Enzo Pineda makes up for absence on Valentine’s Day to rumored girlfriend Louise delos Reyes

Kapuso young actor Enzo Pineda returns to the country after short stay in Geneva, Switzerland and a side trip to Paris, France.


Na-enjoy raw nang husto ni Enzo Pineda ang kanyang recent trip sa Switzerland.

Sila ni Derrick Monasterio ang nakasama ni Sarah Lahbati sa homecoming concert ng Kapuso young actress sa Geneva noong February 13.

Masayang ikinuwento ni Enzo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naging experience nila sa Switzerland.

"It was successful. Sobrang saya ng concert namin sa Switzerland.

"Hindi namin ini-expect na mapupuno namin ’yong venue.

"So napuno namin ’yon ng mga Pinoy na naka-base doon. And may mga half-Pinoy, half Swiss na nanood also.

"Sobrang warm ng welcome nila sa amin.

"Pagdating pa lang namin, may mga sumalubong na sa amin. Lahat sila ang babait at sobrang accommodating.

"It was a good experience."

Dagdag pa niya, "And sa umpisa pa lang, sinabihan na kami na huwag mag-i-expect, kasi ’yong crowd daw, hindi gano’n ka-receptive.

"Gano’n lang daw talaga sila. But it does not mean na hindi raw nila naa-appreciate ’yong performance.

"Pero during the concert, nagwala sila! Lahat nagtatayuan, sumasayaw.

"And thankful kami talaga sa lahat ng nag-accommodate sa amin doon sa Switzerland dahil sobrang bait ng mga Pinoy doon.

"Doon kasi, nanonood lang sila ng GMA shows sa Internet. At nire-request nga nila na magkaroon na rin ng GMA Pinoy TV doon."

SNOWBOARDING IN FRANCE. Pagkatapos daw ng kanilang concert sa Geneva, Switzerland ay tumuloy sila sa Paris, France.

Nag-overnight daw sila doon at nag-snowboarding.

Kuwento ni Enzo, "From Geneva, 15 minutes car ride lang to France .

"So, do’n kami nag-snowboarding sa France. Sobrang lamig!

"Then after that, the next day, diretso kaming Paris.

"Nag-train trip kami ng three hours going to Paris. Do’n kami nag-Valentine’s Day.

"Wala akong ka-date no’ng Valentine’s Day. Naiwan ko dito, e!" sabay tawa ni Enzo.

Ang tinutukoy ng binata ay ang rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOUISE DELOS REYES. Na-miss daw nang husto ni Enzo ang young actress.

"Hindi ko siya nakasama no’ng Valentine’s. So, pagbalik ko dito, kailangan ko talagang bumawi.

"At nakabawi naman ako," nakangiting sabi ng StarStruck V First Prince.

Nagkaroon ba sila ng post-Valentine’s date?

"Hindi pa kami nag-date, e.

"Pero sinurprise ko siya no’ng technical rehearsal [para sa Party Pilipinas].

"Nagdala ako ng roses... pahabol para sa Valentine’s.

"Siyempre may pasalubong din ako sa kanya. Secret ko na lang kung ano ’yon!" natawa ulit ang young actor.

May Valentine’s gift ba na naibigay sa kanya si Louise?

"A... wala pa.

"Surprise daw, e. Sabi niya, surprise daw," nakangiting sabi ng Kapuso young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN