Part 2 Eugene Domingo aims to bag People’s Choice for Best Actress in Asian Film Awards

"Parang it will be the biggest surprise in my life kapag nanalo ako doon. Pero sa People’s Choice [category], asang-asa ako!" says Eugene Domingo about her nomination for Best Actress in the 6th Asian Film Festival.


Nitong mga nakaraang araw, masugid na nanghihikayat sa Twitter ang mga malalapit na kaibigan ni Eugene Domingo sa showbiz para iboto siya sa nalalapit na 6th Asian Film Awards.

Isa si Eugene sa limang Asian actresses na maglalaban-laban para sa Best Actress category

Nominado ang Filipino actress para sa kanyang pagganap sa Ang Babae sa Septic Tank.

Makakalaban ni Eugene sina Deanie Ip ng Hong Kong para sa pelikulang A Simple Life, Vidya Balan ng India para sa pelikulang The Dirty Picture, Michelle Chen ng Taiwan para sa pelikulang You Are the Apple of My Eye, at Leila Hatami ng Iran para sa pelikulang Nader and Simin, A Separation.

Ayon kay Eugene, personal niyang pinakiusapan ang kanyang mga kaibigan para ikampanya ang nomination niya sa Asian Film Awards.

Gusto raw talaga kasi ni Eugene na makuha ang People’s Choice for Best Actress award, kaya kahit sa story conference ng susunod niyang pelikula, ang I Do Bidoo, Bidoo, ay hinihikayat niya ang mga taong iboto siya.

Sabi pa niya, "Sana ipahintulot na makuha.

"Kapag nakuha naman natin, sa atin naman ’yon, e. Hindi naman sa akin ’yon, e, ipapa-raffle ko rin kapag nakuha ko.

"Dalawa kasi ’yang kategorya. ’Yong isa, Best Actress na may judges, parang, ’Sige, sa inyo na ’yon.’

"Itong People’s Choice, sana naman manalo na tayo."

Aminado si Eugene na mahuhusay ang mga makakalaban niya sa Best Actress category, pero umaasa siya sa voting power ng mga Pilipino pagdating sa Internet voting.

"Parang it will be the biggest surprise in my life kapag nanalo ako doon.

"Pero sa People’s Choice [category], asang-asa ako!" nakangiting sabi ni Eugene.

HOW TO VOTE EUGENE IN AFA. Maaaring iboto si Eugene sa pamamagitan ng Internet.

Bumisita lamang sa website ng Asian Film Awards at piliin ang pangalan ni Eugene sa mga nominadong aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa mga residente ng Hong Kong, kakailanganin ang Hong Kong ID number.

Sa mga dayuhan, kakailanganin naman ang passport number.

Magkakaroon din ng pa-raffle para sa mga bumoto kay Eugene kung sakaling siya ang manalo ng People’s Choice award.

Ang premyo ay isang Hong Kong travel package para sa dalawang tao, kasama ang dalawang tickets para sa Asian Film Award Presentation Ceremony na gaganapin sa March 19.

Ang botohan ay bukas na ngayon hanggang sa March 5, 12 noon (Hong Kong time).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN