Enzo Pineda: "So far po, mag-one year na rin po kami as special friends."

Louise delos Reyes on entering into a relationship with Enzo Pineda: "Kasi ano, e, ang ikinakatakot namin ’yong commitment sa isa’t isa. Sobrang nag-e-enjoy lang kami sa company ng isa’t isa, na nandiyan ka para sa akin and nandito rin ako if you need me. ’Tapos mas nagpo-focus kami ngayon sa career."


Masayang-masaya si Louise delos Reyes sa pagkakaroon ng international screening ng ginawa niyang pelikula noong isang taon, ang The Road.

Ipalalabas ang nasabing supense-horror movie ng GMA Films sa U.S. at Canada.

Ang gala premiere nila ay gaganapin sa May 9 sa L.A. Live Cinema sa Los Angles, California. Ang regular showing naman nito ay sa May 11.

Bukod dito ay magiging kalahok din sa Brussels International Film Festival ang The Road na idinirek ni Yam Laranas.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Louise kaninang tanghali, February 22, sa presscon para sa international screening ng The Road.

Ginanap ito sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network, sa Timog Avenue, Quezon City.

Sabi ng young actress, "I’m happy na itong The Road, napansin din nila internationally.

"’Yong lalaban siya sa Brussels Film Festival, ngayon ko lang din nalaman."


HER VALENTINE. Samantala, hindi nakasama ni Louise ang rumored boyfriend niyang si Enzo Pineda noong Valentine’s Day.

Pumunta kasi ang young actor sa Switzerland, kasama nina Sarah Lahbati at Derrick Monasterio, para sa isang concert doon.

Gayunman, bumawi naman daw si Enzo nang makabalik ito ng bansa.

Kuwento ni Louise sa PEP, "Sinurprise niya po ako habang nagre-rehearse ako.

"Hindi ko kasi pinaalam sa kanya na mayro’n akong Party Pilipinas para ma-surprise naman siya.

"’Tapos, alam pala niya ’yong oras kung kailan ako magre-rehearse.

"Habang nagre-rehearse ako, kaya pala nagsisigawan ’yong mga tao, kasi mayro’n siyang dalang mga bulaklak."

Bukod pa sa surpresang bulaklak ay may mga pasalubong din si Enzo sa kanya galing Switzerland.

"Marami po, e," sagot ng young Kapuso actress nang tanungin ng PEP kung ano ang pasalubong ni Enzo sa kanya.

"Maliit lang, ’yong pinaka-gusto ko sa kanya, e, ’yong snowball from Paris ’tsaka po ’yong jacket."

OUT IN THE OPEN. Napag-usapan na rin lang ang tungkol kay Enzo, kinumusta na rin ng PEP ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa lamang si Louise at saka sumagot, "Kami naman, ano talaga, hindi ’yong may date.

"So far po, mag-one year na rin po kami as special friends.

"A, siguro po, nag-level up in a way na extra-clingy kami sa isa’t isa, ’tapos medyo nagiging visible na din kami sa mga tao, na nanonood kami ng movie.

"Pero siguro, hanggang doon na lang muna ’yon.

"Kasi ang priority ko sa ngayon, ’yong career ko."

Kuntento na raw silang pareho ngayon na wala na silang kaba na makita ng mga tao na magkasama.

Paliwanag ni Louise, "Kasi dati, medyo takot kami na makita na nasa isang lugar.

"Mas open na din kami ngayon. ’Tsaka parang hindi na rin kami bata para maglokohan."

AFRAID OF COMMITMENT. Bagamat masaya sila kasama ang isa’t isa, aminado si Louise na takot pa silang pareho sa "commitment."

Aniya, "Kasi ano, e, ang kinakatakot namin, ’yong commitment sa isa’t isa.

"Sobrang nag-e-enjoy lang kami sa company ng isa’t isa, na nandiyan ka para sa akin and nandito rin ako if you need me.

"’Tapos mas nagpo-focus kami ngayon sa career."

Pero kahit na wala silang "commitment" ngayon, siniguro raw ni Enzo sa kanya na wala itong balak manligaw sa iba.

"’Yon naman po ’yong sinasabi niya sa akin, na puwede akong ligawan.

"Alam naman po niya kung sino ang mga nanliligaw sa akin.

"Pero siya, siyempre bilang lalaki, sabi niya sa akin, sabi niya ha... sabi niya sa akin, nasa akin lang daw ’yong mata niya," nakangiting sabi ni Louise.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN