Part 1 Eugene Domingo sings again in musical-comedy movie I Do Bidoo, Bidoo

"Si Eugene Domingo ay kumakanta dito, nagmu-movement-movement, nagpapakita ng katawan!" comedienne Eugene Domingo joked about her role as Rose Polotan, wife of Ogie Alcasid’s character in the upcoming musical-comedy movie I Do Bidoo, Bidoo.


Kung sa comedy nakilala si Eugene Domingo, malamang na lalo siyang hahangaan sa kanyang pagkanta sa pelikulang I Do Bidoo, Bidoo bilang Rose Polotan.

Sa musical na movie na ito, si Eugene ay makikipagsabayan ng pagkanta kina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Ogie Alcasid sa mga awitin ng APO Hiking Society.

Hindi na bago ang pagkanta ni Eugene sa pelikula.

Sa kanyang award-winning independent movie na Ang Babae sa Septic Tank ay nagkaroon siya ng ilang song-and-dance numbers.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene sa story conference ng I Do Bidoo, Bidoo kahapon, Pebrero 22, sa Uno Restaurant, Tomas Morato, Quezon City. Dito ay sinabi niyang na-miss niya ang pagkanta kaya naman natutuwa siya na mapasama siya sa pelikulang ito.

Anong preparasyon ang ginawa niya para sa kanyang role dito?

"I enjoyed it so much... Nag-voice lessons ako para maihanda ko ang baga ko at saka ang hininga ko, at saka warm up na rin," sabi niya.

Nang tanungin naman kung mas humusay na siya bilang singer-actress sa pelikula, tumawa si Eugene at sinabing, "Ewan ko kung lumevel-up ’yan!"

"Basta ginawa ko lang ’yong emosyon ng kanta. Kasi ’yong mga kanta ng APO ay kumpleto, napakaganda.

"At saka binase ko lang sa kung papaano sasabihin ng character ko ’yong pagkakakanta ko.

"Hindi ko naman inaasahang maging concert queen katulad ni Anne Curtis!" biro pa niya.

"Okay na po ako na magampanan ko ’yong tamang pag-awit."

DIFFERENT EUGENE DOMINGO. Siniguro rin ni Eugene na iba ang magiging atake niya sa bagong role na kanyang gagampanan.

Ani Eugene, "Kasi sinigurado naman ni Direk Chris Martinez, bilang karamihan naman ng pelikula ko na tumatak ay siya rin ang nagsulat, na hindi na niya uulitin.

"Sa script pa lang, sa direction, sa look, ibang-iba na.

"This is really different, unforgettable.

"Para sa mga nanay, inaasahan ko talaga na kapit na kapit sila dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa niya, "Si Eugene Domingo ay kumakanta dito, nagmu-movement-movement, nagpapakita ng katawan!"

WORKING WITH OGIE. Sa I Do Bidoo, Bidoo, makakasama ni Eugene ang award-winning singer-composer na si Ogie Alcasid, na gaganap bilang asawa niya.

At dahil ang pelikula’y isang musical-comedy, nag-record muna ng ilang kanta ang dalawa.

"Ang galing-galing ni Ogie," sabi ng aktres.

"Kailangan pa bang sabihin ’yon? Pangulo ba siya ng OPM [Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit]?

"Ang galing-galing. Ang haba ng hininga niya.

"E, nauna siyang mag-record so sinusundan ko siya, di ba? Kailangan sundan ko ang haba ng hininga niya sa dulo.

"Mayroon din siyang kanta na ’Doo Bi Doo,’ ang husay!"

Natawang dagdag ni Eugene, "E, hinusayan ko rin, dyusko!"

Pagkatapos ay seryoso niyang sinabi na, "Nakakatuwa kasi pareho kaming komiko, di ba? Kengkoy, e.

"’Tapos ’yong hulma namin, parehas, e. So, talagang very, very relatable ang silhouette ng characters namin, mag-e-enjoy sila sa pamilya namin."

KIMMY DORA AND THE TEMPLE OF KIYEME. Bukod sa I Do Bidoo, Bidoo, magiging abala rin si Eugene sa sequel ng hit comedy movie niyang Kimmy Dora (2009).

Tinanong ng PEP kung paano niya pagsasabayin ang paggawa ng dalawang pelikula.

Sabi ni Eugene, alternate ang mga araw ng taping.

Pero pabiro niyang hirit: "M-W-F, Kimmy Dora; T-Th-S ito [I Do Bidoo, Bidoo], parang gano’n. ’Tapos siguro Sunday, mental... mental hospital."

Hindi naman daw ito mahirap para sa award-winning actress dahil walang problema sa mga makakasama niya sa dalawang pelikula.

"Magaling ’yong mga direktor ko, e, kaya well-guided ako," sabi ni Eugene.

"Inaayos nila. Maganda ’yong script, mahusay ’yong direktor, hindi ka maliligaw.

"Kung ako lang mag-isa, wala, maliligaw ako.

"Kapag mahusay ang kasama mo sa trabaho, mahusay ang team, hindi ka maliligaw."

Dahil sa dalawang pelikulang ito, hindi na kinaya ng schedule ni Eugene ang indie movie sana niya kasama sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, at Agot Isidro—ang Mga Mumunting Liham ni Direk Jose Javier Reyes. Pinalitan na siya ni Janice de Belen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa ikalawang Kimmy Dora, ginawa raw nilang mas nakakaaliw ang pelikula.

Dagdag pa ni Eugene, "Much bigger because it’s horror-comedy, ’tapos may Seoul, Korea, at saka may mga bagong characters na dinagdag.

"Sequel ito—iikot ito sa roots nila, babalikan nila ang roots nila sa Korea. Then, from there, doon na iikot ang istorya."

Ayon kay Eugene, kabilang pa rin sa Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme ang mga orihinal na cast members na sina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, Miriam Quiambao, Ariel Ureta, at Moi Marcampo.

Madadagdag din sa cast ang kilalang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao at dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Ryan Bang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN