Part 2 Jay Manalo explains unprofessionalism issue hurled against him

"Kinol-time ako ako ng 8 ng umaga, kinunan ako ng alas-dos ng madaling-araw. Tama ba yun? Imbes na may ginagawa ka sa buong araw, wala ka nang nagawa. Ang ginawa ko matulog nang matulog, gumising, kumain. Gigisingin ka para kumain. Anong nangyari nung ginising ako, nakunan na ako. Na-realize ko, isa lang pala ang eksena ko, ’Hindi n’yo pa ako kinunan?’ Nagwala ako! In a sense na yung polo na pinasuot sa akin, ginanun ko, nagtalsikan yu


Sinasabi ng iba na mula nang si Annabelle Rama ang naging manager ni Jay Manalo ay "tumino" na ang aktor.

Mas nagseryoso raw si Jay sa trabaho noong hawakan ng palabang talent manager ang kanyang career.

Pero pagtatanggol ng aktor sa sarili, "Hindi. Actually, matagal na akong matino.

"E, pinipilit lang nila akong lagyan ng ibang... unprofessional ako, mahirap katrabaho. "

Hindi naman totoong unprofessional siya?

"Ewan ko sa iba? Kasi may naninira, e," makahulugan niyang sabi.

"Baka naman kasi tinitira nila ako just because meron silang alaga, threat ako sa kanila.

"Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pero alam ko, magiging threat din talaga ako sa kanila.

"Kahit sino sa kanila, hindi ako tatayuan ng balahibo in the sense of acting."

UNPROFESSIONAL? Para hindi magkaroon ng maling interpretasyon na baka may pinatatamaang partikular na tao si Jay, nilinaw nito ang binitiwang salita.

"Hindi, kasi pinilit nila kasi ang isang bagay na ang sistema, e, dapat sundin.

"Paano susundin ang sistema kung yung mismong nagpapatupad ng sistema, e, hindi nila nasusunod yun?

"For example, paano nila made-define yung pagiging unprofessional?

"Sige nga, i-define nga nila? O, bigyan nila kami ng 8 o’clock. Anong oras magga-grind? Ten [o’clock]?

"Ang inaano ko lang, sana magkaroon ng kunsiderasyon.

"Ako, na-experience [ko] sa isang network," salaysay ni Jay.

Nang pahulaan kung GMA-7 ba ito o ABS-CBN, tumangging sumagot ang aktor.

"Hindi, na-experience ko sa isang network... Kinol-time ako ako ng 8 o’clock ng umaga, kinunan ako ng alas-dos ng madaling-araw. Tama ba yun?

"Imbes na may ginagawa ka sa buong araw, wala ka nang nagawa.

"Ang ginawa ko, matulog nang matulog, gumising, kumain. Gigisingin ka para kumain.

"Anong nangyari nung ginising ako, nakunan na ako. Na-realize ko, isa lang pala ang eksena ko, ’Hindi n’yo pa ako kinunan?’

"Nagwala ako! In a sense na yung polo na pinasuot sa akin, ginanun ko, nagtalsikan yung mga butones. Hinubad ko, tinapon ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KAPAMILYA NETWORK? Sa kakapilit, nakumbinse rin si Jay na sabihin kung anong network ang tinutukoy niya.

"Ang tagal na no’n, e... sa ABS-CBN pa," pag-amin niya.

"Kaya kung yun ang sinasabi nilang ang hirap katrabaho, may tantrums na ako...

"Kasi kahit kayo, ikaw, gawan kita ng hindi maganda... like yung ganun, napaka-inconsiderate, maiinis ka, e.

"Pero ginagawa ko naman ang trabaho ko, e.

"Kahit anong ipagawa nila sa akin, kahit lumakad ako sa bubog, gagawin ko, e," paglalabas niya ng saloobin.

Matapos ang insidente, nakagawa naman daw uli ng proyekto si Jay sa Kapamilya network.

"Wala namang problema, tapos na yun. Yung nangyari, tapos na.

"Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob," sabi niya.

Sa tanong kung wala bang ganitong sistema sa TV5, hindi nakasagot ang aktor.

"A, sistema kasi yun. Sistema na lahat yun kahit saan ka mapunta," sagot niya.

Huwag lang siyang sasabihang unprofessional?

"Kasi pare-parehas rin tayong napupuyat, nagtatrabaho.

"Ginagampanan naman natin yung responsibilidad natin. Yung obligasyon natin sa trabaho."

FAITHFUL HUSBAND. "Faithful husband" na raw si Jay mula nang pakasalan niya ang kanyang asawa na si Anna Ryza Austria-Manalo at bumuo ng sarili niyang pamilya.

Panay ang sabi ni Jay na hindi na raw siya nambababae.

Sa katunayan, ipapanganak ng kanyang misis ang ika-apat nilang anak ngayong araw, Pebrero 23.

Kahapon, Miyerkules, Pebrero 22, nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jay.

Ibinalita nga niyang ngayong araw, Huwebes, nakatakdang manganak ang asawa.

Sabi pa nga niya, pagkatapos ng taping niya dadalhin na niya sa ospital ang misis niya.

Pang-labing isang anak na raw niya ang lalabas niyang baby ngayong araw.

Ang dalawa niyang anak sa magkaibang ina ay 19 years old na—isang babae at isang lalake.

Yung anak daw niyang babae ay dating dancer sa telebisyon at lumabas na rin sa isang astringent TV commercial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama pa raw ng dalaga ang kanyang ina sa nasabing TV ad.

Hindi raw pinapayagan ni Jay na pasukin ng anak niyang babae ang showbiz kahit gumagawa na ito ng commercial.

Ang panganay naman niyang lalake ay wala raw interes sa pag-aartista.

Sabi ni Jay, "Wala naman akong ini-encourage sa kanila na mag-artista.

"Hindi ko rin naman sila dini-discourage, pero hangga’t maaari, ayaw ko talaga."

Mukhang masaya at kuntento si Jay sa kanyang asawa.

Nang tanungin nga ang aktor kung nabibighani ba siya sa ganda ni Alice Dixson, co-star niya sa Isang Dakot Na Luha, matapos purihin ni Jay ang leading lady niya sa serye, pinuri rin niya ang kanyang misis.

"Maganda naman talaga si Ms. Alice. Pero maganda rin ang asawa ko."

Itinanggi ni Jay nagpaparamdam siya kay Alice o nagpapalipad-hangin.

"Wala. After ng take, balikan na sa tent.

"Wala nang maganda sa mga mata ko kundi yung asawa ko lang," nakangiting sabi ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN