Aljur Abrenica on balancing love and work: "Gusto ko lang sabihin na it doesn’t mean na work lang ako... Tao lang din ako, parang binata lang din ako, masaya rin."

"Well, a, mas pinili ko munang mag-focus sa work kasi may gusto akong patunayan, may gusto akong marating. Lahat naman tayo gano’n, di ba, ’pag may pangarap ka, may gusto kang marating, dapat mag-focus ka do’n," says Aljur Abrenica about his decision to focus on career first.


Isang bagong Aljur Abrenica raw ang dapat abangan sa upcoming movie ng GMA Films, ang My Kontrabida Girl, kung saan makakatambal niya si Rhian Ramos.

Naikuwento ni Aljur noon sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magiging karakter niya sa nasabing pelikula.

"Ako dito si Chris Bernal.

"Bale kasi patay na yung parents ko dito, so I work for myself, ganun.

"We have a resort, pero hindi ako yung nag-manage dahil nga masyado pa akong bata. Mga tiyahin ko yung nag-manage nung resort.

"Typical na probinsiyano, yung laking-probinsiya, ’tapos member ako ng SK [Sangguniang Kabataan].

"Si Chris Bernal dito ay isang taong masayahin. Sobrang masayahin... masyadong positive.

"Ang problema lang sa kanya, ayaw niya yung may taong nasasaktan.

"Basta sa paligid niya, gagawin niya lahat basta hindi lang masaktan yung taong yun."

(CLICK HERE for related article.)

Muling nakapanayam ng PEP si Aljur kahapon, Pebrero 22, sa kanyang pocket interview sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

Dito naman ay sinabi niya kung paano naiba ang karakter niya sa My Kontrabida Girl sa ibang proyektong nagawa na niya.

"No’ng nakaraan kasi, ’yong mga character ko dapat macho, dapat sexy, fantasy, [tulad ng] Last Prince, Machete," sabi ng Kapuso actor.

"Ito kasi ano, e, tao ako dito, e. The fact na kakaiba ’yong character na ito—sobrang bait, walang kaangas-angas, malayong-malayo...

"Hindi naman malayong-malayo, kumbaga, malayong-malayo sa mga ginawa ko previously."

Ilan sa mga pelikulang nagawa na ni Alajur ay I.T.A.L.Y. (2008), Nandito Ako Nagmamahal Sa ’Yo (2009), at Temptation Island (2011).

CAREER FIRST. Samantala, kapansin-pansin ang pananahimik ng lovelife ngayon ni Aljur. Kaya naman sinasabi ng iba na naudlot o nagkahiwalay na sila ng nali-link sa kanyang si Kylie Padilla.

Si Kylie ay anak ng action star na si Robin Padilla at bida sa afternoon soap na The Good Daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy man silang pag-usapan, walang ginagawang pag-amin ang dalawa. Pareho rin nilang sinasabing trabaho muna ang kanilang pinagtutuunan ng pansin.

Sinabi ni Aljur sa PEP na prayoridad niya ang kanyang career dahil marami pa siyang gustong patunayan at may gusto siyang marating.

"Lahat naman tayo gano’n, di ba, ’pag may pangarap ka, may gusto kang marating, dapat mag-focus ka do’n."

Anu-ano pa ba ang gusto niyang marating?

"Marami, marami pa," mabilis na sagot ni Aljur.

"In this business, gusto ko makakuha ng acting award.

"Marami pa akong gustong patunayan, marami pa akong gustong gawin na proyekto.

"’Tsaka marami pa akong gustong ipakita sa kanila, like my talent in singing, gusto kong patunayan sa kanila ’yon."

Bago pa man daw kasi niya subukan ang pag-arte ay mahilig na siyang umawit.

Katunayan, tumutugtog din siya ng gitara at may naisulat na siyang ilang kanta.

NO TIME. Bukod sa kanyang mga pangarap, isa pang dahilan kung bakit wala siyang kasintahan ngayon ay dahil nahihirapan siya na pagsabayin ang kanyang buhay pag-ibig at trabaho.

"Mahirap," bulalas niya.

"Mahirap pagsabayin ’yong love sa work, ubos ka sa oras.

"Hindi naman totally mahirap. Kumbaga, mas masaya nga ’pag may lovelife ka, at the same time, may work ka.

"Sino ba naman may ayaw?

"Well, sabihin na lang nating mas gusto kong mag-focus sa work ngayon.

"Nandiyan naman ’yong mga tao sa palagid ko, mga taong nagmamahal sa akin, mga taong minamahal ko, family ko...

"Siyempre, hindi mawawala do’n si Kylie."

Ngunit bago pa man namin itanong kung bakit niya nabanggit ang pangalan ni Kylie, kaagad nang nagpaliwag ang aktor.

Aniya, "A, kami ni Kylie, gano’n pa rin.

"So, hindi naman talaga exactly na kami, pero...

"Gusto ko lang sabihin na it doesn’t mean na work lang ako, alam mo ’yon?

"Tao lang din ako, parang binata lang din ako, masaya rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN