FIRST READ ON PEP: Nora Aunor comes home tomorrow after medical treatment in the U.S.

Almost two months after returning to the United States, Superstar Nora Aunor will come home tomorrow, February 24. According to her close associates, Nora’s voice has improved after undergoing medical treatment.


Kumpirmado na ang pagbabalik sa Pilipinas ng Superstar na si Nora Aunor bukas, February 24, Biyernes.

Ito ang kinumpirma ng personal manager ni Nora na si Boy Palma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng phone interview kaninang tanghali, February 23.

Lulan ng Philippine Airlines PR 103 flight mula Los Angeles, California, ang expected time of arrival ng Superstar sa NAIA 2 (Centennial Airport) ay 5:55 a.m.

"By this time ay nakasakay na siya ng eroplano from Los Angeles, and she’s expected to arrive sa NAIA by 5:55 ng umaga bukas," pagbabalita ni Boy.

Umalis ng Pilipinas si Ate Guy noong January 8, 2012 upang ipagamot ang kanyang lalamunan na sinasabing naapektuhan noon sa isang treatment na sumailalim siya.

Ito umano ay nakaapekto rin sa kanyang boses, bagay na ikinalungkot mismo ni Nora at mga taong nagmamahal sa kanya.

Hindi na kasi siya makakanta o bawal siyang kumanta, kahit gusto nitong pagbigyan ang kanyang fans na mainit na tinanggap siyang mulipagkatapos ng walong taon na pagkawala niya sa bansa.

Sabi ni Boy, "Susunduin ko lang siya sa airport bukas at didiretso ko na siya sa condo niya para makapagpahinga kaagad. She needs rest kasi, e."

Ayon pa kay Boy, walang major or minor surgery/operation na nangyari kay Nora sa isang hospital sa Boston, Massachusetts.

Sa isang medical treatment lamang sumailalim ang award-winning actress.

"Nakalimutan ko lang ang name ng hospital sa Boston, pero it was just a medical treatment.

"May sinasabi lang si Guy na therapy, at masaya ito dahil nakaramdam siya ng ginhawa sa therapy na yun,’ sabi ni Boy.

May pagbabago ba sa boses ni Nora kapag kausap niya ito sa telepono?

"Medyo may nabago, nawala yung paos ng boses niya," sagot ni Boy.

"Dahil kasi nga yun sa therapy, and she needs to come back uli doon para sa follow-up therapy, pero di pa namin alam kung kailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She’s still under observation kasi sa ginawang medical treatment, pero hindi siya inoperahan."

OBLIGATIONS AND COMMITMENTS. Dinagdag din ni Boy na kailangan na rin ni Nora na bumalik na sa Pilipinas upang harapin ang kanyang obligations at commitments sa TV5.

Exclusive contract artist siya ng Kapatid network sa loob ng tatlong taon, mula pa noong dumating siya sa bansa noong August 2011.

Saad pa ni Boy, "Green card holder pa lang naman siya, she’s an immigrant, so talagang kailangan niya ring pabalik-balik dito at sa America.

"Six months stay lang kasi ang allowed sa ganoon, di ba?

"And at the same time, kailangan na niya talaga bumalik dito dahil sa mga pag-uusapang next projects niya for TV5.

"Magpapahinga lang si Guy pagdating niya bukas and maybe, after two days, papatawag na kami ng TV5 para sa mga planong gagawin niya this year."

Wala pang konkretong project ang nasabi ni Boy, pero aniya’y masusing inaayos ang mga ito.

"Lahat ng projects ni Nora ay inaayos na and everything is being prepared.

"Rest assured na pinaghahandaan itong mabuti ng TV5 na alagang-alaga siya.

"’Pag naplantsa na ito, that’s the time na magmi-meeting na kami with the executives."

Sinabi pa ni Boy, base sa obserbasyon niya sa pakikipag-usap niya sa aktres, "Happy si Guy dahil medyo maginhawa na ang boses niya.

"Pero mas happy siya dahil makakabalik na siya uli dito sa atin.

"Ever since naman, gusto niya talaga dito."

Hindi pa lang nito ma-disclose kung anong TV project ang inihahanda para sa Superstar ng Kapatid network—kung ito ba ay isang weekly drama anthology, isang nightly drama series uli, isang musical show, o dalawa sa tatlong options na nabanggit.

Puwede ring concert at maging bagong pelikula dahil may Studio 5 rin, ang film arm ng TV5.

"Pine-prepare pa lang nila lahat and wala pa akong masasabi sa ngayon so sana ay abangan na lang nila," sabi ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NORANIANS. Samantala, nakausap din ng PEP si Albert Sunga, close confidante ng Superstar, na siyang in-charge sa Noranians o ang mga loyalistang fans ni Nora Aunor.

Welcome naman daw sumalubong sa Centennial ang fans pagdating ng kanilang idolo bukas.

Ani Albert, "Nakausap ko na ang mga presidents ng mga fans club niya and may mga nagpaplanong pumunta para sumalubong.

"May area naman kasi sa airport para doon.

"Kausap ko rin si Ate Guy kanina lang bago siya sumakay sa airport sa L.A., and excited siya sa pagbabalik niya ulit dito."

Sa phone conversation ba niya kay Nora ay may napansin itong pagbabago sa boses nito?

"May improvement sa boses niya," sagot ni Albert.

"Mapapansin mo naman, e, the minute you pick up the phone na nasa kabilang linya siya.

"Dati kasi, halatang bumaba talaga ang timbre ng boses niya.

"Pero siyempre, aside from sa medical treatment na pinagdaanan niya, nakapag-rest rin siyang mabuti.

"Masaya ang fans sa development na ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN